CHAPTER FIFTY

1675 Words

DENZELL Sakay ang karwahe na hindi ko namalayan na naroon din sa malapit sa kung saan kami sinugod ng mga may-ari ng lupa ng Edaviera at ng mga alagad ni Aznaar ay dinala kami ni Lucas sa kanilang lupain na kung tawagin niya ay Celaeno. Sa kasaysayan ng RMA at sa mapa ng mga lugar na malapit sa Academy ay hindi ko man lang ito nakita. Ito ang unang beses na narinig ko ang pangalang Edaviera at Celaeno. Hindi ko na rin matukoy kung gaano na nga ba kami kalayo sa Academy ngunit tingin ko’y malayo-layo na dahil papalubog na ang araw ngayon. Hinawi ko ang mala-kurtinang nakatakip sa maliit na bintana ng karwaheng kinalalagyan namin at doon ay nakita ko ang mga taong nakatingin din sa gawi namin. Agad kong naibaba ang kurtinang iyon nang masamang tingin ng isang matandang nagbebenta sa lugar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD