Chapter 6

1569 Words
Inaalala ko parin kung bakit lumipat si Rex sa school namin, e maayos naman yung dating nyang pinapasukan na school. Hindi ko din alam ang dahilan kung bakit lumipat siya school namin. Ano kaya ang balak niya. Sana wala siyang dahilan sa paglipat niya ng school. " Ate, ano na naman ang iniisip mo. " napatingin naman ako sa kanya. Ang gwapo talaga ng kapatid ko. " Wala. " yon nalang ang nasabi ko sa kanya. Saka na una na akong naglakad sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa mall, naisipan kasi naming mamasyal dalawa since wala naman kaming pasok at matagal din kaming hindi magkasama sa pamamasyal kaya naisipan naming maglibot-libot sa mall. " Ate..bakit mo naman ako iniwan. " " Ang tagal mo kasing maglakad e. " Pumunta kami sa may arcade at naglaro ng mga games nila. Ang saya nga e, kasi maraming nanunuod sa amin ni JM habang nagsasayaw kami yun kasi ang pinili naming games, madali lang kasi laruin susundan mo lang yung step nila sa may computer. Pagkatapos namin don sumunod naman naming nilaro ay yung pareho naming gustong dalawa ang basketball, nagpapataasan kasi kami ng score, dahil kung sino ang matatalo siya yung magluluto sa bahay at maglilinis sa loob ng One Week. Dahil magaling ako si JM yung natalo. " Ang daya mo naman ate e. " pagmamaktol niya. " Deal natin yun kaya huwag kanang umangal. " sabi ko sa kanya. Nakaramdam na ako ng gutom. Kumukulo na kasi yung sikmura ko. " Hindi parin kayo nagbabago dalawa. " napatingin namin kami ni JM. Nagulat yata si JM ng makita siya. Halata naman kasi e. " Kuya Rex! " -JM Ngumiti lang siya kay JM. Ano kaya ang ginagawa niya dito. " Bakit ka nandito, siguro sinusundan mo kami noh? " tanong ko sa kanya. " Hindi noh, nagkataon lang talaga na pupunta din ako dito Ms. Louise. " nakangiting sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama, alam niya naman siguro ang ibig kong sabihin noh. Ayaw ko kasing tinatawag akong Ms. Pwede namang Louise nalang. Maliban nalang kung hindi ako kilala. " Pwede naba tayong umalis. " napatingin naman kamin kay JM. " Bakit may problema ba? " taning sa kanya ni Rex. " Baka matunaw na kasi tayo dito kuya sa kakatitig nila. " " Mahirap talaga kapag masyado kang gwapo-" -Rex " Pinagpapantasyahan ng mga babae. " dugtong pa ng kapatid ko. Binatukan ko nga silang dalawa masyado ng mayabang e. " Masakit yun Ha! " sabay pa nilang sabing dalawa. " Bakit may angal kayo. " " Wala! " sabay din sila, nagkaka-usap bayong mga utak nila, bakit magkasabay pa sila sa pagsagot. " Kumain nalang nga tayo." -Rex. " Treat mo? " nakangiting tanong ko sa kanya. Biglang kumunot yung noo niya. Isa lang ang ibig sabihin niyan ayaw niya kaming itreat. Paminsan-minsan lang kasi yang siya magtreat sa amin. " Segi na nga, ngayon lang tayo nagkita e, kayo itreat ko nalang kayo. " Ang laki naman na ngiti namin ni JM, kunti lang kasi ang pera namin, hindi pa kasi ki binigyan ni Tito, nakakahiya kasi kapag humingi ako sa kanya. Sa restaurant niya kami dinala ni JM. Medyo gumagabi na kasi at isa pa sinabi namin sa kanya na tinatamad kaming magluto sa bahay kaya sa restaurant niya kami dinala. Umorder na kami ng aming kakaini. Pagdating ng inorder namin nagsimula na kaming kumain. " Magdahan-dahan nga kayong kumain, baka mabilaukan kayo niyan. " -Rex " E sa gutom kami." sabay naming sabi ni JM. Tumawa lang siya sa amin ni JM. Tapos kumain na rin siya. Habang kumakain kami napatingin ako sa kakapasok lang sa Restaurant. " Bakit nandito yan. " " Ha? Maykausap ka Ate. " " Nakita niya kasi yung crush." Tiningnana ko si Rex, anong pingsasabi na crush, yung tao yun crush ko? Kahit na siya nalang ang naiwang tao sa mundo hindi ako makakagusto sa kanya. Never talaga Napatingin ako ulit kay Rex..nakatingi rin pala siya sa akin pero seryoso yung mukha niya. " May problema ba? " tanong ko sa kanya. " Kaylan ba kayo ulit babalik..Louise. " tanong sa akin " Hindi ko pa alam..wala naman sigurong may nangyaring masama hanggang wala ako diba? " " Sa ngayon wala pa! " Hindi na ulit namin yung pinag-usapan, tinapos na nalang namin yung kinakain namin. Sabi ko nga ba may binabalak siya , yun ay pabalikin ako. Matapos naming kumain, umalis na kami don sa restaurant. Pagdating namin sa parking lot. Nagulat kaming tatlo. Sira yung kotse ni JM, talagang wasak yung harapan ni ng kotse niya. " Sinong gumawa nito. " galit na sabi ni JM, namumula pa yung mukha niya sa galit. Basag yung salamin,tupi-tupi yung kotse at basag ring yung salamin. Kawawang JM, mahal panaman niya yung kotse niya. " Gusto mo bugbugin natin yung gumawa ng kotse mo. " - Rex Binatukan ko nga, dinadamay niya yung kapatid ko sa