" Dylan POV "
" Mukhang badtrip ang Leader natin ha. Anong nangyari? " sabi ni Mark na kadadating lang
Hindi ko aya pinanasin. Naalala ko naman yung scene kaninang umaga.
" Magugulat ka sa kwento ko Mike." natutuwang sabi ni Jake.
Sinamaan ko nga ng tingin at binigayan ng subukan-mong-sabihin-malilintikan-ka-saakin look. Imbes na matakot sa akin nginitian lang ako ng g*g*. Nahawa rin ba toh sa Louise na yon?
Wala na akong nagawa dahil na kinwento na sa kanya ni Jake. Ayun pagkatapos kwenento sa kanya ni Jake sobrang tawa ng g*g*.
" Hindi ka talaga titigil sa kakatawa mo dyan? " seryusong sabi ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at sabay akbay niya.
" E..kasi naman tol..talagang nakakatawa yung nanayari sayo. Akalain mo yun..isang babae lang pala ang magpapatumba sayo. " natatawang sabi niya.
Tinanggal ko ang kamay niya na nakaakbay sa akin.
" Nakaswerte lang siya sa akin kanina. Pasalamat nga siya hindi pa ako nagseseryuso non. "
" Wew! Talaga lang ha. Hindi kapaba seryuso sa lagay non. Kung nakikita mo lang ang itshura niya kanina Mike, siguradong matutuwa ka. Parang gusto niya ng nga patayin si Louise kanina dahil sa inis niya dito. "
Kahit kailan talaga napakachismoso ni Jake. Hindi talaga mapigilan ang talas ng dila niya.
" Sayang wala ako don. Teka maganda ba yung tumalo kay Phatom. "
Ako yung tinutukoy niyang Phatom, codename ko yun bilang isang gangster.
" Ano na...Phantom maganda ba siya ha? " pangungulit sa akin ni Mike
" Kay Jake mo itanong dyan siya magaling e. " sabay tayo ko at lumabas na ng bar.
Kapag badtrip kasi ako dito ako pumunta o di kaya sa UB ( Underground Building ) para makipaglaban. Dahil wala ako sa mood makipagsuntukan sa bar nalang kami puminta at makipag-inuman.
" Teka lang Dylan. "
Sinundan pala ako..at mabilis naman tong naglakad papunta sa harapan ko. Kaya magkaharap kami ngayon.
" s**t! Umalis ka dyan sa harapan ko! " naiinis na sabi ko sa kanya.
Hindi ko kasi makita yung dinadaanan ko...nakaharang kasi ang g*g*.
" Sabihin mo na kasi maganda ba yung babae. Kung maganda siya pwe- " hindi ko na siya tinapos magsalita.
" Ang kulit!Bakit hindi si Jake ang kulitin mo? "
" Ayaw niyang sabihin e. Sabihin muna kasi pa- "
Napatigil siya ng may nabangga siya sa may likuran niya. Pati tuloy ako napahinto sa kakalakad.
" So- JACK! " sabi ni Mike
Napatingin ako sa harapan namin. Nakaharang pa kasi siya kaya hindi ko makita kung sino ang nakabangga niya.
Pagkakita ko sa kanya nagulat rin ako. s**t! kailan pa siya bumalik.
" Oh! Long time no see. Phantoms. "
" Kasama mo rin pala ang Leader ng Phantoms. Balita ko naging # 1 ang grupo niyo dahil sa pagkawala namin. " nakangiting sabi niya.
Ang tinutukoy niya ang pagkawala nila ni Black Shadow.
Nong umalis kasi siya nawala rin si Black kaya kami na yung nangunguna sa UB.
" Kahit hindi pa kayo umalis kami parin ang magiging # 1. " pagmamayabang ko sa kanya.
" Nawala lang ako ng ilang araw ganyan kana katapang. Tingnan nating ang tapang mo sa susunod na magkaharap tayo. Sisiguradu- "
Hindi ko na siya pinatapos magsalita marami pa kasing satsat.
" Gawin mo..hindi lang puro salita. "
" Huwag kang mag-alala dahil pareho ko kayung pababagsakin. "
Tapos nilagpasan niya na kami.
" Hindi parin nagbabago..ganun paring ang ugali. "- Mike
Ano na naman kaya ang pinaplano niya. Sigurado akong may masama naman itong binabalak at ang target niya ay ang matindi niyang kaaway na si Black Shadow. Hindi ko alam kung ano ang meron sa dalawa kong bakit galit sila sa isat-isa.
*****
" Louise POV "
Maganda ang gising ko ngayon. Alam niyo kung bakit? Hindi na ako mahihirapan sa pag-utos sa kanila mamaya. Lahat sila ay susunod na sa akin. Deal is a Deal.
Lumabas na ako na bahay matapos kung ayusin ang sarili ko. Pumunta na ako sa garage para kunin yung sasakyan ko.
Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan ng tawagin ako ni JM.
" Ate! " sigaw niya habang patakbong pamunta sa akin.
" Bakit? " tanong ko sa kanya.
" Pwede pasabay. Wala kasimg gasolina yung sasakyan ko. Nakalimutan ko kasi. " nakangiting sabi niya sa akin.
Yun lang pala..akala ko luna ano.
" Ikaw talaga! " sabi ko sabay gulo ko ng buhok niya.
" Ate naman..kakaayos ko lang toh e. "
Napatawa nalang ako sa reaksyon niya. Nang nakapasok na kami sa kotse. Sinimulan ko na tong menaho hanggang palabas ng gate ng bahay namin.
Madali lang kami nakarating sa school niya, ang bilis kasi ng pagmaneho ko.
