CHAPTER THREE

2253 Words
AVERYL Pagmulat ko ng mata ko ay naramdaman ko na agad ang lamig ng kung anong hinihigaan ko. Napadaing din ako nang maramdaman ang sakit ng katawan ko. I looked for Xheen and I was dumbfounded to see na nakahiga siya sa kama niya samantalang ako ay nasa sahig lang. Napakabuti niya namang kaibigan at hindi man lang ako ginising para lumipat. Salamat, Xheen, ha? Minabuti ko na lang na bumangon kesa pangunahan pa ng inis ko kay Xheen. Inayos ko na rin ang laptop na kahapon lang ay pinapanuoran pa namin hanggang gabi pero ngayon ay ayan, hinayaan niya lang din sa sahig. Sana all talaga maayos na nakahiga sa kama. Kinuha ko na ang towel ko at saka dumiretso sa banyo. Hindi ko rin naman kasi ugali na mag-agahan sa dorm namin dahil may cafeteria naman sa school pero hindi kagaya sa mga taga-special section, hindi libre ang kinakain namin. May bayad ‘yon at ang allowance namin ay nakadepende sa kung gaano kami kahusay sa trainings namin. Kung sino ang top 3 na mahuhusay, sila ang may pinakamalaki ring allowance. Kaya kung makakapasok man kami sa special section, ang laking bawas no’n sa isiipin namin. Isa pa, wala na rin kasi akong magulang na magbibigay ng dagdag allowance sa akin. Ni hindi ko rin tanda kung sino o taga-saan sila. Everything about me is unknown, kahit sa akin mismo. Walang may kakayahan na alamin kung ano ba ang buong pagkatao ko o kung saan ako nagmula. They find it weird but after some time, they finally accepted na may gaya ko na hindi nila maaaring basahin. Pero kahit gano’n, may kung ano sa akin na gusto pa rin malaman ang tungkol sa buong pagkatao ko. Ang hirap kumilos knowing na hindi ko alam kung saan ako nagmula. Ni hindi ko alam bakit ako napadpad sa RMA. Wala akong matandaan sa kung paano ako nakapasok dito. Basta isang araw, estudyante na ako rito at ito na ang ginagalawan ko. Sometimes, I even have this weird feeling na may nakamasid sa akin. But, Xheen and the gang keep on telling me na napaparanoid lang ako dahil na rin sa mismong lagay ng Academy. Maybe they’re right but sometimes, pakiramdam ko ay tama ako. It’s as if may mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung binabantayan ako o may balak na masama sa akin. Because of that, mas pinili ko na lang din na hindi na ihiwalay sa akin ang bow at arrows ko. Sa mga ganitong uri ng pamumuhay kasi, if you let your guard down, you’ll lose. Paglabas ko ng banyo ay bumungad sa akin si Xheen na nakatayo na rin at inuunat-unat pa ang kaniyang katawan. Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso na ako sa cabinet kung nasaan ang mga damit ko. “Hindi mo man lang ako ginising,” ani Xheen sa akin. Tumingin ako sa kaniya at nakanguso pa siya na parang bata. “Hinayaan mo akong matulog sa sahig, may narinig ka ba sa akin?” tanong ko sa kaniya. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Lumapit siya sa akin at saka umangkla pa sa braso ko. Napahigpit naman nang wala sa oras ang hawak ko sa roba na nakatakip sa katawan ko. “Sorry naman, inantok na rin kasi talaga ako. Wala na akong lakas para gisingin ka pa kasi baka tumilapon ako sa kung saan, eh,” aniya. “Isa pa, hindi mo naman kailangang higpitan pa ang pagkakahawak sa robe mo, mayroon din naman ako ng lahat ng mayro’n ka,” aniya. Inirapan ko siya at saka inalis na ang pagkakaangkla niya sa braso ko. Tumalikod na rin ako sa gawi niya. “Alam mo, ang sweet mo siguro maging jowa, ano?” aniya. Hindi ko naman mapigilang kunutan ng noo dahil sa random na sinabi niya. “Kailangan ng jowa mo ng matinding pasensya para manatiling matatag ang relasyon n’yo,” aniya pa. “Not interested, Xheen, “ sabi ko. Wala naman na akong narinig sa kaniya. Ang pagtunog na lang ng lock ng pinto ng banyo ang narinig ko kaya paniguradong naghahanda na rin siya para sa pagpasok. Inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng maisusuot na damit. I picked clothes na alam kong kumportable ako may training man o wala. Hindi ko na rin kasi alam kung anong magiging lagay ng RMA matapos ang inanunsyo nila. I am sure, hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang sinabi ni miss Aphrodite kahapon. Nakakapangamba nga naman. Paano na lang kasi kami kung may mga panibagong sumugod dito? Kahit pa may mga bagong defenders na mahihirang, mas kabisado pa rin nina mentor Cassiopeia ang tactic sa pakikipaglaban. Hindi hamak na mas maalam sila kumpara sa amin. Sa tindi rin kasi ng pinagdaanan nila ay hindi na ‘yon nakapagtataka. They had to be in two realms para lang maprotektahan ang RMA noon. They fought, not just for their lives but also for the lives of those students na narito na noon. They even lost many of their love ones but look at them now, nananatiling nakatayo at matatag. Kung usapang galing lang ay magaling sila magturo pero iba pa rin kasi kapag nanditp sila, lalo pa at bihasa na sila sa maraming bagay kumpara sa grupo namin. We’ve never been in a war before. Kung magkakaroon man kami ng laban ay sa trainings lang ‘yon. Wala pa kaming karanasan na gano’n kabigat katulad sa kanila. Ni hindi pa namin alam kung ano ang pakiramdam nang makipaglaban para sa buhay namin at sa buhay ng iba. “You think, RMA will be fine?” tanong sa akin ni Xheen habang magkasabay kaming pababa ng dorm. Hindi naman ako nakasagot sa tanong niya dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam ang dapat isagot. Everything escalated so fast. Ipinagtataka ko pa rin kung bakit biglaan lahat. Sinadya ba nila na itaon sa panahon na hindi namin inaasahan? Nang makalabas kami ng dorm ay ramdam ko agad ang nag-iba sa RMA. Everyone seemed so tense by the way they act. Karamihan ay halatang aligaga talaga kahit na wala pa naman silang dapat ikabahala. Napasinghap kami ni Xheen nang may mga grupo ng estudyante na biglang nagkagulo. Nagsusuntukan ang dalawa sa kanila habang ang mga nasa paligid naman nila ay nagtutulakan at naghahamon ng kung ano-ano. “We’re all gonna die anyway, bakit hindi pa natin sulitin ngayon, hindi ba?” anunsyo no’ng isa sa mga estudyante na parte no’ng gulo. Napadaing ako nang may kung sinong nagmamadali ang bumunggo sa akin. Naramdaman ko ang kakaibang pagtaas ng balahibo ko nang magawa ko siyang tignan. Kahit pa ang maalon niyang silver na buhok lang ang nakikita ko, may kakaiba siyang dulot sa akin at hindi ko malaman kung ano ‘yon. “Sorry,” aniya at saka nagkukumahog na umalis. Naputol lang ang pagtingin ko sa kaniya nang hilahin ako ni Xheen. Do’n ko lang din napansin na naroon na sina kuya Blue at kuya Phoenix sa pinangyayarihan ng gulo. “Para kang nakakita ng multo,” ani Xheen. “Ilang beses kitang tinatawag pero nakatulala ka lang sa kung saan.” Hindi ako nakasagot. Iniisip ko kung talaga bang gano’n ako katagal na nag-isip para hindi marinig ang pagtawag ni Xheen sa akin. Hindi ko rin kasi maintindihan kung anong mayroon sa babaeng bumunggo sa akin. I didn’t saw her face pero may kakaiba sa kaniya na tingin ko ay dapat kong katakutan o ano. Napatingin akong muli sa direksyon na pinuntahan niya pero bigo na akong makita siya ulit. She’s gone pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako. Naang makarating kami sa building 2 ay nakasalubong namin sina Ryker, Earth at Miku. “Walang training?” tanong ni Xheen sa kanila. “Wala,” ani Earth. “Nagkakagulo na ang RMA dahil sa sinabi ni miss Aphrodite. Hindi ko alam kung paano nila pakakalmahin ang mga nag-aalburutong estudyante.” “Sa ngayon, imposibleng kumalma ang lahat not unless masiguro nila na safe pa rin ang lahat kahit pa wala sila,” ani Ryker. “That’s absurd,” simpleng sinabi ni Miku. “Akalain mong nagsasalita ka pa,” pang-aasar ni Earth sa isa at inakbayan pa ito. Naitulak siya nang bahagya ni Miku kaya muntikan na siyang lumipad sa kung saan. Good thing, Earth can manipulate nature at kaya niyang magpakawala ng vines na hahawak sa kaniya, kundi, tumalsik na siya sa kung saan at dinampot na lang namin siya sa kangkong-an. With Miku’s super strength, hindi naman malabo. Tawang-tawa naman si Ryker sa nangyari kay Earth. “Ayan napapala ng mahilig mang-asar.” “Nagsalita ang hindi,” sabi ni Earth at saka pakunwaring sinakal-sakal si Ryker gamit ang braso niya. Napailing na lang ako sa pinaggagagawa nila. “Kung wala naman pa lang training ay babalik na lang kami ni Averyl sa dorm—” I cut her off. “I think, didiretso na lang muna ako sa forest,” sabi ko. “Ano namang gagawin mo ro’n?” Napaisip ako ng palusot. Hindi pwede na sumama ako sa pagbalik sa dorm dahil paniguradong laptop na naman ang kaharap namin. Naaawa na ako sa mata ko at hindi pa rin ako nakakaget over sa fact na pinatulog niya ako sa sahig. “Magtetrain mag-isa,” sabi ko. Akmang sasagot pa siya pero mabilis na akong nagpaalam para umalis at saka sila tinakbuhan. Alam ko naman na hindi advisable sa amin ang magtrain nang mag-isa lalo na at sa gubat na parte pa ‘yon. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman namin ang nangyari noon sa parteng ito, which killed sir Orquez, ang dating namumuno sa RMA. RMA was devastated when the battle was over. Kahit pa sabihing may kung anong barrier na pumrotekta no’n sa Academy ay wala iyong nagawa nang may kung anong liwanag ang nakita namin no’ng gabing ‘yon. Hindi man nila sabihin o ikwento ang tunay na nangyari sa parteng ‘yon, I know, someone died when that explosion happened. Mas pinili ko na lang din na sa gubat magtraining kung sakali dahil kung pumalya man ulit ang arrow ko ay wala akong mapipinsalang tao. Hindi na rin kasi masyadong napupuntahan ang lugar na ‘yon dahil sa nangyari. It’s as if everyone avoided this place dahil nightmare sa kanila ang nangyari rito. I placed one arrow on my bow at saka iyon pinakawalan sa malapit na puno na nakita ko. I smiled when I hit it on the perfect spot. Kumuha ako ang dalawang arrow at saka pinaghandaan ang pagpapakawala no’n. I released one arrow while holding the other one dahil iyong nasa likuran no’ng unang punong tinarget ko ang gusto kong patamaan. I run as fast as I could then supported my left foot as it landed on a tree’s body, giving me enough strength to flew in the air. Nang nasa tamang posisyon na ako ay saka ko pinakawalan ang natitirang isang arrow sa bow na hawak ko. Napailing ako nang hindi iyon tumama sa parteng gusto kong tamaan nito. Akmang kukuha na ako ng panibagong arrow sa quiver ko, natigilan ako nang may pumalakpak mula sa kung saan. Mabilis pa sa alas kwatro na nakahugot ako ng arrow at saka iyon inilagay sa tamang pwesto sa bow na hawak ko pa rin at itinutok sa kung saang direksyon. Ngunit kahit saan ako luminga ay wala akong makitang kung sino. Laking gulat ko nang may kung sinong pabaliktad na bumulaga sa akin kaya nabitawan ko nang wala sa oras ang arrow ko sa direksyon niya but she was too quick to catch it. Her feet’s clinging on a tree’s branch at tanging ulo niya lang ang pumapantay sa ulo ko because clearly, she’s upside down. “Muntikan na ako roon,” aniya at saka buong pwersa na ibinaba ang sarili mula sa puno. When her feet touches the ground nang hindi man lang siya naaout balance, I can’t help but be amazed sa kung paano niya ‘yon nagagawa. Paniguradong kung ako ang gagawa no’n, una ang ulo ko sa tatama sa lupa. “Hindi ka man lang ba magsosorry?” she added. She has this almond eyes and a silver hair—wait... “You’re...” Iniabot niya sa akin ang arrow ko at saka tumawa nang bahagya. “So, you remember me?” “The girl kanina na nakabangga rin sa akin,” sabi ko and she nodded, confirming what I just told her. Kinuha ko na rin ang arrow ko mula sa kaniya. “Averyl, right?” tanong niya sa akin. I nodded in return. “You’re holding the wrong instrument, lady,” dagdag niya na agad kong ipinagtaka. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil aminado akong hindi ko ‘yon nakukuha. May alam ba siya sa akin? “Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit ang tagal mo nang gumagamit ng bow at arrow pero hindi mo pa rin magamit nang maayos ‘yan?” tanong niya pa muli sa akin. Hindi ako ulit nakasagot. I wondered about the same thing before but all my worries washed away kada maiisip kong baka kulang lang ako sa practice. “Practice is not the only thing there is to master an instrument, Averyl. Kung maling weapon ang hawak mo, kahit pa gaano ka ka-effort na tao, hinding-hindi mo makakabisado ang paggamit no’n.” I gave her a serious look. “What do you know about me and who are you?” She smirked and once again, bumalik na naman ang kakaibang kilabot na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagmumulan no’n but she really is something. Hindi niya ako sinagot at bigla na lang niya akong tinalikuran, mukhang babalik na ng Academy. Hindi ko rin napigilan na lingunin siya ulit dahil hindi na ako matatahimik dahil sa pinagsasasabi niya ngayon-ngayon lang. “I am asking you,” I said which made her stopped. “Who are you?” “I am...Ariadne,” aniya at saka ako tuluyang iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD