"ANGEL, don't put me on the spot. Anong sasabihin ko sa Mama mo?" Mahigpit ang hawak ni Jaidyleen sa braso ni Angel habang nakaiwas sa laptop computer nito. Silang dalawa lang ang nasa condo nito dahil katatapos lang ng leksiyon nila. May ibang appointment sina Misagh at Carlie kaya sinamantala ni Angel ang pagkakataon para makausap niya ang nanay nito na si Soledad Aldeguer. Hinawakan ni Angel ang balikat niya at inilapit sa laptop nito. "Ikaw pa ang naubusan ng sasabihin? She just wants to meet you." Huminga siya ng malalim at ihinanda ang ngiti sa pagharap sa nanay nito. Mukhang mabait si Soledad Aldeguer. Ayon kay Angel ay sa Pilipinas ito lumaki at nagpunta lang sa Spain noong disiotso anyos na ito. Doon na kasi nagtrabaho ang lolo ni Angel na isang engineer. Doon na rin ito nakap

