Chapter 4

2286 Words
Kahit ilang araw na akong pumapasok sa bago kung school ganun parin ang mga ugali nila. At ang tanong ko sa aking sarili kung bakit hindi parin ba ako umalis sa school na toh...Talaga bang nababagay ako dito? Gusto kung umalis na dito pero hindi ko magawa...baka nasasanay na ako sa mga ugali nila. Ngayon lang din ako nakakita ng ganitong school, may naglalaro ng cards kahit nasa harapan na yung prof. namin, may nagsusuntukan at yung mga babae todo paganda...tulad ngayon. " Class...makinig naman kayo, sayang ang binabayad ng mga magulang niyo kung hindi naman kayo interasado sa lecture ko. " pagmamakaawa ng prof. namin. Sigaw siya ng sigaw pero wala naman epekto sa kanila..ako lang yata ang nakakarinig sa prof. namin. Mga bingi siguro sila. " Class " naubos yata ang pasensya niya kaya napalakas na talaga ang sigaw niya. Nabigla yata si Dylan kaya napamura...masamang magalit ang taong bagong gising. Natutulog lang kasi sa upuan niya. Nabigla yata sa sigaw ni prof. " Who's that f*****g man! " galit na sigaw ni Dylan. Tinutukoy niya siguro yung sumigaw. Yung mga kaklase ko naman..lahat sila nakaturo kay prof. Kawawa ka ngayon prof. Lumapit si Dylan sa kanya at hinawakan niya si prof. sa kwelyo. " Bastos kaba ha! Alam mong natutulog ako..bigla ka nalang sumigaw. " nakakatakot naman toh. " Sorry Mr. Dylan..gusto ko lang naman na makinig sila sa nilelecture ko. " -prof. " You can choose one. Die or Resign? " -Dylan Grabi naman tong lakake na toh, tiyak na resign ang pipiliin niyan..alangan naman magpakamatay siya. Nakatingin lang ako sa kanila, ayaw kung makialam baka madamay pa ako sa away nila. Mahirap na. " Tomorrow...dapat wala kana dito, kundi malalagot ka. " Aalis na sana si Dylan, umepal pa kasi si prof. e, yan tuloy lalong uminit ang ulo ni Master. " Wala kang karapatan na paalisin ako dito, kayo nga ang may-ari pero yung Tatay mo ang nagpapatakbo nito, kaya siya lang- " Ayun sapol si Sir sa mukha, hindi man lang pinatapos magsalita. Kawawa ka ngayon Sir, nakihabol pa kasi. " Ayusin niyo yang pananalita niyo. " -Dylan " Kawawa naman ang mga magulang niyo, nagkaruon ng mga anak na barumbado. Kaya siguro dito kayo nila nilagay dahil dito talaga kayo nababagay, wala na- " Ano bayan hindi ba talaga siya titigil, hindi ba sapat ang isang suntok lang, ayan tuloy maraming suntok ang nakuha niya kay Dylan. Dumudugo na yung mukha niya sa kakasuntok sa kanya. Hindi ko na gustong makita ang ginagawa nila. Kaya bago niya pa mapatay si Sir tumayo na ako sa upuan ko at lumapit sa kanila para pigilan siya. Bago niya pa mapalo kay Sir ang bat na nakuha niya sa kaklase namin, nahawakan ko na yung bat, baka mapatay niya si Sir ng hindi oras. Napatingin naman sa akin si Dylan, ito na naman ang masamang tingin niya. " Tumigil kana...baka mapatay mo pa si Sir, makulong kapa. " Nakakatakot naman toh kung makatingin. " Huwag kang makialam kung ayaw mong matulad sa kanya. " seryosong sabi niya. Dahil nga hindi ako takot sa kanya nginitian ko lang siya. Nainis yata sa akin..kumunot yung noo niya e. " Bakit ba nangingi-alam ka..ano ba talaga ang problema mo. " -Dylan " Problema! " nakangiting sabi ko sa kanya. " Wala akong problema..kayo ang may problema. Ganyan ba ang tinuro ng mga magulang niyo sa inyo..ang mawalan ng respeto? Pati ang mga guro sinasaktan at tinatakot niyo. " Sabi ko sa kanila at