MIKU Napadpad kami sa isang mausok at mainit na lugar. We were surrounded by a lot of geysers, continuously emitting steam and hot water. Sa hindi kalayuan naman ay may bundok na mayroong puting bandila sa taas. Sa isang tingin pa lang, alam ko na na ang bandilang iyon ang kailangan kong makuha para maging isa sa mga defenders ng Academy. I looked at Cosmo’s direction. Halata naman na hindi ito mapakali sa kinatatayuan niya. Bakas ang kaba sa kaniyang mga mata kahit pa hindi ko na aralin ang kaniyang ekspresyon. Nilingon niya ako, marahil ay naramdaman niya rin ang mga tingin ko. “B-Bakit ka nakatingin?” she asked, stammering. Napailing ako bilang sagot. Noon pa man, normal na kay Cosmo ang ganitong reaksyon. Madalas ko siyang nakikita na natatakot sa abilidad niya kaya madalas din a

