CHAPTER ONE

1611 Words
AVERYL “Hey...” Awtomatiko akong napairap nang marinig ko ang boses ni Ryker. Sinamaan ko agad siya ng tingin nang akbayan niya ako at sabayan sa paglalakad. Ang loko, hindi man lang natinag. “Ang aga-aga, nakasimangot ka agad,” sabi niya. I hissed at saka inayos ang quiver na nakasukbit sa balikat ko. “Bad mood na ako, huwag mo nang dagdagan pa.” He chuckled at saka pinisil pa ang ilong ko kaya natuktukan ko siya gamit ang dulo ng bow na dala ko. Tatawa-tawa naman siya habang hinihilot ang parte ng ulo niya na natamaan. “Ang sakit no’n,” reklamo niya. “Asarin mo pa ako ulit at sasamain ka na sa akin!” Sinamaan ko siya ulit ng tingin at saka mas binilisan na lang ang lakad ko. Unfortunately, masyadong mahaba ang biyas niya kaya naabutan niya pa rin ako kahit palakad-takbo na ang ginagawa ko. Kung panain ko kaya paa niya? On a second thought, huwag na pala dahil baka pag-initan ako ng mga fan girls niya na hindi ko alam bakit humaling na humaling sa kaniya. Wala naman kasing kagusto-gusto kay Ryker. Kainis-inis, marami! Napahilot ako ulit sa sentido ko nang maramdaman na naman ang sakit no’n. Hindi ko alam kung anong mayroon kay Xheen at pinuyat ako kagabi. Kami kasi ang magkasama sa dorm room at iyong ulagang ‘yon ay pinapanuod ako ng kung ano-anong palabas na hindi ko naman maintindihan. Aaminin ko, maganda naman ang mga palabas namin na mga koryano raw ang bida but still, sumakit ang mata ko kakapalipat-lipat sa subtitle at sa mismong nangyayari sa screen. Nakailang sabi rin siya na last episode na pero walang nangyari, ang resulta, dalawang oras lang ang tulog ko dahil ang magaling na bata, nag-alarm pa ng alas sais dahil may klase raw. Ang masaklap, ako ang nakagising sa alarm niyang pagkalakas-lakas. Tulog mantika kasi! Nang makarating kami sa room namin sa Building 2 ay walang katao-tao. Hindi naman ata kami nasabihan na walang pasok o hindi naman kaya ay may training. Sa pagkakaalam ko naman din ay maaga pa kaya imposibleng dahil sa late kami kaya wala sila. Nang harapin ko si Ryker ay ngingiti-ngiti naman ito. Ano na naman kayang naiisip ng damuhong ‘to? “Hindi mo alam na may training, ‘no?” aniya, bakas ang pang-aasar sa tinig. Pakiramdam ko naman ay tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi niya. “Alam mo na may training?” tanong ko sa kaniya, pilit na kinakalma ang sarili. He nodded. “Inannounce kahapon.” Napahilot ako sa sentido ko. Pakiramdam ko ay tinatakasan na naman ako ng bait dahil kay Ryker! Hindi ko na rin nagawang marinig pa ang announcement kahapon dahil basta na lang ako hinila ni Xheen paalis. Porke excited na excited manuod kasama ako. Kung alam ko lang na gano’n kahahaba ‘yon at sasakit lang ang mata ko, hindi ko na sana siya sinamahan pa. “Ang cute mo tignan kanina na dire-diretso lang sa room,” ani Ryker at saka natawa. “Halata kasing clueless ka, eh.” “Eh, kung panain kaya kita riyan nang makita mo ang cute na hinahanap mo?!” asik ko sa kaniya pero ang damuho ay natawa pa talaga. Ghad! Baliw na ba talaga siya?! “Tara na lang sa training ground,” aniya at saka ako hinila paalis ng room namin. Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero kada gagawin ko ‘yon ay mas hinihigpitan niya ang pagkakahawak. Panay pa rin ang pagkaway niya sa mga taong madadaanan namin na binabati siya. Daig niya pa ang nangangampanya dahil sa ginagawa niya. Minsan hindi ko alam kung estudyante pa ba siya o kongresista na! Talaga naman kasing feel na feel niya ang mga nagkakagusto sa kaniya. Kilig na kilig naman ang mga babaeng ginagantihan niya ng bati. Para silang mga bulate na binubudburan ng asin tapos ay nagtititili! Nang makarating kami sa training ground ay saka lang ako binitawan ni Ryker. I bit my lower lip out of frustration nang makita ang pamumula ng palapulsuhan ko dahil sa paghigpit ng hawak ni Ryker sa akin kanina. Sinamaan ko naman ng tingin si Ryker na papalayo na sa akin at lalapit na sa gawi nina Earth at Miku. Nakipagtawanan pa siya agad sa dalawa. Tignan ko lang talaga kung ganahan pa siya tumawa sa gagawin ko. Kumuha ako ng isang arrow sa quiver na dala ko. Inasinta ko ang kinaroroonan ni Ryker pero bago ko pa man mapakawalan ang arrow na ‘yon ay may kung sinong bumunggo sa akin kaya napunta sa kung saan ang arrow. Kung may natamaan ay hindi ko alam dahil na-out of balance ako sa pagbunggo ng kung sino. “Ang pahara-hara mo naman!” singhal sa akin ni Reva. Nangingiti lang naman si Circe na katabi niya. Kahit noon pa man ay mainit na talaga ang dugo sa akin ni Reva sa hindi malamang dahilan. Mainit din sa mata niya ang grupo namin nina Ryker. Circe once called us ‘weak’ and ‘pathetic’. Minsan hindi ko na rin talaga alam saan nila hinuhugot ang