DENZELL Muli akong napahilamos sa sarili ko nang makailang ikot na kami ni Cleon sa Academy ay hindi pa rin namin nakikita ang kapatid ko. This is frustrating and I am worried as hell because that’s my freaking sister and she’s freaking missing! Kung sino man ang gumawa no’n, he or she’s on another level because damn, walang kahit na anong traces ng ginawa niya and I hate it! “Ikalma mo muna ang sarili mo, Den,” ani Cleon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nang sinabi sa akin ang mga katagang ‘yan. “Mahahanap din natin si Reva—” “You think so?” I asked him, full of sarcasm. Mapait na tawa rin ang kumawala sa labi ko. “Ilang oras na nga ba tayong naghahanap? Nakita ba natin ang kapatid ko? Wala, Cleon!” “Bakit sa akin mo binubunton ang frustration mo?!” asik nito sa akin haban

