LUCAS “Bakit mo sila dinala rito sa Celaeno?” tanong sa akin ni ama nang makapasok kami ng silid-aklatan. Naihatid ko na rin sina Denzell sa mga kwartong ookupahan nila rito sa palasyo namin. Natigil ako sa pagsunod nang matatalim na tingin ni ama ang bumungad sa akin nang humarap ito sa gawi ko. “Alam mo na may hawak tayong isa sa mga kasamahan nila na pinaghirapan ng kapatid mo na kunin sa mga nasa Academy kaya bakit mo tinulungan ang mga taong ‘yon at dinala pa sila rito sa palasyo?! Dapat ay hinayaan mo na lang na magapi sila ng grupo ni Aznaar! Dahil sa ginawa mo ay baka madagdagan pa ang hanay ng mga taong makakaaway natin.” “Hindi ang mga Edaviera ang makakatalo sa atin, ama,” sagot ko. “Isa pa, hindi ko po plano ang lahat ng ito. Ang aking kapatid mismo ang nagsabi sa akin ng kag

