PROLOGUE
Here is your text with corrected grammar, spelling, and punctuation:
---
**Pak, Pak**
Kaliwa't kanan ang mga sampal na natanggap ko mula kay Mama.
"M-ma, m-magpapaliwanag ako," nakaluhod kong sabi sa kaniya.
"U-umalis ka na ngayon bago pa kita masaktan ulit at WAG NA WAG KA NANG BUMALIK DITO! DAHIL SIMULA NGAYON, WALA NA AKONG ANAK AT WALA KA NA RING NANAY!" sigaw niya.
"M-Ma..." tawag ko ulit sa kaniya, ngunit kinaladkad niya ako papunta sa gate at tinulak palabas.
"SIMULA SA ARAW NA ITO, ORAS, SEGUNDO, MINUTO, TAON, AT BUWAN, WALA KA NANG KIKILALANING INA AT WALA NA RIN AKONG ANAK NA KATULAD MO!" sambit niya sa akin.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo nang isarado niya ang gate.
"Magpapaliwanag ako, Ma!" pagmamakaawa ko sa kaniya.
Ngunit wala na akong magawa nang maisara niya na ang gate.
Unti-unti kong kinuha isa-isa ang mga gamit kong tinapon ni Mama. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo, papunta kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
**Ang bata-bata pa, ang aga kong natikman ang luto ng langit...**
"Jusme! Tama lang yung ginawa ni Aling Jena, masyado kasing nagpadala sa tukso."
"Ay naku, oo, para malaman niya kung gaano kahirap magkaanak."
"Kaya nga di ko pinapalapit si Heya diyan kasi baka turuan niya ng masama."
"Trash girl!"
"Ano kaya ang mangyayari sa magiging anak niya?"
"Kung ako sa kaniya, magpapakamatay na lang ako."
"Buti na lang di ka nakipagkaibigan sa kaniya."
"Ganiyan ang gagawin ko sa 'yo pag kumaringking ka nang maaga."
"Jusko! Ang bata-bata pa!"
Ilan-ilan lang yan sa mga naririnig ko mula sa mga kapitbahay namin. Ewan ko, pero bakit ganito ang tadhana sa akin? Bakit ako pa? Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan. Kung sa pagiging laitera naman, sorry po, di ko sinasadya yun.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta.
Dahil di ko naman kilala kung sino...
Basta, bahala na.
---
**Hi People!** I hope you liked my story, and thank you for reading. Love lots シ︎.
**Warning:** Some chapters may contain R18+ content. If you have an innocent mind, just scroll up and go to the next chapter. Thank you for reading, and have a good day!