DENZELL “Sigurado ka na ba na hindi mo na ako pasasamahin sa inyo?” Circe asked me for the nth time. Natawa naman ako dahil sa pagpupumilit nito. “I mean, you can use an extra help, Den.” “We need someone whom we can trust na maiwan dito sa Academy,” sagot ko. “Besides, RMA needs a leader. Bilang leader ng mga defender, kailangang narito ka. We can’t let our guard down completely, Circe, lalo pa’t hindi pa rin natin nalalaman kung sino ba ang nasa likod ng lahat ng ‘to.” She sighed. “Tingin ko ay hindi ko kakayanin ang bigat ng lahat kapag umalis na kayo,” aniya. “Ngayon pa lang na iniisip ko na ako na lang ang maiiwang defender dito, nakakapressure na.” I gave her a warm smile. “You will be fine, Circe,” saad ko. “Don’t worry about us. Gagawin namin ang makakaya namin para makita

