"I'M late, I'm late, I'm late…" usal ni Jaidyleen habang tumatakbo pababa sa hagdan ng LRT. May tatlumpung minuto nang nagsisimula ang laro. Late siyang dumating dahil kagagaling lang niya sa home lesson ng dalawang Brazilian students niya sa Makati. Dahil medyo nahirapan ang mga ito na makuha ang lesson kaya natagalan sila. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang game at si Angel. Ngayon lang siya na-distract sa trabaho nang ganito. Ayaw na nga niyang isipin kung paano magbabayad sa mga utang ng kamag-anak nilang pinoproblema ng nanay niya. Malinaw ang mensahe niya - oras na para ang problemahin lang niya ay ang problema ng sarili niyang pamilya. Oras na para magkaroon siya ng personal na buhay at i-enjoy ito. Gusto niyang magpahinga ng bahagya ng trabaho dahil pakiramdam niya ay lalo siy

