Namula ako nang marinig ko ang sagot nito. Mabilis akong naglakad palayo at inwian ito dahil baka mamaya ay kung ano pa ang pumasok sa utak nito. As I entered the hospital, I thought, maling ideya na tanungin si Mariel.
The day passed by quickly. And as usual, it was a busy day for us but pretty uneventful. Pagod man sa trabaho ay natapos ang araw na masigla pa rin ang pakiramdam ko. Kahit na nag-overtime ako ng mahigit isang oras.
Pasakay na ako ng kotse ni Leo nang mag-ring ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ko kung sino ang tumatawag.
"Asan ka na?" Bungad ni Leo sa akin pagkasagot ko ng tawag.
"Parking lot pa."
"Nag-overtime ka?"
I hmm-ed in agreement.
"Do you wanna drop by here at the office?" Tanong nito. I immediately agreed. I already missed him.
After the call, I quickly drove to his mall. Sa loob ng mall ko balak dumaan at hindi sa elevator na ginamit namin noon para hindi na kailangan pang bumaba ni Leo kapag susunduin ako nito. Habang paakyat ay tinawagan ko si Leo para ipaalam na malapit na ako sa 4th floor.
Ilang minuto lang akong naghintay sa pagdating ni Leo.
Pagpasok namin sa loob ay dumiretso kami sa opisina ni Leo. Erika greeted me warmly when she saw me.
"Pakisamahan naman si Xian sa security, pakikuha ang biometrics niya and tell them to allow him access to everywhere." Bilin ni Leo kay Erika. Pagkatapos ay tumingin ito sa akin.
"Just follow Erika, don’t worry it won't take too long. Come straight up to my office once you’re done."
I nodded my head in understanding before following Erika. Habang naglalakad kami ni Erika ay ramdam ko ang pasimple nitong pagsulyap sa akin. Minsang nagtama ang mga mata namin ay nginitian ko ito at gumanti rin naman ito ng ngiti. Mukhang may gustong sabihin si Erika, pero hindi nito alam kung paano maguumpisa. I just patiently waited, wondering what she wanted to say.
"Ikaw pa lang ang magkakaroon ng access sa company na hindi employee ng mall at kamag-anak ni Sir Leo." Natigil ang pagmumuni-muni ko nang bigla itong magsalita. My eyebrows raised in surprise.
Ngumiti si Erika. "Even Lu— Sir Leo’s ex-girlfriend could only use a visitor's pass before she’s allowed to enter the office."
Tumaas ang isang kilay ko sa narinig ko. "Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
She nodded her head.
"Why?" I asked.
"Ewan ko kay boss. Hindi ko alam kung binalak niya ba at nakalimutan lang niya o nawala sa isip niya na kuhanan siya."
I chuckled. Pagkatapos no’n ay naging kumportable na kami sa isa’t isa. Kung anu-ano pa ang naikwento nito sa akin habang papunta kami sa security department. Totoo nga siguro ang kasabihan, chismisan ang pinakamabilis na paraan para makapagpalagayan ng loob ang dalawang tao.
Pagkarating namin sa security department ay sandaling oras lang ang ginugol para makuha ang biometrics ko. Ayon kay Erika, ang access level ko ay hindi kagaya ng mga normal na empleyado na kailangan pa ng access card. Makikilala na kaagad ng system ang mukha at fingerprint ko oras na nadetect nila iyon.
Pagkabalik namin ay dumiretso na ako sa opisina ni Leo habang si Erika naman ay itinuloy na ang naiwang trabaho.
Nang makita ako ni Leo ay sinalubong ako nito at hinalikan sa labi. Pagkatapos ay hinila ako nito patungong receiving area.
"Balita?" Tanong nito habang naglalakad kami.
"Okay na. Fingerprint ko na nga ang ginamit sa pagpasok sa opisina kanina. Pinasubok sa akin ni Erika." I grinned happily. "Ang cool! Parang ‘yong mga nakikita ko lang sa movies."
