Chapter 7

1381 Words
" Ano ba yan..bakit kami pa ang kailangang maglinis nito? " reklamo ng isang babae " Kayo ang may gawa..kaya kayo ang maglinis. " sabi ko naman sa kanya " Diba ikaw ang President ng school..kaya ikaw dapat ang maglinis nito. Huwag mo kaming utus-utusan dahil hindi kami utusan. " sabi pa nong isa niyang kasama. Umalis silang dalawa at iniwan nila yung pinag-utos ko sa kanila. Mga reklamador talaga..pinapalinis ko kasi sa kanila ang garden..para pagandahin ito. Yun nalang nga inutos ko sa kanila hindi pa nila magawa. Mga tamad. Bumalik ako sa room ko..dahil malapit naring magtime. Pagkapasok ko sa loob ng classroom nainis agad ako sa nakita ko. " Diba pinagbabawal ko na ang magdala ng mga cards at ng mga bagay na makakasakit. Bakit ginawa niyo parin? " inis kung sabi sa kanila. " At sino namang nagsabi na pinagbabawal na ang mga yun. " Tsh! Nandito rin pala siya. " Ako bakit! " maangas kong sabi sa kanya. " Wala na ba kayong magawa sa buhay niyo kundi gumawa nalang lagi ng kalukohan. " " Pabayaan mo nga kami! Buhay namin toh! kaya wala kang pakialam kong ano ang gusto naming gawin. " sabi niya pa sa akin. Wala lang ba sa kanila ang pag-aaral. Hindi ba sila nag-iisip na pwedeng makasira sa kanila ang ginagawa nila ngayon. " Pabayaan? Hindi ba kayo naaawa sa inyong sarili..magiging ganyan nalang ba kayo habang buhay. Habang maaga pa..magbago na kayo. " Mukhang galit na sa akin si Dylan. Who cares... Kapag alam kung tama ako..wala akong pakialam kung ang sama ng tingin nila sa akin. " Ikaw Mr. Dela Vega. Ikaw pa naman ang may-ari na school na toh..tapos ikaw pa ang nagpapasimuno sa mga kalukuhan dito. Ganyan kaba talaga ?" galit kong sabi sa kanya. Lumapit siya sa akin. Tapos tiningnan ako ng deritsahan sa mata..akala niya magpapatalo ako never..never pa kaya ako natatalo. Kitang-kita mo sa kanyang mata ang galit. Tsk! Talagang galit na galit siya sa akin. Wala naman siyang magagawa kasi alam niya namang hindi ako madadala sa mga ganyan lang. " Gusto mo talagang ginagalit ako noh. " Nginitian ko siya na may halong mapang-asar. Tapos bigla niya nalang ako hinila palabas ng room. " Araay.... Ano ba Dylan, bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako. " sigaw ko sa kanya habang hila-hila niya parin ako. " Rex POV "           Nakita kung hinihila ni Dylan si Ms. Louise. Agad akong huminta ka kanilang harapan para harangan sila. Kaya napahinto naman sila...ang sama nga ng tingin sa akin ni Dylan. " Anong ginagawa mo kay Louise. " medyo pagalit kung sabi sa kanya. Nasasaktan kasi si Ms. sa paghawak nito sa kanya. " Umalis ka dyan sa dinadaanan ko. " seryuso niyang sabi. Umalis nalang ako don sa daanan kung hindi lang dahil kay Ms. Louise, tiningnan niya kasi ako ng masama. Kahit kailan talaga ayaw niya may mangialam sa gulo niya. Sinundan ko na lang sila hanggang sa makarating sila feild. Ang raming tao dito, kaya maraming makakita kung ano man ang gagawin ni Dylan kay Ms. Louise. " Araay... " angal ni Ms. Louise, pabagsak kasing binitiwan ni Dylan ang kamay niya. " Ano ba ang gagawin natin dito. " inis na tanong ni Ms. habamg hinihimas niya yung kamay niya. G*g* talaga tong si Phantom( codename ni Dylan ) bakit niya sinaktan si Ms. kami nga hindi namin sinasaktan siya pa kaya. " Gusto mong sumunod kami sayo diba? " Ano naman ang pinagsasabi nito. Kita mo naman na parang nagtataka si Ms. sa sinasabi nito. " Kung karapat-dapat ka nga namin sundin..ipakita mo muna sa amin ang galing mo. " Huwag niyang sabihin na gusto niyang maglaban sila ni Ms. " Anong pinagsasabi mo dyan. " Mukhang hindi pa nagets ni Ms. ang sinasabi nito. " Simple lang..talunin mo ako. " sinasabi na nga e. Mukhang nagulat yata si Ms. sa sinabi nito. Bago pa..makapagsalita si Ms. inunahan ko na siya. Lumapit ako kay Ms. at pumunta sa harapan niya. " Teka lang Mr. Dylan hindi yata patas yan. Babae siya at ikaw lalake..kaya hindi patas ang laban niyo. " " Huwag kang makialam dito Rex. Hindi ikaw ang kinakausap ko. " seryuso niyang sabi sa akin. Shit! Kailangan may gawin ako baka masaktan si Ms. Louise. " Ako na- " Napatingin ako kay Ms. Hinawakan niya kasi ako sa balikat. " Huwag kanang makialam dito Rex..ako na ang bahala. " " Pero- " Shit! Wala na akong magagawa. Nakakatakot kasi yung tingin ni Ms. sa akin. Umalis nalang ako don sa harapan niya at bumalik ulit sa dati kung pwesto. Tiningnana ko si Ms. seryoso ang mukha niya. " Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay tulad nito- " Hindi panga natapos magsalita si Ms. Nagsalita na siya. Bastos talaga. " Walang oras? O naduduwag ka lang na kalabanin ako. " mapang-asar na sbi niya. Napatingin ako kay Ms. Seryuso yung mukha niya, tapos biglang ngumiti. Kinakilabutan aki sa ngiti niya. " Hindi pa ng ako natapos magsalita umepal kana. " nakangiting sabi niya. " Kung yan ang gusto mo..pabibigyan kita para matapos na toh. "  Wala nah! Makikipaglaban talaga siya kay Dylan. Hinayaan ko nalang si Ms. baka sungitan niya naman ako. " Good. " nakangiting sabi ni Dylan " Simulan na natin. " " Pagnatalo mo ako aalis ako dito sa school..pero pag ikaw ang natalo ko susuno kayong lahat sa iuutos ko. Deal? " " Deal. As if naman na matatalo mo ako. " Ang yabang talaga nito. Hindi niya panga kilala ng lubusan si Ms. Sinimulan na nilang magsuntukan. Si Ms. yung unang sumuntok agad namang nakaiwas si Dylan. Suntok lang ng suntok si Ms. iwas naman ng iwas ai Dylan. Pareho silang magagaling. Mukhang pagod na yata si Ms. Kapag pagod yan kailangan niya ng tapusin ang laban niya. Napahinto naman silang dalawa. " Yan lang ba ang kaya mong gawin, hindi mo ako natatamaan kahit isa. " mapang-asar niyang sabi. Narinig ko naman ng nagtatawan yung mga manunuod. " Sure na akong mapapaalis siya sa school natin. " rinig kung bulongan nila. " Nagmamatapang kasi..walang namang maibubuga. " Hindi pa kasi nila nakita kung paano makipag-away si Ms. Kung makapagsabi sila parang kilala na nila si Ms. " Tanungin mo kaya ang sarili mo kung sino ang mahina sa atin. Sa inasta mo ngayon pinapakita mo lang sa akin na talagang ikaw ang mahina..kanina ka pa kasi ilag ng ilag. Marunong kaba talagang sumuntok o naduduwag kalang? O dikaya natatakot kang mapahiya..dahil baka mataam ko yang mukha mo. " Sa tono ng pananalita ni Ms. Parang naghahamon siya ng away. Tiningnan ko si Dylan nanliliksik na yung mata niya habang nakatingin  kay Ms. Yan kasi inuubos mo ang pasensya ni Ms. nagalit tuloy. " Gusto mo talagang magseryuso ako ha. " Nasa gangster mood na siya. Si Ms. nakangiti lang..wala yatang pakialam sa manhyayari sa kanya. Agad namang sumugod si Dylan sa kanya. Mabuti nalang nakailag siya, ang bilis kasi ni Ms. Si Dylan naman ang sumusuntok kay Ms. Si Ms. naman ang ilag-ilag.  Ang labo ni Ms. Kani lang sinabihan niya si Dylan na pailag lang ang kaya niyang gawin tapos ngayon siya naman ang umiilag. Ang labo niya. Pero ng napatingin ako kay Ms. seryuso na ulit yung mukha niya. Kapag ganyan siya tatapusin niya na ang nasimulan. *** " Louise POV " Kailangan ko nang tapusin toh, napapagod na talaga ako. Gusto ko ng magpahinga..wala kasing katapusan ang pag-ilag na toh. Nang sumugod ulit siya ng suntok..pinigilan ko na yung kamao niya. " WOOOHHHH! " Hiyaw ng mga  estudyante. Nakatingin lang sa akin si Dylan na parang gulat na gulat..hawak ko parin yung kamay niya at tsakang ngumiti ng nakakaloka sa kanya. " Pasensyahan na lang tayo. " sabay bale ko ng kamay niya. Tindyakan ko pa siya sa tyan niya dahilan paraakaupo siya sa lupa. Napatayo naman siya agad, dadambahin niya rin sana ako ng suntok. Pero sorry siya, mabilis ako e, kaya ang ginawa ko kinuha ko yung kamay niya at inikot yun sa likod niya,  tsaka sinipa sinipa ko siya likod niya, kaya napuhod siya saay lupa. " Pano ba yan talo ka. Deal is a Deal. " sabay talikod ko sa kanya. Yung mga estudyante..lahat sila tulala nagulat siguro sa pangyayari. Umaasa kasi na matalo niya ako..kahit kailan hindi ako matatalo..at wala pang nakakatalo sa akin. " Ms. Louise. " napatining ako kay Rex. " Hindi ka parin nagbabago, waka paring nakakatalo sayo." sabi niya ng makalapit sa akin. " Sino ba nagsabing nagbago ako. " sabi ko sa kanya. Nauna na akong lumakad sa kanya. Sumunod namam siya sa liked ko. Tsh! Nakakagutom ang laban namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD