Chapter 3

1311 Words
Nandito ako ngayon sa cafeteria mag-isang kumakain. Hindi ko kasi makita-kita si Aya..busy siguro yun. " Aaaahhh... s**t, Pakshit! " sigaw ko sabay tayo sa upuan ko Ikaw bang hindi mapamura sa ginawa nila!? Tama bang buhusan ako ng isang pineapple juice na sobrang lamig at isang carbonara. Tiningnan ko yung taong gumawa sa akin nito. " Oopps... Sorry napag-utusan lang. " sabi nong babaeng bumuhos sa akin. Napatingin ako don sa grupo ng mga lalaking tumatawa, tapos nakita ko din don si Dylan ( pangalan ng tinatawag nilang Master ) nakangiti lang. Ito na ba ang sinasabi nya..hindi naman ito pangpatay e. Tiningnan ko uli yung babae at tiningnan siya masama. " Napag-utusan? Ang sabihin mo gusto mo rin namang gawin...malandi kasi. " sabi ko sa kanya. " What did you say? " sigaw niya " Bingi-bingihan lang teh! " Aalis na sana ako ng may tumawag sa akin. " Hey! You! " Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Sino pa ba edi si Master Dylan. " Anong sinabi mo sa babaeng toh! " Tinagalog lang!? Tiningnan ko siya ng masama. " Gago ka...tingnan mo ang ginawa mo sa akin! Ang lagkit-lagkit ko na tapos wala pa akong pangpalit na damit. " naiinis na sabi ko sa kanya. Ang sama talaga ng ugali niya nginitian niya lang ako. " Edi maganda uuwi kang basang sisiw. " pang-aasar niya sa akin. Bwesit talagang lalake na toh. Pasalamat siya kailangan kung magpalit ng damit. Dahil kung hindi..tiyak na malilintakan sa akin ang gago na toh. Dahil nga ayaw ko ng gulo..ako nalang yung umalis. Babalik ako sa classroom para kunin yung bag ko at para maka umuwi na. " Louise. " " WHAT! " Pagtingin ko sa tumawag sa pangalan ko si Aya pala. Ayan tuloy na damay pa siya sa inis ko. Nilapitan ko siya kasi mukhang nagulat yata sa sigaw ko, natulala kasi. " Sorrr Aya. " Pagkasabi ko nun sa kanya, natauhan naman siya. " May kailangan kaba sa akin?" Tanong ko sa kanya. " Nalaman ko kasi yung nangyari sa iyo sa cafeteria kanina, nag-alala ako sayo na baka wala kang pangpalit. " sabi niya " Unfortunately...wala nga. " " Tara pahihiramin kita." Bago pa man ako magreact sa sinabi niya hinila niya na ako. Pumunta kami sa locker niya at pinahiram niya sa akin yung extra niyang uniform. Mabuti na lang pareho lang kami ng size na damit. " Pasensya ka na kanina...Louise hindi kita nasamahan sa breaktime kanina. " sabi niya habang palabas kami na locker. " Okay lang yun, mabuti nga wala ka dun baka madamay ka pa kanina. " Napahinto kami ng makita namin si Dylan kasama yung isang lalaki, kaibigan niya yata. Tumigil din sila sa harapan namin. " Akala ko wala kang pangpalit. Sinungaling. " - Dylan " Hindi po ako sinungaling..hiniram ko lang po tong damit na toh. Kaya huwag mong sabihin na sinungaling ako....Suntukin kita dyan makita mo " matapang na sabi ko sa kanya. " Subukan mo nga...siguraduhin mo lang na malakas yang suntok mo ha. " nakangiting sabi niya sa akin " Lakasin mo ha..yung talagang may makikita kaming dugo. " pang-aasar nung kasama niya saka tumawa ng malakas. Sinusubukan niyo talaga ang pasensya ko ha. Kanina kaya ko pang pigilan ang sarili ko pero ngayon hindi na. Huminga muna ako ng malalim saka siya sinuntok ng malakas. Kaya ang nangyari ayun hindi lang dugo ang natamo niya napahiga rin sya sa may sahig. Walang may nagsalita sa nangyari maging si Aya at yung kaibigan niya at isa pa maraming nakanita sa ginawa ko sa Master nila. Kaya bago pa sila matauhan tumakbo na ako papalayo sa kanila. Mahirap na baka ano pa ang gagawin nila sa akin. **** " Dylan POV. " " Hahahaha..... Babae lang pala ang katapat mo e. " sabi ni Mike isa sa mga kaibigan ko. " Akala ko nga kanina nagbibiro lang si Louise yun- " hindi ko na sya pinatapos magsalita " Louise? " patanong kung sabi " Siya yung babaeng sumuntok sayo kanina. Napag-alaman ko kasing Louise Yllana Torres ang buo nyang pangalan. " sabi ni Jake na isa sa mga kaibigan