CIRCE Mas maaga akong nagising kesa kay Earth. Sinadya kong magising nang maaga dahil may gusto akong puntahan at komprontahin. I’ve had so much these past few days at hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko tungkol sa kaniya. If I am right, then I can say na siya na ang matagal naming hinahanap. Siya rin ang gumugulo sa Academy at nasa likod ng lahat ng ito. If I can prove that, ako mismo ang tatapos sa buhay niya, lalo pa’t gano’n ang kinahinatnan nila Denzell dahil sa kaniya. Maingat akong kumilos at saka kinuha ang patalim na ibinigay sa akin ni Earth. This will come in handy if worst comes to worst at inaasahan ko na ‘yon. Dahan-dahan ay pinihit ko ang seradura ng pinto ng kwarto namin ni Reva at saka sinulyapang muli si Earth nang isang beses pa bago ko tuluyang isinara ‘yon. I can’

