LUCAS Abala ako sa pagbabasa sa silid-aklatan tungkol sa mga bagong mahika na gusto kong matutunan nang walang ano-ano ay tumunog ang hudyat na may karwaheng dumating. Awtomatikong kumilos ang katawan ko papunta sa pinakamalapit na bintana na kung saan ay tanaw ang gate ng palasyo namin, maging ang mga abalang tao sa lupain ng Celaeno. Tinanaw ko kung sino ang dumating at halos panlakihan ako ng mata nang makita ko ang aking kapatid. Umikot siya sa likuran ng karwahe at doon ay inilabas ang isang babaeng walang malay at may busal ang bibig. May piring din ang mga mata nito at may tali ang kamay. Gamit ang kaniyang abilidad ay pinalutang niya ito sa ere at agad na ipinasok ng palasyo. Dali-dali ay nilisan ko ang silid-aklatan at saka dali-daling tinahak ang daan pababa ng palasyo upang m

