" Dylan POV "
" Hindi kaba pupunta ngayon sa gym? " tanong sa akin ni Jake.
Nandito kasi kami ngayon sa tambayan namin sa taas ng building. Sadyang pinagawa ko ito para sa aming dalawa. Kami lang talaga dalawa, iba kasing school si Mark. Kaya kami lang ngayon ni Jake dito. Kami lang dalawa ang pwedeng pumasok dito sa tambayan namin.
" Bakit..ano bang meron sa gym nayan, importante ba ang sasabihin nila " sabi ko sa kanya habang naglalaro ako ng billiard.
Nagpalagay din kasi ako ng games dito. Pangkatuwaan lang.
" Hmm... Makakaroon lang naman daw ng President ang ating school. "
" ANO! "
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
" Tsk! Mabuti pumunta nalang sa tayo sa gym. "
Hininto ko muna yung nilalaro ko at pumunta na kami sa gym. Pagkarating namin don sa gym nandon na ang lahat ng mga estudyante.
Umupo kami ni Jake sa bandang unahan para makita namin yung tao sa stage.
" May alam kaba dito Dylan? " tanong sa akin ni Jake.
" Sa tingin mo ba magsasayang ako ng oras dito kung alam ko naman ang mangyayari. "
" Sungit nito..nagtatanong lang e. "
Abat nagpout pa ang gago. Hindi bagay sa kanya.
Ano naman kaya ang pakana ni Papa?Ngayon lang kasi magkakaroon ng President ang school namin. Dahil alam niya naman na walang kaming sinusunod na patakaran dito..kaya bakit magkakaroon ng President ang school na toh.
" Good morning! " bati sa amin ng Principal
Asa nama siyang batiin rin namin siya.
" I know you are not interested to listen to me."
Alam niya naman palang walang makikinig sa kanya bakit pa siya magsasalita dyan.
" But you must listen carefully. Because form now-ouch " reaksyon ng principal
Tinaponan kasi siya sa isa sa mga tao sa gym ng tomato. Kaya ang nangyari sapul siya sa mukha.
Tawanan naman ang mga tao sa gym, pati yung katabi ko nakikitawa din, ako syempre nakangiti lang sanay naman ako sa kanila.
" Deritsahin muna kasi ang sasabihin mo..marami kapang pakulo dyan. " sigaw ng lalake ng tumapon ng tomato sa Principal.
" Masyado ka namang atat, Mister. "
Napatingin ako don sa gitna ng stage.
Teka bakit siya nandon, huwag mong sabihin-.
" Ako na ang tatapos ng sasabihin ng Principal. From now on ako na ang magiging President ng sc- "
" WHAT! Hindi ako papayag! " sigaw ko kaya napatingi siya sa akin.
Bakit ba lagi nalang siyang ngumiti sa tuwing magkaharap kaming dalawa.
" Alam ko! Hindi lang naman ikaw ang hindi papayag noh, kayong lahat. " nakangiting sabi niya.
" Alam mo naman pala. Edi alam mo na din kung ano ang mangyayari sayo. " sabi ko
" Oo! Alam na alam ko..I don't care if you are a gangster. I don't care if you are a murder or a leader of a mafia group. Ang sa akin lang is to change all of you..to change this school..to protect you. " sabi niya sa amin.
Natahimik naman silang lahat. Ano na naman kaya ang pakana ng babaeng toh.
" Prepared you're self, Miss Torres." makahulugang sabi ko sa kanya at umalis na don.
" I'm always prepare Mr. Dylan. " rinig kung sabi niya sa akin.
Tsk! Bakit ba hindi siya nakakaramdam ng takot, kahit ano pang panakot ang gawin ko sa kanya,parang wala lang sa kanya.
Tingnan na lang natin ang susunod kong pagpapahirap sa kanya.
*****
" Louise POV "
Pagkapasok ko sa campus, naramdaman ko na agad yung masamang aura nila. Lahat sila ang sasama ng tingin sa akin.
Kahit ano pang gawin nila wala na silang magagawa. Ako na ang President ng school at hindi na magbabago yun.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room.
Pagkapasok ko sa loob ng room..lahat sila nakatingin sa akin at hindi lang yun ang sasama pa ng tingin nila.
" May problema ba? " tanong ko sa kanila.
" IKAW!!! IKAW ANG PROBLEMA NAMIN! " sigaw nong isa.
Agad naman nilang pinalabas ang kanilang armas.
Shit! Ano na naman ang binabalak ni Dylan? Siguradong siya na naman ang nag-utos nito.
" Hindi kami papayag na magkaroon ng President ang school namin. "
Ano ba ang problema sa pagkakaroon ng President. Wala naman diba!
Napatingin ako don kay Dylan,nakatingin lang din siya sa amin at hindi lang yon nakangiti pa ang g*go.
