"NAKAKAINIS! Nakakainis talaga!" maktol ni Jaidyleen saka sumubo ng french fries. Nasa KFC siya kasama ang mga kaibigan. Sa wakas kasi ay umuwi mula sa Biliran si Ratchelle. Depressed ito dahil ikakasal na ang lalaking una nitong minahal sa pinsan nito na mortal nitong kaaway. Pero mukhang hindi doon nagtatapos ang dilemma nito dahil natsismis ito sa buong bayan na may kasamang ibang lalaki sa boathouse nang gabing malasing ito. Kaya malaki ang problema nito. Ayaw sana niyang makisabay sa problema nito pero kailangan niyang ibuhos ang sama ng loob. Nakaalis na si Angel at ang national team patungong Amerika pero hanggang ngayon ay nagngigitngit pa rin siya dahil sa ginawa ni Sienna. "Hindi talaga ako makapaniwala na may mga babaeng makapal ang mukha na kukunin ang gamit ng isang lalaki