ko. Inalam niya talaga ang buong pangalan ng babaeng yun. Louise pala ang pangalan niya. Akala ko kanina mahina siyang sumuntok, yun pala sagad sa buto. Mabuti nalang hindi nasira yung mukha ko, kawawa naman ang mga babae kapag nawala ang kagwapohan ko. Wag kayo! Ganito talaga ako..totoong magsalita. Pero ang lakas talaga ng pagkasuntok niya sa akin, nadugo yung labi ko sa pagkasuntok niya at hindi lang yun napahiga pa ako sa sahig. " Nakahanap ka rin ng katapat mo Dylan. " sabi ni Mike Hindi pa sila yan natapos sa kakatawa ha. " Gusto niyong gawin ko rin sa inyo ang ginawa niya sa akin kanina. " sabi ko sa kanilang dalawa. " Masyado namang mainit yang ulo mo..relax ka lang makakaganti ka rin sa kanya. " - Jake " Tsk " Ngayon lang kasing may humarap sa akin na hindi na takot. Hindi niya ba ako nakikilala ako lang naman si Dylan Dela Vega isang leader ng isang gang, lahat ng sumubok na harapin ako talagang hindi mananalo lahat bagsak. Ako rin ang namumuno sa eskwelahan namin kaya ang lahat ng nag-aaral doon ay mga gangster. Nagtataka lang ako kung paano nakapasok ang babae na yon kung hindi naman siya gangster..sa kinikilos niya kasi mahahalata mong hindi talaga siya gangster. Nagtapang-tapangan lang siguro yun pa hindi siya masaktan. ***** Maaga akong pumasok sa school para pagsabihan yung mga schoolmate at mga kaklase ko sa gagawin nila kay Louise. Oo! may masama akong gagawin don sa babaeng yun. Masama na kung masama wala akong pakialam. Nakikita ko nang pumapasok si Louise sa loob ng Campus, ng nasa gitna na siya ng hallway sinimulan na nila yung plano ko. Mahahalata sa kanya na naiinis na siya. Ikaw ba naman kasing tapunan nalang bigla hindi kaba maiinis. Yung pinagtatapun nila ay kinulokot na papel kaya siguradong masakit yun at mga kamatis kaya kung titingnan mo siya ang dumi niya ng tingnan. Minamasdan ko lang siya habang patuloy parin sila sa ginagawa nila. Tapos napansin kung nagpatuloy na sya sa paglalakad hanggang makapasok siya sa building. " Sinong may gawa nito! " sigaw niya. Madali naman tong magalit. Lumabas na ako sa tinataguan ko at nagpakita sa kanya. Napatingin naman siya sa akin, nanliliksik yung mga mata niya sa akin. " PAK!!!! " ( tunog ng pagsampal ni Louise kay Dylan ) " Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, huwag mo akong idamay! " galit na sabi niya sa akin saka umalis. Walang hiyang babaeng yun nakakadalawa na yun sa akin,Ha " Kayo linisin niyo ang mga kalat." sigaw ko sa kanilang lahat. Dahil badtrip ako pumunta ako sa hideout ng lahat ng mga gangster kung saan laging may laban. Dahil nga badtrip ako gusto kung lumaban kaya hinamon ko yung isa sa mga kalaban namin. Tulad parin ng dati mga walang binatbat. " Mga walang kwentang kalaban. Wala na bang may mas lalakas pa sa kanila. " sabi ko. " Edi, sana si Jack na lang yung hinamon mo. "- Jake " Alangan namang hamunin ko dito ang wala. " naiinis kung sabi sa kanya. " Si Black Shadow na lang kaya, siguradong hindi mo pa yun nakaharap. " - Mike Ayan naman si Black Shadow ni hindi ko panga siya nakikita kahit minsan. May sabi- sabi kasi na minsan lang daw pumunta dito si Black Shadow dito pagkinakailangan o may humahamon sa kanya. Gusto ko na talagang makita kung sino man yan si Black Shadow, marami kasing nagsasabi na si Black Shadow ang pinakamalakas at kinakatakutan sa lahat. Si Jack din daw ang matinding kalaban ni Black Shadow, may alitan daw sila sa isat isa at isa pa matindi daw ang galit niya kay Black Shadow. Oo nga! Gangster ako pero hindi kami mamatay tao. " Paano niya makakaharap si Black? Eh hanggang ngayon wala pang nakakaalam kung nasan siya. " -Jake. Nawawala pala siya..ngayon na handa ko na siyang kalabanin ngayon pa siya nawala! May tamang oras siguro para sa aming dalawa. Kung sino man si Black Shadow, siguradong ako parin ang mananalo pag nagkaharap kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD