CIRCE “Thank you, Earth, for making him rest at peace,” sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa kinaroroonan ni Denzell na ngayon ay nakahiga na sa kaniyang higaan matapos ng mga nangyari kanina. He was drained at halos hindi na rin talaga makausap dahil sa mga iniisip nitong posibleng nangyari kay Reva kaya hiningi ko na ang tulong ni Earth dahil mahirap din para sa akin na nakikita si Denzell sa gano’ng lagay. Pareho kaming nag-aalala para kay Reva but his pain’s different dahil kapatid siya. Reva’s his only family at sobra niyang pinahahalagahan ang kaniyang kapatid kaya hindi ko masisisi si Denzell kung nanghihina siya ngayon. “Alam kong maraming nangyayari sa atin ngayon pero hindi na rin maganda na nakikita tayo ng mga estudyante na sinisira ang sariling batas ng Academy, Circe,” a

