"Salamat po, Teacher. Sana po sumama kayo sa amin sa susunod," wika ni Jennifer nang magpaalam na si Jaidyleen dito. "Astig ka rin pala, Ma'am. Akala ko banong-bano ka. Tiyak na matutuwa si Jeprox kapag nalaman ito. Naipanalo kami ng teacher ni Coach Angel," sabi ni Popo. Nag-iba na rin ang tingin niya sa mga bata nang makilalang mabuti ang mga ito. Ang bawat isa ay nais lang makatawid sa pang-araw-araw na buhay. Di naman talaga gustong maging masama ng mga ito. Sadyang may mga taong desperado lang sa buhay. Subalit kapag naman nabigyan ng pagkakataon ay nagbabago. Halos hilahin niya ang sarili nang sumakay sa kotse ni Angel. "Sana gumaling na ulit si Jeprox. Parang di ko na kakayanin sa susunod na maglaro." "I will treat you for a massage," pangako nito. Umiling ang dalaga "Hindi

