Chapter 2

1504 Words
Nandito na ako sa school napaaga yata ang pasok ko kasi wala pang masyadong tao..kaya naglibot-libot muna ako dito sa campus, seens hindi ko naman ito tinour nong unang pasok ko dito. Sa bawat daan ko sa mga hallway ang dumi tingnan as in wala kang makikitang kahit kunting bahagi lang ng building na malinis. Pero yung mga C.R nila dito sobrang linis...ang pangit naman siguro tingnan na madumi na nga yung school niyo madumi pa yung C.R niyo...nakakadere na yung tingnan noh. Habang pabalik na ako sa classroom ko dahil malapit ng magtime..napatingin ako sa harapan ko dahil binabastos ng dalawang lalake yung isang babae. Napahinto muna ako para marinig ko yung pinag-uusapan nila. " Sige na miss kahit isang gabi lang. " rinig kung sabi ng isang lalake. " Maawa na po kayo sa akin..iba nalang po yung biktimahin niyo huwag na lang ako. " sabi nung babae na naiiyak na. " Sige na kasi Miss huwag na kasing maarte..alam kung gusto mo rin eh.. " pagpipilit parin nila Hindi ba sila nakakaintindi na ayaw niya sumama sa kanila. Nang hindi ko na matiis yung naririnig ko lumapit na ako sa kanila lalo ng marinig ko yung malakas na pag-iyak ng babae. " Aya..nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. " sabay hila ko sa kanya para makaalis kami don. Pero bago pa kami tuluyang makaalis may humawak na sa isang kamay ko. Tiningnan ko yung humawak sa kamay ko yung isang lalake pala na pumipilit sa babae. " Huwag kang bastos miss." seryusong pagkasabi nong lalake saka tiningnan ako ng masama. " Hmm... Sorry po malelate na kasi kami ng kaibigan ko. " pagsisinungaling ko sa kanila. Nagsmirked lang silang dalawa sa amin. Tsk! akala mo kung sinong mga gwapo hindi naman bagay sa kanila ang pagsmirked. Lumapit sa akin yung isang lalake at may sinabi sa akin. " Kung ayaw mong masaktan umalis kana..iwan muna sa amin yang kaibigan mo at umalis na sa harapan namin. " pananakot niya sa akin Ngumiti muna ako sa kanya at sinabing... " Sorry, pero hindi ako natatakot sa mga ganyang salita lang. " nakangiting sabi ko sa kanya . Mukhang nagulat yata siya sa sinabi ko. Dahil nga madali lang mapikon ang hambog na gangster sasampilin niya sana ako. Pero hindi na tuloy kasi nagtime na..kaya tumakbo na ako kasama yung babae papalayo sa kanila. Pero bago pa ako makalayo sa kanila dinilaan ko muna sila na may halong mapang-asar kaya ayun hindi maipinta yung mukha nila.         Huminto na kami ng malapit na ako sa classroom ko. Napatingin ako sa babae na nakatingin din sa akin. " Okay ka lang miss? tanong ko sa kanya.         Tumango lang siya sa akin...hindi pa siguro nakakarecover kanina. " Una na ako sayo ha! " lalakad na sana ako ng pigilan niya ako. " Sandali! " napatignin naman ako sa kanya. " Salamat pala kanina. " " Wala yun. " saka umalis na ako sa harapan niya. Kaya pala binabastos siya kanina kasi makikita mo sa kanya na mahina siya.. wala siyang kalaban-laban kahit apihin man siya. Tsk akala ko lahat ng nag-aaral dito matatapang at malakas meron pa palang isang mahina. Pagpasok ko sa classroom wala pa yung guro namin at ang sasama pa yung tingin nila sa akin. Who cares!        Pagkaupo ko sa upuan ko lumapit kaagad sa akin yung isang lalake, tinakot ba naman ako. " Lagot ka pag nalaman ni Master na hindi ka isang gangster. "       Hindi ko nalang siya pinansin, pakialam ko sa kanilang Master na yan.     Dumating na yung prof. namin usual wala paring nakikinig sa kanya..minsan nga iniisip ko na lang na masaya ba talaga sila sa pagiging guro nila..hindi man lang nila tinuturuan ng good manners ang mga estudyante dito. Sila panga yung takot sa kanilang mga estudyante. Nang breaktime na namin, mag-isa akong pumunta sa cafeteria wala kasi akong mga kaibigan dito...Pagdating ko sa cafeteria umorder na ako ng kakainin ko, pero yung mga mata ng mga schoolmate ko nasa akin talaga nakatutok.     Akala ko wala na akong mauupuan, dahil masyadong puno ang cafeteria, mabuti nalang nakita ko yung isang babae na tinulungan ko kaninang umaga. " Pwede maki-upo. " napatingin naman siya sa akin tapos tumango lang.     Kaya umupo nalang ako..kinain ko na yung inorder ko..sya naman patuloy lang sa pagkain. Nabibingi na ako sa sobrang ingay sa loob ng cafeteria.     Makausap nga tong babae na toh para kahit papaano hindi kami ma OP dalawa at para makipagkaibigan na din sa kanya. " Hi! " pag-uumpisa ko, tiningnan niya na naman ako.   