Bago pa makababa si JM sa kotse may inabot siya sa aking papel.
" Ano toh? " tanong ko sa kanya.
" Binigay yan sa akin ni kuya Rex nong nagkita kami. Sabi niya ibigay ko daw sayo. Gusto nilang ikaw ang unang magbasa..kaya hindi pa nila alam kung ano ang laman niyan. Maging ako hindi yan binasa. "
" Ang haba ng sagot ha. Ang ikli lang nga ng tanong ko ang haba naman ng sagot mo. " pang-aasar ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng masama. Kahit kailan talaga hindi na mabiro tong kapatid ko.
Nagpeace sign ako sa kanya tapos ngumiti.
" Hindi ka naman mabiro. Pumasok kana sa loob baka malate kapa. "
" Tsk! "
" Bye JM. "
Nagwave lang siya ng kamay sa akin.
Umalis na ako don at nagmaneho ng mabilis pamunta sa school. Pagkarating ko sa school pinark ko na yung kotse ko sa parking lot.
Habang naglalakad ako sa daan napatingin ako sa hawak kong papel. Hindi ko pa pala toh nababasa. Binuksan ko yung papel at binasa.
" Hindi ka yata nag-alala sa gagawin ko..hayaan mo gagawin kong mas interesado at katakot-takot para sayo. - JACK "
Kinumot ko nalang yung papel matapos kung basabin at tinapon ito. Wala naman akong mapapala don e.
Naglakad na ako papuntang room. Pagdating ko sa room namin napansin kong tahimik sa loob, parang hindi yata sila nag-iingay ngayon. Mukhang sumunod sila sa rules ko ha.
Binuksan ko na yung pinto..pagpasok ko sa loob...
" s**t!! " mura ko.
Napatingin ako sa taas ng pinto..merong nakalagay don isang balde. Alam niyo kung anong laman..mga itlog lang naman.
Sinamaan ko sila ng tingin habang tumatawa sila. Mga bwesit sila, pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa akin.
Agad akong lumabas ng room at nagmamadaling pumunta sa kotse ko. Napansin kong kakarating lang ni Dylan..kaya napansin niya yata ako.
Lumapit naman siya sa akin.
"Hey! Anong nangyari sayo? " tanong niya sa akin.
Hindi ko pinanasin yung tanong niya.
" Hindi kayo tumupad sa usapan..kaya humanda kayo sa gagawin ko. " galit na sabi ko sa kanya.
Agad naman akong sumakay sa kotse ko at pinatakbo ito.
Pagdating ko sa bahay..dumeritso agad ako sa C.R ng kwarto ko at nagligo ulit. Sobrang lagkit ng katawan ko. Ilang ulit ako sumabon at nagshampoo para matanggal lang ang lagkit ng katawan ko.
Nang okay na ako. wala na akong balak pang bumalik sa school..masama na yung araw ko e . Kani-kanina lang good mood ako dahil akala ko susunod na sila sa akin yun pala. Ginogoodtime nila ako.
Nilinis ko nalang yung loob ng kotse ko..nalagyan rin kasi ito dahil sa pagkaupo ko.
" Mukhang wala kana yatang balak pang bumalik."
Lumabas ako ng kotse para tingnan kung sino yun.
" Bakit ka nadito? " galit na tanong ko sa kanya.
" Wooh... Relax nandito ako para magsorry sa ginawa nila sayo. "
Napataas naman yung kilay ko sa kanya.
" B-bakit? " nauutal niyang tanong.
" Marunong kang magsorry? " hindi makapaniwalang sabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. Nagpeace sign naman ako sa kanya..akala ko kasi hindi siya marunong magsorry. Meron ibang tao na hindi kayang mag-sorry...nakababa daw ng pride kapag magsosorry sila. Tsk! mga walang kwentang tao. Masama lang ang gumagawa ng ganun.
" Sorry. " sabi ko sa kanya. " Ano ba kasi ang pinunta mo dito. " tanong ko ulit sa kanya.
" Gusto ko lang naman linawin sayo na wala akong alam sa ginawa nila sayo. Baka kasi isipin mo na hindi ako tumupad sa usapan natin. "
Yon pala ang pinunta niya dito. So pala siyang kinalaman dito.
" Yon lang ba ang pinunta mo dito? " tanong ko ulit sa kanya.
Napataas naman ang kilay ko dahil kumunot yung noo niya.
Tumalikod ako sa kanya para linisin yung likod ng kotse. Huwag hindi naman ito madumi, nasarapan kasi ako sa paglilinis.
" Wala ka man lang ba sasabihin sa akin? "
Ano naman ang pinasasabi nito. Wala naman akong sasabihin sa kanya ha. Wala nga akong maisip na sabihin sa kanya e.
" Alam mo- "
Shit! Parehong nanlaki yung mata namin, kasi......kasi......kasi pagkaharap ko sa kanya dumampi yung labi ko sa labi niya.
" Bastos ka ha! " sabay tulak ko sa kanya.
" Ako pa ngayon ang bastos? Ikaw nga tong bigla-biglang nanghahalik. " pagsusumbat niya sa akin.
" B-bakit ka kasi nasa likod kita!? "
hindi siya nakaimik.
" Hindi kana ba..babalik sa school? " pag-iiba niya mg usapan.
" Ang kulit rin ng lahi mo noh! Kita mo namang naglilinis ako ng kotse ko diba. "
Badtrip na talaga ako. Hindi ko na talaga pigilan yung inis ko. Kasi naman kasi ang kulit din ng lahi nya noh.