Napamaang ako rito ng marinig ko ang sinabi nito. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa dulo ng counter. Ganito ba nito kagustong lumayo sa akin at kinailangan pa nitong umalis sa trabaho nito? I tried so hard to compose myself. "Xian Perez resigned?" Hindi makapaniwalang tanong ko. She leaned in and spoke in a low voice. "Ang usap-usapan, nagresign siya dahil hindi niya kinaya ang mga tsismis tungkol sa kanya." I frowned. "What do you mean?" "Hay naku, basta." She paused and stared closely at my face. "Sabi na at pamilyar ka eh. Diba ikaw ‘yong boyfriend ni Luna?” Natigilan ito wari’y may naalala. “Ah! Oo nga pala si Xian ang nakatoka noon na mag-alaga kay Luna. May tatanungin ka ba tungkol sa girlfriend mo kaya mo hinahana