binabalak niya. May nakita akong papel sa ilalim ng kotse niya, kinuha ko yun at binasa. " GO TO HELL, Hindi pa tayo tapos - Jack. " Yun yung nakasulat sa papel. " L-Louise/Ate. " - Rex/JM Nakibasa rin pala tong dalawa. Mga chesmoso. " Umalis na tayo. " -sabi ko sa kanila. " Pano tayo aalis..sira na yung kotse ko. " Tiningnana ko si Rex. " Wala akong dalang kotse. " Pagminamalas ka nga naman oh! Wala kasing magawa sa buhay ang gumawa ng nito. " Kawawa naman ang kotse niyo. " Napatingin kamin sa likod. Pagminamalas ka nga naman. Nakangiti pa siya sa amin. " Mr. Dylan. " nakangiting sabi ni Rex. Magkakakilala sila. " Rex, ang kanang kamay ni Black Shadow. " Kaya naman pala. " Tsk! Aalis na ako..ikaw? " "Hoy! Rex..huwag mo kaming iwan dito. Hanapan mo kami ng masasakyan. " sigaw ko sa kanya. " Kaya niya nayan..nandyan naman si Dylan. " walanghiya talaga. " Sabihin mo sa boss mo..huwag siyang magtago..magpakita siya sa amin. " sabi sa kanya ni Dylan " Huwag kang mag-alala makakarating yan sa kanya para mabugbog kana niya. " saka siya umalis. Iniwan niya talaga kami dito, humanda talaga sa akin ang gagong yun. " O! Bakit anong tingin-tingin mo dyan? " nakatingin kasi siya sa akin. " Hanggang dito ba naman, nagmamasungit ka parin sa akin. " naeerita niyang sabi " Hayaan mo na si ate..kuya. Ganyan talaga yan masungit. " - sabi ni JM sa kanya. "Mabuti pa tong kapatid mo..mabait de katulad ng ate niya masungit. " Ang yabang talaga nito, akala mo siya parang mabait din, e mas sobra pa nga ang kasungitan niya kaysa sa akin. Napatingi ako kay JM, ayun tumatawa ng palihim. " Wala ba kayong masasakyan? Hatid ko na kayo kawawa naman ang ate mo paglumakad kayo baka lalo pang sasakit ang katawan niya. Mahirap na kasi pagtumatanda na talaga. " bwesit na lalale toh, asarin ba naman ako at yung baliw ko runv kapatid tawa lang tawa. Ayaw ko sanang sumakay sa kotse niya pero si JM nauna pa siyang pumasok sa loob sa kotse ni Dylan kaysa kanya. Kaya sa huli wala na akong nagawa kundi sumabay nalang sa kanya kahit na naeerita ako sa kanya. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makaratung kamin sa bahay. " Hoy! Ms. Hindi ibig sabihin na kaya kita hinatid sa bahay niyo ay tanggap ko nayung pagiging president mo, hindi parin tayo tapos. Papahirapan muna kita bago ka tuluyang maging president ng school. " sabi niya sa akin ng makababa ksmi sa sasakyan. Si JM nauna ng pumasok sa loob ng bahay. " Hindi mo na kailangan sabihin yan..dahil alam ko naman talagang hindi ka titigil. Pero huwag kang mag-alala haharapin parin kita hanggang sa maging president ako ng school niyo. " Pagkasbi ko non pumasok na ako sa loob ng bahay, hindi ko na hinitay na magsalit pa siya. Lagi namam akong handa sa kahit ano mng gagawin nila sa akin. Yung tinanong sa akin kanina ni Rex, pag-iisipan ko muna yun. Babalik naman talag ako e, pero hindi pa ngayon kailan ko munang gawin ang tungkulin ko bilang isang president. ***** Pagkarating ko sa school agad akong dumeritso sa President room, sarili kobyung room. Nagsujest daw kasi si Tito na bigyan ako ng sarili kung room king sa Principal namin. Hindi ko nga alam kung anong koneksyon ni Tito sa may ari dito, parang ang lakas niya kasi dito sa school. Pagkadating ko sa President room, agad naman akong lumapit sa mic. at ini-on ang bawat speaker ng nasa building, sa bawat hallway, rooms at building ay may kanya-kanyang speaker, para kung merong mang annoucement, e maririnig ng buong campus. Sinimulan ko ng mag-annouce. Sure ako nito, hindi sila papayag sa gagawin ko. " Good morning student. I annouce that starting today..all cards, baseball bat, weapons etc. ARE NOT ALLOWED IN THIS SCHOOL. Also no proper haircut, uniform are also not allowed to enter this school. And starting this they we also clean our campus. Kung sino man ang hindi sumunod sa akin o sa patakaran ng school na toh! ay may kapalit na parusa. I HOPE YOU LIKE IT! " Matapos kung sabihin yun, ini-off ko na yung speaker at lumabas na ako sa room. Sa bawat daan ko sa hallway ang sama ng tingi nila sa akin. Sanay na ako sa mga tingin na yan. Nakita kung papalapit sa akin si Rex. " Ang galing mo kanina Louise, galingan mo ha. Nandito lang ako para tulongan ka. " sabi niya sa akin na nakangiti " Alam ko. Umpisa palang toh Rex..alam kong marami pa akong gagawin para tuloyan ng magbago ang school nato. At isapa alam ko namang tutulongan mo ako e. " " Ikaw pa...takot ako sayo e. " Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Pero wala na silang magagawa kailangan nilang sumunod sa mga patakaran ko, kung hindi may kapalit itong parusa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD