EARTH Muli akong napabuntong-hininga nang tignan ko ulit si Circe na nakahiga ngayon sa kama niya. Bakas na ang kaputlaan sa balat nito, maging sa labi niya. Maging ang nilandasan ng luha sa pisngi niya ay bakas pa rin. Matapos ng nangyari ay minabuti na lang namin ni Ryker na ipahinto na muna ang mga trainings na gaganapin dahil parehong bumigay ang katawan nina Averyl at Circe. Kaya ayoko rin sanang ipakita kay Circe kung ano ang mayroon at ano ang nangyayari kanina dahil alam kong hindi niya iyon kakayanin lalo pa’t mga kaibigan niya ang involve sa nangyari. After Reva, ito naman ngayon. To make it worst, duguan ang lahat ng damit na suot nina Denzell no’ng umalis sila rito. Ayoko mang mag-assume ng kung ano but I couldn’t help it. May inilatag sa harap ko na nagsasabing wala na sila