Leo laughed before sitting down. Shortly after, he suddenly hugged my waist and made me sit down in between his thighs.
"Oo nga pala. Does Erika know about us?" Tanong ko rito habang nakahilig sa dibdib nito.
"I didn’t tell her. But she probably guessed it already.”
I hmm-ed in response.
“Hey, hindi ko sinabi, ha?” Depensa nito sa sarili. I chuckled.
"I know. I believe you."
Naramdaman ko napabuga ito ng hangin nang marinig ang naging tugon ko. It made me smile.
"She probably figured it out on her own. She's intelligent and sharp, so it's not a surprise. But don't worry, hindi naman niya sasabihin sa iba ’yon." Paliwanag nito. Sa pagitan ng pagsasalita ay hinihipan nito ang batok ko. Nagsitayuan na naman lahat ng balahibo ko sa ginagawa nito. "But if you want I could call her here at sabihan ko siya mismo sa harap mo para makampante ka." Leo added.
Umiling agad ako.
"Hindi na. I believe your judgment and I like her." Agad na tumigil si Leo sa ginagawa nito at tinignan ako. Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. I looked at him curiously.
"You like her?" Nakakunot ang noo na tanong nito.
"Baliw, pati siya pinagseselosan mo."
"Kada sinasabi mo yang like na yan, hindi ko maiiwasan. Now better explain it well." Utos nito. Natatawang tumango ako. Isinandal kong muli ang ulo ko sa dibdib nito.
"Kinwento niya lang na hindi mo daw binigyan ni minsan ng pass si Luna." Napangiti na naman ako nang maalala ko ang mga kwento ni Erika kanina.
"Ahh, oo nga ‘no." Anito. He sounded like he just remembered it now. Kung hindi ko pa sasabihin, malamang hindi na nito inisip pa ang bagay na ‘yon.
“Mabait siya atsaka andami niyang nakwento sa akin tungkol sa’yo. Tapos mukhang boto rin siya sa akin para sa’yo. Ayon, kaya nagustuhan ko siya.” Saad ko rito. I quickly went back to our original topic. Ayaw ko nang palawigin pa ang usapan kung tungkol lang rin naman sa ex ni Leo.
"Yon lang?"
Pinalo ko ang braso nitong nakayakap sa akin at sinabing, "Para sa akin, sobrang importante ng approval ng mga taong nakapalibot sa'yo.”
"Hindi mo na sila kailangan intindihin pa. Ako lang ang intindihin mo sapat na. Kaya ewan ko ba bakit ayaw mo pa sabihin na tayo.”
I rolled my eyes and remained silent.
"Alright, alright. Your call. Hindi na ako magpupumilit pa. Dito ka na magdinner, ha?" May bakas ng panunuyo sa tono nito.
"Okay." I answered.
"Wait here a sec." Tumango ako at lumipat sa tabi para makatayo ito. Nagpunta si Leo sa desk nito para gamitin ang intercom.
"I forgot to tell you, every time Xian is here hold all incoming calls, cancel all my meetings, and padala ng dinner, please. Thank you."
Pagkatapos nitong bilinan si Erika ay bumalik na ito sa pwesto nito at itinuloy ang ginagawa nito kanina.
Hinihipan-hipan ni Leo ang batok ko habang ako naman ay nakatingin sa view sa labas. Tanaw pa rin mula sa pwesto namin ang magandang view sa labas ng mall. I love peaceful moments like this.
But that peaceful moment was soon interrupted.
Nasa ganoon kaming posisyon ni Leo nang walang pasabing bumukas bigla ang pintuan sa opisina ni Leo. Agad akong tumayo sa sobrang gulat at pagkataranta. While Leo just remained seated, lazily sitting on the sofa.
Sinulyapan lang nito ang bagong dating at pagkatapos ay hinila na ako pabalik sa dating pwesto ko.