CIRCE “You should rest, Den, alam kong pagod ka na rin,” ani ko kay Denzell sa hindi ko na mabilang pa na beses. Simula pa kahapon ay wala na siyang pahinga kababantay kay Reva na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Maging si Earth na nagmamanman sa lagay niya, nakatulog na rin ngayon sa kinauupuan niya at alam na alam ko naman kung bakit. He lost so much of his energy because of what he did to save Reva. For the nth time, inuna na naman niya ang iba kesa sa sarili niya. Si Averyl naman ay umalis na kanina dahil kailangan niya pa rin daw puntahan si Xheen. Xheen’s still her friend kaya naiintindihan ko naman. “Hindi na muna ako aalis dito hangga’t hindi pa nagigising si Reva,” aniya. Wala akong ibang nagawa kundi bumuntong-hininga. I expected his answer. Kahapon ko pa naman siya pini