sama ng loob nila sa amin. Sa pagkakatanda ko naman ay wala akong ginagawa sa kaniya o sa kanila. Hindi ko maiwasang isipin na ipinanganak siya para kainisan ang lahat o sadyang bumanat ng ampalaya ang nanay niya no’ng ipinagbubuntis siya. Napakabitter, eh. “Here, let me help you.” Napatingin ako sa naglagad ng kamay at do’n ay nakita ko si Denzell, ang kapatid ni Reva. Kung anong sama ni Reva ay ayon namang kakaswalan ni Denzell. Minsan, gusto ko na ring isipin na ampon ang isa sa kanila. Bumuntong-hininga ako at saka inabot ang kamay ni Denzell. Gusto ko man na tanggihan ‘yon ay hindi naman kaya ng konsensya ko na may mapapahiya dahil sa akin. Hindi rin naman ako kung sino para tanggihan ang tulong ng iba. “Anong nangyayari rito?” tanong ng kadarating lang na si Xheen. “Pinag-iinitan n’yo na naman ba si Averyl?” Reva rolled her eyes. “No minors allowed, please.” “Lakas makasabi ng minor, akala mo naman ang layo ng agwat niya sa akin,” pabulong na asik ni Xheen. “Saying something, minor?” gatong ni Circe. I saw Xheen faked a smile at saka umiling. Reva’s sharp eyes pierced through me. She has this upturned eyes na mas nagpapadepina sa bawat titig niya. Kung nakamamatay lang ang titig, kanina pa ako nakabulagta. “Huwag kang pahara-hara sa susunod,” aniya at saka umirap bago umalis kasama ng alagad niyang si Circe. “Ang lakas talaga ng tama no’n,” ani Xheen at saka dinuduro pa ang kaaalis lang na sina Reva. Pasimple ko naman siyang sinenyasan na manahimik dahil nando’n pa si Denzell sa tabi namin. “No offense meant, Denzell, pero narinig mo ba sinabi ng kakambal mo sa akin? Minor daw ako! Gurang na ba siya sa tingin niya para sabihing minor ang gaya ko?! Excuse me, seventeen ako at eighteen lang naman siya. Ang layo ng agwat namin, ha!” she said, full of sarcasm. “Xheen, tama na ‘yan,” pag-awat ko. Gladly, nanahimik naman siya. Natigilan kami nang dumating bigla sina mentor Ace at Cassiopeia. Kasama rin nila ang iba pang mentors pati si miss Aphrodite. Kung para saan ay hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa pagsasama-sama nila. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari lalo pa’t hindi maipinta ang mga mukha nila. Inutusan kami ni mentor Ace at Cassiopeia na maupo kaya mabilis naming sinunod ‘yon. Katabi ko si Xheen at si Ryker. Katabi naman ni Xheen sa kabila si Miku at katabi naman ni Ryker si Earth. Nasa itaas naman nakaupo sina Reva. “Seriously, what’s happening?” Cosmo asked na isa rin sa mga kaibigan ni Reva na fortunately ay hindi nahawaan ng ugali niya. Tanging si Circe lang ang nakamana ng kabitteran ng isang ‘yon. To my surprise, dinagsa ang training ground ng iba pang estudyante at pinangungunahan sila nina ate Eisha, kuya Blue at kuya Phoenix. Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng pagkalito sa kung bakit kailangang lahat ng estudyante ay nandito. Anong mayroon? “Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari,” rinig kong sabi ni Reva. “This is creeping me out.” Nang makaayos na sila ng upo ay tumabi na sa ibang mentors sina ate Eisha. Doon lang din gumalaw si miss Aphrodite at saka pumunta sa gitna, sa pwesto kung saan ay madalas siyang nagbibigay ng announcements but today’s different. Hindi namin nagagawang makasama ang iba dahil na rin sa rank na mayroon kami. We were on top of them in terms of ability and skills kaya ang ganitong pangyayari ay sobrang nakakapagtaka at nakakalito. "Ipinatawag namin kayong lahat dito para sabihin sa inyo ang nilalaman ng scroll na 'to," panimula ni miss Aphrodite na siyang namamahala na ng RMA. Iniangat niya pa sa ere ang scroll na hawak niya at saka iyon maingat na binuksan. "Ayon dito, kinakailangan naming umalis para pumunta sa Skyline at do'n ay lilitisin sa nangyaring paglabag sa pinakamataas na batas nating mga royalties." Nangunot ang noo ko sa narinig. Nagsimula na ring magbulong-bulungan ang mga nakarinig ng sinabi nito. Hindi naman lingid sa amin ang namamagitan sa bawat defenders ng RMA pero sa matagal na panahon na alam din ng mga mula sa Skyline kung anong mayro'n, bakit ngayon lang sila ipapatawag? "All of a sudden?" tanong ni Reva. Napatango si miss Aphrodite sa tanong niya. "Pero hindi pa iyon ang pinakadapat n'yong ikabahala." "Tell us, ano pang mayro'n?" pagsingit din ni Circe. Napatingin si miss Aphrodite sa gawi no'ng mga dating defenders na ngayon ay mentors na namin. Napansin ko naman ang simpleng pagtango ni mentor Cassiopeia sa kaniya. She sighed and looked on our direction once again. "RMA will become leaderless..." I gasped as my jaw dropped! Tama ba ang narinig ko?! "And that is effective immediately." This is so not happening!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD