EARTH Kinagabihan ay ako na ang nag-asikaso para sa amin ni Circe. Hinayaan ko lang siyang magpahinga at kung minsan ay nakatingin lang ito sa kawalan. Hinayaan ko siyang gano’n kasi alam kong kailangan niya rin ng oras para sa sarili niya at para makapag-isip na rin tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi rin naman kasi madali ang pinagdaraanan nito ngayon at makita lang siyang nandito at lumalaban ay okay na ako. Kuntento na ako na nagagampanan ko ang papel ko sa buhay niya bilang isang kaibigan. With all my might, habang nagpapahinga si Circe sa kaniyang higaan ay gumawa ako ng isang punyal na yari sa pinakamatitibay na bato ng lupa. Gamit ang abilidad ko ay binasbasan ko rin ito upang ang kung sino mang masusugatan ng patalim ay hindi pangkaraniwang sugat lang ang maibibigay at makikilal

