Chapter 27 "Kaya pala wala akong wedding invitation na natanggap dahil kay Neon pinadiretso."Margaux on the other line laugh while shaking her head. Kahapon kasi ay ipinadala na ang lahat ng wedding invitation at walang nareceived si Margaux. She almost freaked out. Iyon pala na kay Neon ang wedding invitation niya. Napangiti naman ako habang abala sa paglalagay ng cream sa mukha ko. Sa susunod na linggo na ang araw ng kasal namin ni Alas at hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko habang papalapit ng papalapit ang araw ng kasal namin. "Well may I remind you, Margaux you're living in one roof. Baka siya ang nakareceived ng wedding invitation mo."I almost rolled my eyes. "Yeah. I forgot. Hindi pa din ako sanay hanggang ngayon but I love it here. I love Neon's penthouse

