"What do you want to do next?" “Make a car.” Sagot ni Stanley. Nasa may dalampasigan kami ngayon. Katatapos lang naming magswimming at sa kasalukuyan ay sinasamahan ko itong maglaro sa buhanginan. Umaga pa lang ay kumatok na ito sa cottage namin ni Leo kasama si Kathy para sabihing gusto raw nitong magswimming. Nang makita ko ito kanina ay kaagad akong nagpalit ng swimwear ko at sinamahan ito sa dagat. Iniwan namin si Leo sa kama na natutulog. Mahimbing ngayon ang tulog nito dahil mas madami ang nainom nito kaysa sa akin. "Xian! Nagriring ‘tong cellphone mo!" Narinig kong sigaw ni Kathy mula sa may kubo. "Stanley, punta muna tayo kay Ate Kathy. Babalik tayo mamaya." Stanley nodded his head unhesitantly. Binuhat ko ito at mabagal kaming naglakad patungong kubo. Pagkarating namin roon

