"Go, Josh!" Kuntodo ang pagchi-cheer ni Jaidyleen sa bagong player na national team na si Van Van Josh Sanders. He was half-American who grew up in Switzerland and played for a football club in Bacolod. Naging sikat ito nang makagawa ng dalawang goal para sa Pilipinas noong SEA Games sa loob lamang ng walong minuto. "Ang guwapo talaga niya. Parang Zac Efron," kinikilig na wika ni Lime. "Zayn Malik ng One Direction!" sigaw naman ni Emcel at itinaas ang mga kamay. "He reminds me of Gerald Anderson. Ganda ng mata. Nasalubong ko siya kanina nang papuna sa stadium at nag-hello. Nakakatunaw kung ngumiti," aniya at nakapangalumbabang sinundan ng tingin ang pagtatangka ni Van Josh na agawan ng bola ang kalaban. Kanina pa siya naghahanap ng magiging target niya na player na pagbabalingan niya

