REVA “Nasaan na si Earth?” bungad ko kina Circe at Miku. Naabutan ko pang tawang-tawa si Miku and I don’t understand kung anong nakakatawa sa nangyayari sa kaniya. Awtomatiko namang nawala ang ngiti sa labi niya nang makita niya na kami. “Why? What happened?” tanong ni Circe sa amin. “Nagkasalisihan kayo. Nakaalis na siya kani-kanina lang,” dagdag niya. “We need to talk to his friends,” ani ko at saka lumingon kay Miku. “Tingin namin may kinalaman ang mga kaibigan mo sa nangyari sa ‘yo.” Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Miku. “Ano na namang pambibintang ‘yan?” “Ang nakita naming dyamante na nakatarak sa dibdib no’ng namatay na estudyante, kaparehong-kapareho no’ng dyamanteng nasa gloves ni Averyl,” sabi ko. “Isa pa, we’re dealing with someone who can manipulate time at alam na alam

