"Such a loser," I hissed as soon as I entered my room. Ibinaba ko ang pagkain sa kama at umupo. Nag-iisip ako kung maliligo muna o kakain. Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip, pinili kong kumain muna bago maligo, baka lumamig ang pagkain. Pero naghubad na rin ako ng damit. Habang kumakain, bumalik sa isip ko ang negosyong gusto kong simulan. Ang apartment na gusto kong lipatan, at ang pera na wala pa rin ako. Malungkot akong napabuntong-hininga "Saan ako kukuha ng pera para sa negosyo at apartment? Gusto ko na talagang umalis sa bahay na 'to sa lalong madaling panahon," bulong ko bago sumubo ulit. I was halfway through my food when a notification tone went off. Kinuha ko ang phone at tinignan ang message. Bigla akong napasigaw sa nakita. Dumating na ang sahod ko! "Bayad na ako!"