" HOY! Ikaw Mr. Dylan! Ano ba talaga ang problema mo sa akin? Wala naman akong ginagawa sayo ha. " sabi ko sa kanya.
" Ang problema ko..ikaw! Ayaw ko sayo kaya mabuti pang umalis kana dito..bago kapa nila saktan. "
Pareho lamg naman kami ang ayaw sa isa't-isa ha. Nasa kanila talaga ang problema.
" Hindi parin ako aalis sa school na toh! Kung gusto niyo talaga akong paalisin dito..mag-isip muna kayo ng isang bagay na ikakaalis ko dito sa school. " sabi ko sa kanila.
Napansin kung tumayo si Dylan tsaka lumapit sa akin.
" Hindi ka talaga madadala sa pananakot namin sayo. " - Dylan
" Sabi ko naman sayo diba..huwag mong takutin ang taong walang kinakatakutan. " sabi ko sa kanya.
" Kayo na ang bahala sa kanya. " sabi niya saka umalis ng room.
Napatingin naman ako sa kanila, lahat sila nakatingin sa akin na mau ngiti na nakakaloko.
" Pagbilang ko ng sampu..dapat nakaalis kana sa harapan ko. Kung hindi lagot ka. "
Sinimulan niya na yung pagbilang. Tsh! Hindi siguro toh marunong magbilang.
" 1 "
Palakad-lakad pa siya magbilang ha.
" 4 "
Ano ba naman toh! Kung aalis ako dito, baka sabihin nila na takot ako sa kanila at baka sabihin ni Tito na naduduwag ako.
" 6 "
Kung hindi naman ako tatakbok..siguradong masasaktan ako.
" 9 "
Bahala na nga!
" Talaga bang hindi ka tatakbo? "sabi niya sa akin
Ano na ang gagawin ko. Bwesit kasi na Dylan yun e. Pinapahirapan ako.
" Sam- "
" Bakit naman ako tatakbo kung kayo lang naman ang makaka- "
Oh! My! Ghad! Anong sinabi ko sa kanila.
Wala naman akong sinabi, diba, diba diba diba!!!!
Napatingin ako sa kanila, nakatingin silang lahat sa akin. Natigilan yata sila sa sinabi ko.
" Ulitin mo nga yung sinabi mo. "
Ay! Hindi niya pala narinig. Bingi siguro toh!
" M-May sinabi ba ako wala naman ha! " pagsisinungaling ko sa kanila.
" Wala ka talagang paki-alam masaktan ka ha! Patayin niyo na yan. "
Pagkasabi niya non agad naman silang nagsilapitan sa akin.
Ano ang gagawin ko ngayon. Wala na akung takas sa kanila. Marunong akong makipaglaban, pero hindi sa ganitong paraan.
Nang makalapit na sa akin yung isang lalake. Nakita kung ready na siyang ihampas sa akin yung hawak niya bat, napapikit nalang ako. Bahala na si Batman.
Naghihintay akong may tumama sa ulo ko, pero wala. Ilang segundo na ako naghintay pero wala akong may naramdaman na sakit.
Dinilat ko yung mata ko, nakita ko lang yung likod ng isang tao na nasa harapan ko. Sino naman kaya toh! Bakit nita ako tinulongan.
" Huwag na huwag kang magkakamali na saktan si Ms. Louise. "
Nanlaki yung mata ko ng marinig ko yung pamilyar na boses. Baka hindi siya toh! Baka kaboses niya lang.
Sana nga.
Nang humarap siya sa akin. Hindi niya lang kaboses. Talagang siya nga.
" R-Rex? "
" Okay lang ba kayo, Ms. Louise? " tanong niya sa akin
" A-ano ang ginagawa mo dito? " tanong ko naman sa kanya.
" Dito na ako mag-aaral. "
" ANO!? "
Nabigla kasi ako sa sinabi niya, hindi ba siya nagbibiro talaga bang dito na siya mag-aaral. Siguradong wala na akong kawala nito.
Napatingin ako sa mga kaklase ko, lahat sila ay hindi makagalaw sa kinatatayuan nila. Napatingin ako kay Rex nakangiti lang siya.
" Ano na naman ang ginawa mo, natakot tuloy sila sayo. "
" Hayaan mo na sila Ms., dapat lang talaga sila matakot sa akin, dahil alam nilang lahat na mas gwapo ako sa kanila. "
Anong connect, nagmamayabang na naman toh!
Hindi parin ako naniniwala na dito mag-aaral si Rex sa school na pinapasukan ko. E, kasi naman hindi naman siya nababagay don, mabait kasi si Rex e. Kilala ko na siya simula pa noon, alam ko din na isa siyang gangster, pero mabait siya, kaya naging magkaibigan kami niya.
Pero bakit ba lumipat siya dito sa school na pinapasukan ko? May dahilan kaya siya.