Niyakap agad ni Angel si Jaidyleen pagkakita sa kanya. Nagkanya-kanyang pulas naman ang mga kasama niya sa bahay para bigyan sila ng privacy. Mabuti na lang at di ito hinarap ng nanay niya. Baka mamaya ay may masabi pa itong di maganda kay Angel. "I am sorry this happened. Naghahanda na ako ng interview para linawin sa lahat ang relasyon natin,” sabi ng binata. Naalarma siya. "At anong lilinawin natin?" "Sabihin natin ang katotohanan sa relasyon natin. Aminin na natin sa lahat na nagmamahalan tayo. Hindi na natin kailangang magtago. Hindi ba iyon naman ang gusto nating mangyari,” nakangiting sabi nito na parang excited sa ideya. Naggiyagis ang ngipin niya. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari. Wala ang gulong ito sa mga plano niya. "Great! And may career will go down the drain. Tuluya