kinuha na yung bat na hawak ni Dylan. Tinulongan ko din yung prof. namin na tumayo. " Huwag mong- " Hindi ko na siya pinatapos magsalita, hindi pa nga ako tapos magsermon umepal na siya. " Kayo Sir, kung ayaw niyong masuntok ulit tumigil na kayo sa kakadada, lalo kayo napapahamak yan sa pagmamatapang niyo. " Abat gago tong prof. namin tinulongan ko na nga, senermonan rin ako. " Huwag kang magpanggap na mabait ka..na iba ka sa kanila Miss. Pare-pareho lang naman kayo e. Pinatapon ka rin ng mga magulang mo kasi dito ka nababagay..hindi na nila makaya ang ugali mo..kaya huwag kang magpanggap na maabait. " Sige lang magsalita ka lang. Kunting maling salita mo lang..bagsak kana. ***** " Dylan POV " Bastos tong prof namin, alam na natutulog ako bigla-bigla nalang sumigaw. Pinigilan ko lang ang sarili ko na suntukin siya, pero gumawa parin siya ng paraan para masaktan siya, nagsermon ba naman na mga walang kwentang salita ayan tuloy, nasuntok ko siya. Ayaw ko na sana siyang sakatan pero hindi talaga siya tumigil kaya ang nangyari sinuntok ko siya ng sinuntok, ipapalo ko na sana siya ng baseball bat, pero may humawak nito kayo hindi natuloy. Bakit ba laging nangingialam ang babaeng toh. Pinagsabihan ko siyang huwag mangialam, pero hindi nadala, nginitian niya lang ako. Tinulongan niya yung prof na tumayo, akala ko magpapasalamat siya kay Louise yun pala senirmunan rin. " Huwag kang magpanggap na mabait ka..na iba ka sa kanila. Pare-pareho lang naman kayo e. Pinatapon ka rin ng magulang mo kasi dito ka nababagay, hindi na nila makaya ang ugali mo. " sabi niya kay Louise. Napatingin akin kay Louise, nakatingin lang siya kay prof. Siguro kung hindi mo siya titingnan mabuti hindi mo mapapansin sa kanya ang masamang aurang bumabalot sa kanya. Ang sama ng tingin niya kay Sir, yung tingin niya parang papatay ng tao. Parang ibang-iba siya sa Louise na nakilala ko. Pero yung guro namin hindi yata napansin ang masamang aura ng bumabalot sa loob ng classroom namin. Yung mga kaklase ko nga napapansin na nila ang masamang aura kay Louise, yung mga tingin kasi nila parang takot na takot. Hindi yata nakapansin si Sir, patuloy parin siya sa pagsasalita. " Ibig sabihin lang yan kaya nila kayo nilagay dito, kasi hindi na nila kayo mahal. Sino ba naman kasing magulang na mag-alaga ng mga barumbado at mga walang kwentang anak...diba wala!? Ano ba ang pinakain ng magulang niyo sa inyo kaya kayo nagkaganyan? Kunsabagay kung barumbado din ang mga magulang naging barumbado din ang anak...Tsk! Like parents like- " O_O Ganyan ang itchura naming lahat... Bago pa kasi matapos ni Sir ang kangyang sasabihin, ayun bagsak na siya. Nagulat nga ako sa ginawa ni Louise, sinuntok ba naman si Sir sa sikmura, hindi pa siya nakuntento sinipa niya pa ito ng tatlong beses at sinuntok sa mukha. " Stop it. Baka ikaw pa ang makapatay sa kanya. " pigil ko kay Louise. Siya yung nagsabi sa akin na baka mapatay ko si Sir, tapos ngayon baka siya pa ang makapatay dito. Huminto naman siya pagkasabi ko nun. Huminga muna siya ng malalim at tsaka tiningnan ng masama kay Sir. " Huwag kang magsalita na parang may alam ka, dahil wala kang alam tungkol sa buhay namin. " galit niyang sabi kay Sir. Pero ang mas kinagulat naming lahat ay yung sunod niyang sasabihin. " Kung hindi kapa umalis sa harapan ko ngayon, AKO MISMO ANG PAPATAY SAYO! " Pagkasabi niya non agad na tumakbo si Sir palabas ng room namin. " BOGSSSSSHHH....." ( tunog na nabasag na mesa.) Matapos basagin ni Louise ang mesa sa room umalis na siya. Naiwan kaming tulala sa nangyari, pati ako natulala rin hindi kasi mapakaniwala na may ganun palang ugali so Louise... akala ko nagmamatapang lang siya yun pala may tinatagong masamang ugali. " Nakakatakot pala siya. " sabi nong babae kung kaklase. " Pakitang gilas lang yun, para sabihin niya na matakot tayo sa kanya. " sabi nung kaklase kung lakake. Gago rin toh! Kung gawin ko rin kaya sa kanya ang ginawa namin kay Sir. Hindi pa ba sapat ang mesa namin na nabasag, basag na basag ang mesa namin ngayon dahil sa ginawa ni Louise, gunamit niya lang naman ang baseball bat na hawak niya kanina, mabuti nga hindi yun ang ginamit niya kay Sir. Kundi siguradong patay na si Sir ngayon. Pero mukha tama naman tong kaklase ko baka pakitang gilas niya lang yon. ***** " Louise POV " " Ate, gising na. " sigaw ng kapatid ko, at ang walang hiya niyugyog pa ako. " Ang aga-aga sumisigaw ka. " sermon ko sa kanya. " Kanina pa kaya kita ginigising. Malelate kana po sa school niyo. " " Anong oras na ba? " " 6:30 na po..kaya bu- " Hindi ko na pinatapos yung kapatid ko. Bumangon na agad ako sa higaan ko at dumiretso sa C.R ng kwarto ko. Matapos kung magligo at magbihis bumaba na ako at pumunta na ako sa kusina. " Oh! Bakit hindi kapa bihis? " tanong ko kay JM, nakapangbahay pa kasi siya. " Wala po akong pasok. " " Ganun! Ikaw muna ang bahala dito sa bahay aalis na ako. " sabay kuha ko na sandwich sa mesa. " Hindi kaman lang kakain Ate? " sigaw ng kapatid ko " Hindi na...alis na ako. " Lumabas na ako ng tuluyan sa bahay. Mabuti na lang may tricycle na dumaan kaya na ka sakay agad ako. Nagmamadali naman akong bumaba ng tricycle pag karating ko sa school. O_O ganito yung itchura ko pagkapasok ko sa loob ng campus. Oh! My Ghad! Ano ba talaga ang nangyayari sa school na toh. Lahat sila nakikipag-rambulan. As in lahat ng mga estudyante pati yung mga babae nakikisali. Napatingin ako sa Guard..nakatago siya sa loob ng Guardhouse na parang takot na takot. Nilapitan ko siya. " Ano ba ang nagyayari dito? " tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. " May pumasok kasing ibang school na katulad din nila..naghahanap sila ng gulo. Sinuntok nila bigla yung isa sa mga estudyante dito, pumatol naman yung isa. Kaya ang nangyari nagkagulo. Nakisali din si Sir Dylan " paliwanag niya sa akin. Haba ng paliwanag niya. Kunte nga lang tinanong ko, ang haba naman ng sagot niya. Nakikipagbugbugan parin sila. Hindi ba sila ngasasawa sa mga ginagawa nila? Hindi ko na talaga kaya ang school na toh, masyado na silang pabaya. Yung mga guro nakatingin lang sa kanila, hindi na nila kayang pigilan ang mga estudyante. Kung hindi nila magawang baguhin ang school na toh. Pwes! ako ang magpapabago sa kanila. Aalis na sana ako sa school para puntahan si Tito pero may humarang sa daanan ko. " Sinong may sabi na pwede kanang lumabas? " sabi nung humarang sa akin. Ibang school yata toh. Tiningnan ko lang siya. " Sayang ang ganda mo pa naman..pero wala ka paring kawala sa akin. " Yabang nito. Hindi niya ba alam mainit ang ulo ko, dagdagan mo pa na hindi pa ako nakaalmusal kanina. " Huwag kang humarang sa dinadaanan ko." sabay suntok ko sa kanya. Ang dali namang patumbahin ang isang toh. Kakatapos lang ng isa may sumugod naman sa akin na isa. Bago ko pa siya masuntok..may sumuntok na sa kanya. " Iba ang kinalaban mo..kaya umalis kana bago ka pa nila saktan. " sabi ni Dylan. Siya kasi yung sumuntok sa lalaki. Umalis na ako don, at pumunta sa office ni Tito. Madali naman ako nakapasok sa kanyang company, kilala na kasi nila ako. " TITO! " sigaw ko pagkapasok ko sa kanyana office. O_O ganya ang reaction ni Tito " Ano ka ba namang bata ka..huwag kangang pabigla-bigla dyan. Ginulat mo ako e." pagalit na sabi ni Tito " Sorry po! E, kasi naman po hindi ko na po talaga kaya sa bago kung school. " " Oh! Bakit may nangyari ba? " alalang tanong ni tito " Nakikipagrambulan po sila ngayon..tapos yung mga guro tinitingnan lang sila..hindi po nila sila pinipigilan. " pagsusumbong ko sa kanya. " Masanay kana don...lagi naman silang ganun e. " So! Ibig sabihin nito pinapabayaan lang nila na maging ganun ang mga estudyante nila na walang pinag-aralan. " Anong gusto kung gawin..ilipat kita ng bagong school? " tanong ulit sa akin ni Tito. " Ayaw ko po. " " Ayaw mo naman pala, e bakit- " " Gusto ko pong ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi na sila pumasok sa gulo. Gusto ko pong maging President ng school. " agad na sabi ni Tito Nagulat yata siya sa sinabi no. " P-pero Louise- " " Sige na po Tito. Pagsabihan niyo po yung principal ng school na gawin akong President. Gusto ko lang naman na magbago sila na mali ang ginagawa nila at para turuan sila ng lection. " Alam kung walang President ang school. At para maging maayos ang school namin..gusto ko ako gagawa ng paraan para maging maayos ito. " Sige payag ako. " Napangiti naman ako sa sinabi ni tito. " Talaga po!? " " Pero mag-iingat ka...O di kaya sabihin na nating sila ang mag-ingat sayo. " natawa na lang ako sa sinabi ni tito. Ngayong payag na si Tito, magagawa ko na ang dapat kung gawin sa school. " Louise. " napatingin naman ako kay Tito..nasa pinto na kasi ako ng opisina nya. " O salo. " Nasalo ko naman yung hinagis niya sa akin. Pagkatingin ko sa kamay ko, nanlaki yung mata ko. Napatingin ulit ako kay Tito. " Pwede nyo na ulit gamitin yun, baka kailangan niyo yan. " " Thank you Tito. " nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti lang din siya sa akin. Umalis na ako sa office niya. Ayaw ko ng bumalik sa school nakakatamad na makita ko yung pagmumukha nila. **** Siguradong matutuwa si JM sa maganda kung balita sa kanya. Pagdating ko sa bahay nakita ko yung napakagwapo kung kapatid na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng T.V " Hello! JM. " bati ko sa kapatid ko. " O! Ate, hindi ka pumasok? " tanong niya sa akin. Tumabi muna ako sa kanya sa pagkakaupo. " Hindi na...late naman ako e. " sagot ko. " Nga pala o. " sabay bigay ko sa kanya nung binigay sa akin ni Tito. " Pumunta ako kanina kay Tito..bini-Aaray JM." reklamo ko bigla nalang kasi niya ako niyakap. " Salamat ate. Sa wakas magagamit ko na toh ulit. " masayang sabi niya saka naman bumitaw sa akin. Akala niya siya lang masaya..ako rin kaya. Ang binigay kasi sa akin kanina ni Tito ay susi ng sasakyan namin.. matagal-tagal din namin yung hindi nagagamit simula nung namatay sina Papa. Kay Tito kasi nila binigay at pinatago ang susi ng sasakyan namin kaya hindi namin yun nagagamit, mabuti nalang binigay sa ulit sa amin yun ni Tito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD