CHAPTER TWO

1829 Words
AVERYL “Can you believe that?” tanong ni Xheen at saka inilapag ang tray na naglalaman ng pagkain namin sa mesa na inukopa namin. “Ni sa tanang buhay ko, hindi ko nagawang iimagine na pwedeng mangyari ‘yon.” Pagkatapos ng announcement ni miss Aphrodite ay nagsimula na agad ang komosyon sa training ground. Karamihan sa mga estudyante ay biglang nag-alala para sa kaligtasan nila. Wala pang defenders na nakatalaga para protektahan ang RMA dahil nariyan pa naman sina mentor Cassiopeia pero dahil sa mga mangyayari, posibleng magkaroon ng test kung saan ay pipili na ng panibagong linya ng mga makakapunta sa Building 1 at hindi malabo na sa amin magmula ‘yon dahil kami ang first in line sa mga pwedeng pagpilian. “Iyong fact na aalis ang mga defenders, kahit paano ay kaya pa intindihin, eh, pero ‘yong magiging leaderless ang RMA? Hindi na ako magtataka kung pagkatapos ng ilang araw ay ang gulo na ng school natin,” sabi naman ni Earth. “Saktong-sakto reaksyon ni Reva kanina, eh,” ani Ryker na natatawa na naman. “That’s insane!” aniya na ginagaya ang tono ng pananalita ni Reva. Nagtawanan naman sina Earth at Xheen dahil sa ginawa niya samantalang tahimik lang kami ni Miku. Lagi namang gano’n ang eksena namin. Pareho kasi kaming hindi mahilig dumada, hindi kagaya no’ng tatlo. I don’t even mind. I am saving my saliva para sa mga may kabuluhang bagay at hindi pasok si Ryker do’n. “Don’t you think this is the time na dapat na nating pag-igihan sa trainings?” tanong ni Xheen. “I mean, for sure, tayo ang pagpipilian na makapunta sa building one.” “Sana palarin. Gusto ko rin maramdaman ang pribelihiyo na mayroon ang mga taga special section,” pagsang-ayon ni Earth. Hindi naman lingid sa amin lahat ng advantages na mayroon ang mga napupunta ng special section. Sila lang ang may karapatan na pumunta ng Skyline para mag-ensayo. Sila ang may kakayahan na makausap ang mga gods at goddesses. Sila ang pwedeng lumabas ng Academy para makisalamuha sa mga mortal. Sila ang lahat na wala kami at hindi talaga kami magkakaroon ng kagaya ng sa kanila hangga’t parte kami ng building 2. “Paano na lang kapag napunta ako sa special section? Baka mas dumami na fan girls ko niyan,” pagyayabang ni Ryker. Pakiramdam ko tuloy ay naumay ako bigla sa carbonara na kinakain ko kaya naibaba ko ang tinidor na ginagamit ko. “Ano mayro’n, Averyl? Busog ka na?” tanong niya pa sa akin. I showed him a very sarcastic smile bago siya inirapan. “Ang taas kasi ng naiisip mo. Nakakaumay marinig.” “Pasmado talaga bibig mo kahit kailan ano?” ani Ryker at saka ako hinagisan ng tissue na agad ko namang nasalo. I smirked dahil sa nangyari. “Ang saya siguro no’n na lahat tayo nasa special section,” ani Xheen at animo’y nagdedaydream pa. “Did I heard that right?” Napalingon ako sa taong nagmamay-ari ng boses na ‘yon kahit kilalang-kilala ko na kung sino siya. I wasn’t surprised na si Circe iyon kasama nina Reva. Kasama rin nila sina Denzell, Cleon at Cosmo. “Ang taas naman ata ng pangarap n’yo,” aniya pa. “At least may pangarap. Ikaw? Anong trip mo at nakikinig ka sa usapan ng iba?” pagtataray ni Xheen dito. Circe chuckled. Maging si Reva ay nakangisi na rin. “Do you really think na papayag kaming maungusan n’yo?” she said. “Kay Cosmo pa lang, wala na kayo.” “Share mo lang?” pang-aasar ni Xheen. “I am sure they’ll make it fair for all of us. Maybe an instrumental battle?” Reva laughed. “How is that fair? We have Cleon with us.” Hindi naman lingid sa amin na magaling talaga si Cleon. Sa kanilang lahat, si Cleon o hindi kaya’y si Cosmo ang malaki ang chance na mapasama sa mga mapipiling defenders. Napakahusay kasi ni Cleon makipaglaban. Kahit pa hindi gaanong kalakihan ang katawan nito gaya ng ibang lalaki, magaling siyang gumamit ng kahit na anong weapon. Dagger, bow and arrow, sword, it seems like he mastered all of it. Ni kahit kailan ay hindi ko siya nataasan sa kahit na anong training dahil magaling talaga siya. Si Cosmo naman, she has this unique ability in where she can control her body’s density. She can be as light as air or as heavy as any earthy materials. Hindi ko nga lang siya nakikita pa na ginagamit nang buo ang abilidad niya. Madalas kasi ay parang nag-aalangan siya na gamitin ‘yon. Maybe because she doesn’t want to hurt people. Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong hilahin ng kung sino. Nang tignan ko kung sino iyon ay ang damuhong si Ryker pala. “We have Averyl and I am sure magtetraining siya nang matindi para lang matalo si Cleon,” he said at saka tumingin sa akin. Tumalim naman ang tingin ko sa kaniya pero gaya ng lagi niyang ginagawa, dinedma niya lang ‘yon. What the freak is he doing? Bumalik kina Reva ang tingin ko nang magtawanan sila. Maging si Denzell at Cosmo ay natawa sa tinuran ni Ryker. It must be really that fun to hear kaya pati sila ay gano’ ang reaksyon. “Averyl? Really?” Reva said na animo’y hindi makapaniwala. I gritted my teeth because of her reaction and because of what Ryker did. “Eh, hindi nga marunong umasinta ‘yan.” I scoffed when she mentioned that. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya. We were fifteen that time. On going ang training namin sa training ground and I was supposed to hit a certain target but then, dahil sa kaba ko ay sa gawi nina mentor Ace at Cassiopeia napunta ‘yon. Nag-uusap pa naman sila no’ng mga oras na ‘yon kaya hiyang-hiya ako matapos ang training namin. Hindi na rin bago kay mentor Cassiopeia ang ligaw na arrow na nagmumula sa akin kasi no’ng bata pa ako ay gano’n din ang nangyari. I was a new student back then at ang tinuro sa akin ay ang pagkontrol sa bow and arrow dahil hindi gaya nina Cosmo, normal na estudyante lang ako. I have no ability. Do’n ko rin siya unang natarayan lalo pa no’ng ayaw niyang ibalik ang arrow ko na hawak-hawak niya. Pinagsisisihan ko naman na ‘yon dahil well, I was too young back then at wala pa akong maayos na desisyon sa buhay. “Ano? Hindi ka makasagot kasi totoo, ‘no?” pang-aasar pa ni Circe sa akin. Nag-apir pa sila ni Reva. Nagmukha tuloy silang mga brat na pinagkaitan ng saya sa buhay kaya ginagawang miserable buhay ng iba. I smirked. Lumingon ako sa table namin at nakita ko roon ang mansanas na binili ni Miku at wala pa iyong kagat. Kinuha ko ‘yon at saka iniabot kay Circe. “What am I going to do with this?” tanong niya. I pointed my mouth in a certain direction. Napatingin naman siya roon. “Tumayo ka sa corner na ‘yon at ipatong mo sa ulo mo ‘yang mansanas,” paghahamon ko. “Tignan natin kung sinong hindi marunong umasinta na sinasabi n’yo.” Her jaw dropped because of what I said. Hindi rin siya nakapagsalita for how many seconds. Nang makabawi sa pagkakagulat ay do’n lang siya ngumisi. “Alam kong hindi ka magaling umasinta kaya bakit ako magtitiwala sa’yo?” she said. “Ayaw mo ba talagang magtiwala o natatakot ka lang?” sagot ko. “Simple lang ang pinagagawa ko. Patutunayan ko lang na hindi totoo mga paratang n’yo.” “She won’t do that,” Reva said at saka kinuha ang mansanas na hawak ni Circe. “I will.” Napangisi ako sa ginawa niya. Alam kong magbestfriend silang dalawa but I didn’t expect that to happen. Halata ang pagkontra sa mukha ni Denzell sa sinabi ng kakambal but he was too late. Naglakad na si Reva papunta sa corner ng cafeteria na tinutukoy ko. She immediately put the apple on top of her head. Medyo may kalayuan siya sa amin at alam kong sa maling bitaw ko, pwede siyang mapahamak but that’s not my intention. Kumuha ako ng dalawang arrow sa quiver ko at saka iniangat ang bow ko na nakalagay sa mesa namin. Eyes were on us dahil sa ginagawa ko pero wala akong pakialam. Hindi naman pwede na lagi na lang namin silang papayagan na maliitin kami. Dumaplis man ang tira ko, sisiguruhin kong magdudulot ng takot kay Reva ‘yon. Kailangan niya ring matuto at maintindihan na hindi sa lahat ng oras, tama na inaasar niya kami. I positioned myself as I put two arrows in the gap made for them. “Sigurado ka ba sa gagawin mo?” Xheen asked. “Shut up, Xheen,” I said as I draw the strings nearer to my body, to its right position. I took series of deep breathes bago ko tuluyang binitawan ‘yon. I saw how Reva closed her eyes as my arrow made their way on the apple. Nahati iyon sa gitna kaya sa mismong pader na ng cafeteria bumaon ang dulo ng arrows na pinakawalan ko. Agad namang lumapit sa kaniya sina Circe at Cosmo. Kinausap nila si Reva at maya-maya pa’y nariyan na naman ang masasamang tingin ni Circe sa akin. “You’re crazy!” asik nito sa akin kahit nasa malayo siya. “I granted what they want and still, Circe called me crazy,” I said at saka ipinatong ang bow ko sa mesa namin at saka muling naupo. “I’ll be looking forward on what you can do, Averyl,” ani Cleon sa akin. Tanging simpleng tango lang naman ang nagawa kong tugon sa kaniya. Alam ko naman kasi na hindi pa nagsisimula ang laban, talo na ako. Alam ko namang gustong-gusto niya rin na pinagmumukhang talunan ako. Nang makaalis sila sa cafeteria ay saka ko pinagbuntonan si Ryker. Pinitik ko ang tuktok ng ilong niya dahil sa pinaggagagawa niya. “Ano na namang kasalanan ko?” aniya habang hinihimas ang ilong. Aba! Pasalamat nga siya at ‘yan lang ang natikman niya! Kung makahila sa akin, akala mo naman ay siya ang mananagot sa mga mangyayari, eh, hindi naman. “Pinagkanulo mo kasi si Averyl, loko,” ani Xheen. “Akala ko talaga mimintis, eh,” ani Earth kaya napunta sa kaniya ang masasamang tingin ko. Nagpeace sign lang naman ang loko. “Akala ko kasi malilito ka sa mansanas at sa pagmumukha ni Reva, eh.” “Hindi naman hugis mansanas si Reva, ah?” pagtatanong agad ni Xheen kaya natawa naman ang isa. Maging si Miku ay natawa dahil sa sinabi ni Xheen. Iniaksyon naman ni Earth ang dalawang pisngi niya pero mas nangunot lang ang noo ni Xheen dahil do’n. “Anong kinalaman ng pisngi mo kay Reva?” tanong niya pa. This time, pati si Ryker ay natawa naman. Napangiti naman ako sa sinabi niya at saka napailing. “Mukhang alam ko na kung sino maiiwan sa building two,” pagbibiro ni Earth. “Mukhang ikaw!” asik ni Xheen at saka inirapan si Earth. “Saan kayo after nito?” pagtatanong ni Miku bilang pag-iiba na rin sa topic. Ryker shrugged his shoulders, same with Earth. Napatingin naman ako kay Xheen, only to be surprised na nakatingin na rin ito sa akin. “May importante kaming gagawin ni Averyl,” aniya. “May kailangan pa kasi kaming tapusin na sinimulan namin kagabi,” dagdag niya pa. Uh oh. I am in big trouble.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD