Chapter 5

2400 Words
"Ola, mi amigas!" masiglang bati ni Jaidyleen sa mga kaibigan at isa-isang hinalikan ang ito sa pisngi. Nagkita-kita sila sa café malapit sa opisina niya at siya na lang ang hinihintay ng mga ito dahil may biglaang meeting sila na hindi niya matakasan. Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang manggaling sila sa Guimaras at gaya ng nakagawian ay nagkikita-kita sila para i-update ang isa't isa habang nagre-relax sa restaurant o café na napili nila. Nagulat siya nang biglang yakapin ni Yrene. "Ayos ka lang ba?" Nagtaka siya dahil parang alalang-alala ito. "Oo naman. Bakit ba? May nangyari ba at bigla kayong nakipagkita?" tanong niya. "Dahil ba sa biglang pag-uwi ni Ratchelle sa probinsiya? May nangyari bang masama?" Kanina ay umuwi si Ratchelle sa isla nito sa Biliran upang makipag-ayos sa mga magulang na matagal na nitong nakatampuhan. "Hindi. Ikaw talaga ang inaalala namin," sabi ni Armine at pilit siyang pinaupo. Inabutan pa siya nito ng tubig. "Nakita kasi namin sa internet na ikakasal na pala sa ibang babae si Nomer." "Ah! Alam ko na. Nagpunta pa nga siya sa opisina kahapon para ibigay sa akin ang imbitasyon sa kasal," kaswal niyang sabi. "Aba! May kakapalan din pala ang mukha ng isang iyon. Gusto ka pa niyang sadyang pasakitan? Ipapatumba ko iyon," ngitngit ni Armine. Dati ay sa kanya pa naiinis ang mga kaibigan niya nang tanggihan niya ang alok na kasal ni Nomer. Perfect daw kasi si Nomer para sa kanya. Pero ngayon ay mukhang isang nalimas na ang amor ng mga ito kay Nomer.  "Actually, sabi niya masaya siya dahil may ready family na siya. Pangarap daw kasi niya na magkaasawa at magkaanak at natutupad na iyon. Habang ako daw dapat nang magkaroon ng mas matinong buhay dahil wala pa rin daw nagbago sa akin." Binayo ni Che-Che ang mesa. "Aba at gusto ata talagang magulpi ng isang iyon." "Tama naman siya. Wala na akong ibang inisip kundi ang pamilya ko. He is actually bitter about it. Natutupad ang pangarap niya habang nandito pa rin ako kung saan niya iniwan," aniya at bumuntong-hininga. Pero nagagawa na niyang magkwento sa mga ito nang walang bahid ng kapaitan. Hinaplos ni Yrene ang likod niya.  "Iiyak mo lang ang sakit, Jaidyleen. Nandito kaming mga kaibigan mo para damayan ka." Natatawa niyang tinapik ang balikt nito. "Huwag ninyo akong intindihin. Di ako naiiyak. I am happy for them." Naging intense ang mukha ni Armine. "In denial ka lang pero nasasaktan ka. Mga kaibigan mo kami. Nandito kami para makinig sa iyo at umiyak kasama mo. Kung gusto mo mag-inuman pa tayo para lang mailabas mo ang sama ng loob mo. Huwag mong kimkimin iyan." Natawa na lang siya at mukhang baliw na ang tingin ng mga ito sa kanya. "Salamat sa concern pero okay lang talaga ako. Masaya ako. As a matter of fact, I never felt so happy in my life." Nagkatinginan ang mga ito na puno ng pagtataka. "Paano ka naging masaya?" tanong ni Armine. "Ganoon lang kadali para sa iyo na pakawalan si Nomer? Naka-drugs ka ba?" "Better than drugs. Maligayang-maligaya ako dahil sa lalaking ito." Inilabas niya ang cellphone at halos ipagduldulan sa mukha ng mga ito ang picture nila ni Angel. Natutop ni Che-Che ang bibig. "OMG! Na-meet mo ang paborito mong football player? Si Angel Aldeguer!" Mataman na tinitigan ni Yrene ang larawan. "Baka naman in-Adobe Photoshop lang ito." "Ano naman ang kwenta ng pekeng pictures kasama siya kung mas maganda ang totoong siya? Nahawawakan ko, naaamoy at nakakasama." Niyakap niya ang sarili. "Niyaya kasi ako kagabi ng bago kong kasamahan sa football game niya. Iba pala talaga kapag nakasama mo ang lalaking gusto mo. Parang nasa langit ka." "At ganoon din ang ibang mga babae," pakli ni Armine at sumubo ng fettucini pesto. "Marami ngang babae na naghahabol sa kanya pero sa kanilang lahat, ako lang naman ang sinabihan niya ng maganda,” pagmamalaki niya sa kaibigan at humalakhak. Noong una ay inisip niyang baka panaginip lang ang lahat. Kaya paggising niya ay  tiningnan agad niya ang cellphone at bumungad agad sa kanya ang picture nila ni Angel na nakatulugan niya sa pagtitig niya. "Weh! Ang tindi mo naman mag-ilusyon," kontra agad ni Yrene. "Baka naman ganyan siya mag-cope sa mga pighati niya sa buhay. Baka iyan ang naisip ng utak niya na paraan para maka-recover dahil sa shock niya nang malamang ikakasal na si Nomer," matiyagang paliwanag ni Armine. Tumango-tango si Che-Che. "Masakit nga sa loob iyan, Ate Armine." Saka naaawa siyang pinagmasdan. Iniikot niya ang mga mata. "Bakit ba hindi ninyo ako seryosohin? Hindi na lang kayo maging supportive sa akin.” "Ipagpalagay nang sinabihan ka niyang maganda. Baka nagpa-practice lang 'yan na mag-Tagalog," suhestiyon ni Yrene. "Niyaya pa nga niya ako sa bar kung saan sila nagha-hangout na magkakaibigan. Umalis lang siya sa table para kausapin ang isang talent scout pero pinadalhan niya ako ng dessert. Exclusive ang bar na iyon at mga kakilala lang ng members ang pwedeng pumasok. Di ako pupunta doon kundi ako niyaya ni Angel. Bahala kayo kung ayaw ninyong maniwala. Basta Masaya ako sa mga nangyari at hindi ako nag-iilusyon." Nanghaba ang nguso ni Jaidyleen nang may maalala. "Nainis nga ako sa mga babaeng halik nang halik sa kanya nang walang permiso." "Talo ka pala e," wika ni Che-Che at ipinitik ang daliri. Umingos siya. "Di ako nagpatalo. Tinuruan ko ang mga iyon ng leksiyon. Ipinakita ko sa kanila kung paano dapat kumuhan ng halik sa lalaki. Tinanong ko si Angel kung pwede ko siyang halikan in Spanish at pumayag siya."  "Ow! Hinalikan mo?" tanong ni Armine. "Hindi ba nang maging boyfriend mo si Nomer isang buwan bago ka nahalikan? Maria Clara lang ang peg mo." Ipinakita niya nang buong pagmamalaki ang kuha ni Foxx sa kanila sa cellphone niya nang halikan niya si Angel. "Tingnan ninyo ito." Natutop ni Che-Che ang bibig. "Naku po! May eskandalo!" "Nagawa mo nga," sabi ni Armine na nakanganga lang sa picture. “Ikaw ba talaga iyan, Jaidyleen? Anong espiritu ang sumapi sa iyo? Ikaw itong pahinhin sa atin.” "Akala ko ba ayaw mo sa mga babaeng nagsasamantala sa kanya?" tanong Yrene nang makabawi.  "Pumayag siyang magpahalik. At least nagpaalam ako sa kanya nang maayos. And this picture? Patunay lang ito na hindi ako nananaginip ng gising. Na hindi lang ako nag-iilusyon. Nahalikan ko si Angel Aldeguer!" Tinutop niya ang cellphone sa dibdib. "It must be love." "Naman! Di ka na batang paslit para ma-in love agad. Matanda ka na para maghibang-hibangan. come on! You need someone realistic. Someone real. Iyong normal na tao," sabi ni Yrene. "Bakit? Abnormal ba si Angel? Di rin naman siya alien. Ang mga celebrities ay katulad din natin na marunong magmahal. At di naman malabo na magkagusto din siya sa ordinaryong babaeng gaya ko.," depensa niya. Bakit ba kailangang maging hadlang ang estado ng mga tao pagdating sa pagmamahalan? Wala namang imposible sa pag-ibig. "Sige. Magpakabaliw ka sa pag-ibig. But you don't expect him to fall in love with you," babala sa kanya ni Armine. “Ikaw lang ang inaalala namin. Katatapos mo lang kay Nomer tapos may bago na naman. Medyo mataas ang level nitong gusto mo.” Lumabi siya. "Hindi iyon ang iniisip ko.  Basta masaya ako sa atensiyong ibinigay ni Angel sa akin. I never felt so alive. Parang pwede kong gawin ang kahit ano nang di iniintindi ang responsibilidad ko at ang mga problema ko sa pamilya. Masarap sa pakiramdam. Gusto ko ng ganito. Na may isang tao na nagpapasaya sa akin at wala akong inaasahan na kahit ano. Hindi ko naisip na posible itong maramdaman. Kung anuman ang nararamdaman kay sa kanya, gusto ko na huwag nang mawala ang rason kung bakit ako masaya. Good vibes lang. Naiintindihan ba ninyo ako?” Tiningnan ni Che-Che sina Armine at Yrene at saka nagkibit-balikat nang tumingin sa kanya. "Wala naman akong magagawa dahil si Angel ang nagpapasaya sa iyo. Iyon naman ang mahalaga. Ikaw na may katawan ang makakapag-desisyon kung ano ang magpapasaya sa iyo." Nakangiti niyang pinisil ang kamay ng kaibigan. "Mula nang mabuhay tayo mula sa aksidenteng iyon sa Guimaras, pakiramdam ko lumilipas ang buhay ko nang walang nangyayari. Hindi ako masaya dahil hindi ko nabigyan ng panahon ang sarili ko na maging masaya. At nang makilala ko si Angel, ipinaramdam niya sa akin ang mga bagay na di ko pa nararanasan. He made me feel extra special. Kahit na pansamantala lang ito, I will make the most out of it. Tutal di ko naman alam kung hanggang kailan ako mabubuhay sa mundo. Gusto kong maging masaya sa bawat pagkakataon." Tumango-tango si Yrene. "Tama ka diyan, mare. Kaya naisip ko na mag- asawa na." Nagulat siya sa rebelasyon ni Yrene. Wala itong kabalak-balak mag-asawa o magka-boyfriend man lang dahil sa di magandang track record ng mga magulang nito.    "I can't believe this. You, Yrene Dimasalang, sworn old maid finally decided to get married? Anong klaseng himala ang nangyari?" tatawa-tawang tanong ni Armine. "Noong muntik akong mamatay sa Guimaras, napag-isip-isip ko na maiksi lang ang buhay. Kami na lang ni Mama sa mundo. Wala siyang ibang hiniling kundi makitang magkaasawa ako at magkaanak. Ni hindi ko man lang kasi sinubukan na pagbigyan siya. Sayang naman ang matris ko," paliwanag ni Yrene at kumuha ng ice cream sa baso niya. “Pahingi!” "Sabagay kaya wala din si Ratchelle ngayon. Umuwi siya sa parents niya. Maikli lang daw ang buhay para makipagmatigasan pa siya sa magulang niya. Matanda na din daw sila," sabi ni Che-Che. "Iba talaga ang nagagawa kapag kaharap mo na ang kamatayan, no? Nag-iiba ang ihip ng hangin at napag-iisip-isip mo ang mga bagay na wala ka namang pakialam dati." "Ako din naisip ko ang tungkol sa anak ko. Kung namatay ako, di ko man lang nasagot ang tanong niya kung sino ang Papa niya," malungkot na sabi ni Armhine. May kanya-kanya silang realization matapos ang aksidenteng paglubog ng bangka nila sa Guimaras at muntik na nilang pagkamatay. Di talaga dapat sinasayang ang pagkakataon. "Basta ako mag-e-enjoy na sa buhay. Mamamatay ako nang di nae-enjoy ang mga pinaghirapan ko. I want to be happy for once. Wooo!" sabi niya at itinaas ang mga kamay. At di na siya mag-aalinlangan na sundin kung anong itinitibok ng puso niya. Matapos kumain ay tumuloy sila sa mall para palitan ang mga bagong make up nila. Kailangan daw iyon kung nais nila ni Yrene na manlalaki. Nagte-test sila ng make up sa Yves Rocher nang tumawag sa kanya si Foxx. "Ate, may kakausap sa iyo," excited na sabi nito.  "Sino?" tanong ni Jaidylee. "Basta!" “Hello, Jaidyleen! Kumusta ka?" anang malambing at medyo magaspang na boses ng lalaki sa kabilang linya. "Sino 'to?" Ang ganda ng boses. Parang humahagod sa balat niya. Parang pamilyar sa kanya ang boses pero di lang niya matukoy kung sino. "Angel." "Aldeguer?" tanong niya. Ito lang naman ang kilala niya na Angel ang pangalan. Kahit nga siguro hindi Angel iyon ay pangalan pa rin nito ang babanggitin niya. "Si," sagot agad nito.  "Weeeeh!" Maniwala naman siya na si Angel ito. "Ano ang weh? Di ko maintindihan," na guguluhang tanong ng lalaki. "It means I don't believe you. Angel-Angel ka pa diyan," mataray niyang wika. Lagot sa kanya si Foxx. Hindi magandang biro ito. "Ano iyon? Mabagal lang. No habla English. Carlitos, ayuda me," hingi nito ng tulong sa isa sa mga half-Spanish players. Parang nagmamakaawa ito na maiiyak sa sobrang frustration. Nang magsalita ito ng tuloy-tuloy na Spanish ay saka niya na-realize na ito nga si Angel. At hindi talaga siya nito maiintindihan dahil di naman ito marunong mag-English. Parang gusto niyang gumulong-gulong sa sobrang kilig saka magtitili habang tuma-tumbling. Si Angel Aldeguer nga ang kausap niya. Parang sasabog na ang puso niya. "No, no, Angel. Its okay. Naniniwala na ako sa iyo,” sabi niya habang kinakalma ang sarili. "Naniniwala ka na sa akin?" tanong niya na may bahid ng tuwa sa boses. "Oo. Naniniwala ako sa iyo. Sandali!" Di siya makahinga. Tinakpan muna niya ang mouthpiece ng phone niya saka pinakawalan ang isang matinis na tili. "Kausap ko si Angel, mi amor. Ay grabe parang mahihimatay ako." Tinapik ni Armine ang likod niya. "Lalaki lang 'yan uy. Kumalma ka nga." "Eeeee! Kausap mo si Angel," tili rin ni Che-Che. "Alam ko ang pakiramdam nang magmahal na parang mamamatay ka sa saya kapag kausap mo siya. Damang-dama kita, kaibigan." "Hello! Hello, Jaidyleen! Nandiyan ka ba?" tanong ni Angel sa kabilang linya. Hinamig muna niya ang sarili niya bago nagpatuloy ng pakikipag-usap dito. Nanginginig pa rin siya dahil di siya makapaniwala na kausap niya ito ngayon. "Oo. Nandito lang ako. Bakit gusto mo akong makausap?" "Kasi... gusto kong sabihing maganda ka. Bye." At narinig niya ang tone na nagsasabing putol na ang tawag. Naguguluhan niyang tinitigan ang cellphone. "Huh! Anong nangyari doon?" "Ano bang sabi?" tanong ni Yrene. "Maganda daw ako sabay bye." Nagkibit-balikat siya. "Weird." "Wala na ba siyang ibang alam sabihin kundi maganda ka?" tanong ni Armine. "Okay lang. Iyon ang pinakamagandang papuri na narinig ko. Maganda ako. Ang ganda-ganda ko, no?" Di naman lahat ng babae ay nabibigyan ng pagkakataon ng lalaking gusto nito lalo na ng isang celebrity na maganda ito. Isa lang siya sa mapapalad na nilalang. "Sana may magandang kauwian yang ginagawa mo. Mahirap mabuhay sa parang fairy tale na mundo tapos sa huli masasaktan at iiyak ka lang," sabi ni Armine. "Ate, kailangan mo rin ng love life. Masyado kang problemado sa buhay. Oras na magka-love life ka, liliwanag ang buhay mo," aniya at ibinuka ang mga kamay. "Kaya nga ako nagka-problem ang ganito ngayon dahil minsan akong na-in love, di ba?" Ipinadyak nito ang paa. "Bakit ba masyadong komplikado ang buhay? Bakit kasi ipinangako ko pang sasabihin ko sa ama ni Um ang tungkol sa anak namin oras na mabuhay ulit ako." "O natatakot kang muling ibalik ang tamis ang pag-ibig?" nanunuksong tanong ni Jaidyleen sa kaibigan. "Shut up!" angil ni Armhine. “Pumili na kayo ng lipstick. Saka na ang pag-ibig na iyan.” Isang mataginting na halakhak ang pinakawalan niya. Sa sayang nararamdaman niya ngayon, parang gusto na lang niyang ma-in love ang lahat ng tao sa mundo at maging Masaya nang di natatakot na baka masaktan din sa huli. Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end. There are two ways to get coins: 1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins. Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins. 2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country. Thank you and happy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD