REVA Mabilis na lumipas ang araw. Nakalabas na rin ng infirmary si Miku matapos masiguro ni Earth ang lagay nito at maconfirm na rin ni ate Claire ang lagay nito, ang orihinal na healer ng school. Speaking of, hindi ko pa rin maintindihan ang ginawa ni Circe no’ng araw na tinignan ni Earth ang lagay ni Miku. Panay siya kontra nang kontra sa ginagawa no’ng isa for unknown reason. Nagmukha tuloy siyang nag-aalala kay Earth but when I confronted her, dineny niya naman ang assumptions ko. Isa pa, nagpapasalamat naman ako na nabawasan ang gulo sa Academy no’ng mga nakaraang araw. Kahit papaano, naging organized naman ang ibang estudyante ng RMA. Magkaroo