Yung totoo may problema ba tong babae na toh..bakit tinitingnan niya lang ako. " I'm Louise...ikaw?" " Akala ko kilala muna ako. "      Magtatanong ba ako kung kilala ko na siya..at isa pa wala nga akong matatandaan na magkilala kaming dalawa. " I'm Aya. "    Nagulat ako sa pangalan niya..kaya pala akala niya kilala ko siya..kasi yun yung ginamit kung pangalan kanina nung tinulungan ko siya. " Hindi ko naman alam na Aya pala ang pangalan mo. " sabi ko sa knya " Sorry. " " Okay lang! So...friends? " nakangiting tanong ko sa kanya. " Friends. "  Siguro ang laki ng ngiti ko ngayon, alam mo ba yung feeling na may bago kang kaibigan? Akala ko hindi na ako magkakaroon ng kaibigan dito, mabuti nalang tinulungan ko siya kanina. Nag-karoon naman ako ng kaibigan sa dati kung pinapasukan na school pero ang naging totoo ko lang nakaibigan ay isa lang..lahat sila mga plastic, namimiss ko na nga siya eh.       Napansin kung tahimik ang cafeteria, anong nangyari sa kanila kanina lang sobrang ingay nila tapos ngayon sobrang tahimik nila talagang mabibingi ka sa katahimikan nila. " Anong nangyari sa kanila? " tanong ko kay Aya " Nagbalik na kasi si Master, kaya tumahimik silang lahat. Kaya ikaw kung ayaw mo masaktan tumahimik ka nalang. "      Nacurios naman ako sa tinatawag nilang Master, gusto ko ding malaman kung sino yun kaya tatahimik muna ako, habang iniubos ko yung inorder ko sayang kasi kung hindi ko yun uubusin. " Where's that girl! " nagulan tang naman ako sa biglang pagsigaw niya.     Ang tahimik kanina tapos biglang may sisigaw, bastos yun ha!. Titingnan ko sana kung sino yung sumigaw, pero nagulat ako ng lahat sila nakaturo sa akin. Napatingin ako doon sa taong papalapit dito sa table ko.       Teka! Parang pamilyar yung mukha niya sa akin..saan ko ba nakita tong mama na toh....Habang papalapit siya sa akin inaalala ko parin yung mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita. Isip isip ahm...alam ko na siya yung walang modong lalaking na malapit na kaming sagasaan. Nang nasa harapan ko na siya mukhang nagulat pa siya ng makita ako. " So, ikaw pala yung sinasabi nila sa akin. " tiningnan ko lang siya.       Siya na ba yung sinasabi nilang Master. Hindi naman nakakatakot...talagang masama lang ang ugali kaya mukhang nakakatakot. " How did you enter this school if you are not a gangster? Alam mo bang pinagbabawal dito na bawal pumasok ang hindi gangster. " sabi niya pa sa akin.    Ano ba talaga ang pakialam nila kung hindi ako gangster, may magagawa ba sila kung hindi ako kabilang sa kanila wala naman ha! " Ano naman ang pakialam mo kung hindi ako gangster..bakit pinagbabawal ba na bawal ako mag-aral dito. " " Sa pagkikita palang natin matapang kana, talagang hanggang dito ba naman nagmamatapang ka pa rin. " nilapit niya yung mukha niya sa akin kaya napaatras naman ako sa ginawa niya. " Umalis kana habang maaga pa...dahil hindi mo pa kilala kung sino ang kinakalaban mo. " pananakot niya sa akin " Huwag mong takutin ang isang taong walang kinakatakutan. "" matapang na sabi ko sa kanya Mukhang nainis yata siya sa sinabi ko, halata naman sa mukha niya e, pinipigilan niya lang. " Alan mo bang may kasalan kapa sa akin...BAKIT MO BINUTAS ANG GULONG NG KOTSE KO! " sigaw nya sa akin.      Kung makasigaw naman toh, parang wala ng bukas. Pero napangiti ako sa sinabi niya, bago kasi ako umalis sa harapan ng sasakyan niya binutasan ko yung gulong.   Tumayo ako atnapalayo siya sa akin at umayos din siya ng tayo. " Gantihan lang yan pre... " sabay tapik ko sa kanyang balikat, at tsaka umalis na...pero huminto muna ako at pinakinggan ang sinabi nya. " Talagang matapang ka. Pabibigyan kita ngayon, pero sa susunod mag-iingat kana sa kinikilos mo kundi...you're dead. " pagbabanta niya. Umalis na ako don baka lalo lang ako mabadtrip sa pagmumukha niya. Natapos ang araw ko ng walang akong natutunan, at ang kinaiinis ko pa..kaklase ko pa yung tinatawag nilang Master. Kaya bwesit na bwesit ang araw ko ngayon at hindi lang yun...mukhang pinahirapan niya talaga ako. Binubos niya lang naman ang lahat ng gamit ko sa bag, mabuti nalang maliit lang talaga yung laman kundi baka matagalan pa ako sa pagkuha, at ang kinainisan ko pa pinagtawanan lang nila akong lahat.. yung Prof. naman namin tinitingnan lang ako. Dagdagan mo pa ngayon yung pagbwebwesit ng kapatid ko sa akin, tama bang asarin ako, kesyo daw ngayon lang ako nakaranas sa pinaggagawa nila sa akin, kesyo daw natakot daw ako sa Master nila. Kaya bwesit na bwesit ang araw ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD