(Cara)
"Patz?,"tawag ko sa ama kung malapit lang sa tabi ko na nagwawalis sa maliit naming sala.
"Bakit nak,"mabilis naman niyang tugon na habang nasa gawain pa rin ang attensyon.
"Siguro maganda talaga iyong totoong may-ari ng mga matang ito ano?" Bigla kung naisipang itanong sa kanya na parang temang na minamasdan ko ang sariling mukha sa salamin.
"Oo naman,"masigla nitong sagot.Saglit muna itong huminto sa ginagawa. "Alam mo ba ang sabi ng mga doctor nang sinabi ng mga ito ang isang good news na iyon sa amin?Ikaw na raw ang pinakamaswerteng tao ang nabigyan ng ganoong pagkakataon.Malaking karangalan daw na sayo napunta ang mga matang iyan."
"Bakit kaya iyon nasabi ng mga doctor Patz?,"kunot noo akong napa-isip."Siguro dating sikat na artista siya tapos natigil lang dahil nagkasakit.Pero hindi po ba kayo nabigyan ng pagkakataon na makita man lang siya?"Curious pa rin ako na para bang malaking pala-isipan na hanggang ngayon ay hindi pa rin masagot-sagot.
"Hindi na nak eh,ang sabi kasi nila pumanaw na raw siya bago ang schedule ng operasyon mo."
Bigla na lang akong nalungkot sa narinig na hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.
"Sayang naman,"bigla akong napahinga nang malalim."Hindi ko man lang nagawang magpasalamat sa kanya,"malungkot kung sabi sabay yakap sa likod ng ama ko. "Siguro guardian angel ko iyon Patz,dahil hindi niya ako pinabayaan na hindi na muling makakita ng liwanag.
Noong nasa high school kasi ako ay aksidenteng nabangga ang school bus na sundo namin.Lasing daw ang driver kaya nabangga kami sa isang poste sa daan.Dahil malapit ako sa bintana ng bus,ang mata ko ang napuruhan dahil napasukan ng maliliit na bubug na mula sa bintana ng bus.Masyado siyang na damage kaya kinakailangan namin ng isang may busilak na puso na donor.At salamat kay Papa Jesus dahil binigyan naman kami.
Iyon nga lang halos lumubog naman kami sa utang dahil sa nangyari.Wala naman kasing permanenteng trabahao si Patz at maliit pa ang sahod noon ng mga teacher.
Kaya minsan gusto kung isipin na kaya mabigat ang dugo sa akin ni ermat dahil na rin iyon sa nangyaring aksidente.Lahat ng ipon meron silang dalawa ay sa hospital bill ko napunta.
Pero move on na tayo doon,nakaraan na iyon eh.
By the way Linggo po ngayon kaya day off ko at parang nasa ulap ang pakiramdam ko ngayon dahil kahit isang araw lang.Mapahinga ko naman ang mata ko sa kakatingin sa demonyong amo ko.Tssss!
A moment later... may kumatok sa pintuan at hindi ko na kailangang hulaan dahil alam ko naman kung sino iyon.Malamang si biik na naman iyon,dito na naman iyon makikain ng agahan.Tamad din kasi iyan minsan,nirarason lang na malungkot kumain kapag mag-isa.Tsssh.Kwento mo sa pagong!!Sakaling maniwala.
"Ang aga mo naman!,"singhal ko kaagad sa kanya kahit kakabukas ko lang ng pinto.
.
.
.
.
.
Pero biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko sa harapan ko mismo.
Hindi ito si biik.How I wish si biik ito....
"Sir?,"gulat na gulat kung sambit tapos kaagad na sinara ang pinto dahil baka makita siya ni Patz.Magka-riot pa!
Pero teka nga bakit naman magka-riot?Hindi naman siya kilala ni Patz! Pero kahit na baka ano na naman ang isipin ng mga ito kaya hindi siya pwedeng makita.
Binuksan ko ulit ang pinto at agad-agad ko na siyang tinulak papalayo sa pintuan ng bahay namin.Pasalamat na lang ako dahil umalis si Mama ngayon dahil may siminar siya.Dahil kung hindi,ewan ko na kung ano saan hahantong ang kwentong ito.
"Ano naman ang ginagawa mo dito?,"singhal ko sa kanya na pilit lang na hinihinaan ang boses.
"Sinusundo ka?,"malakas na pagkakasabi nito kaya kaagad kung tinakpan ang bibig niya sa takot na marinig ng ama ko.Pilit naman niya iyong tinatanggal pero mas lalo ko lang hinihigpitan ang pagtakip sa bibig niya.Bahala na kung ma beast mode na naman siya basta hindi lang siya makita kahit na sino man sa pamilya ko.Not now,not yet and never!
"What the hell!Are you out of your mind?Baka nakakalimutan mo na boss mo pa rin ako and your my slave!,"galit na bulyaw nito pero dahil wala ako sa trabaho ngayon nasa tamang katwiran naman siguro ako.
"Day off ko ngayon kaya hindi mo ako slave sa araw na ito kaya tumigil ka diyan ha?,"palaban kung sabi na mukhang labis na ikinagulat niya.Akala niya siguro basta-basta na lang akong titiklop.Ako pa rin ito noh!Si Cara na sinaktan niya na hanggang ngayon gustong gusto pa rin siyang lunukin ng buhay.
Akala siguro nito na napa-amo na niya ako dahil naging sunod-sunuran ako sa kanya na parang aso.Syempre trabaho lang talaga walang personalan .Ganoon naman talaga kapag nasa trabaho ka,labas na ang personal mong galit sa kanya.
"DAMN YOU b***h!,"galit niyang mura na halos nadagdagan ang paniningkit ng singkit niyang mata.At malamang na para sa akin talaga iyong malulutong niyang mura.
"Ano ba kasi ang ipinunta mo dito?At paano mo naman natuntun ang bahay ko?Stalker ka ba?,"sunod sunod kung tanong na akala mo ay normal na tao lang ang kausap ko. "DAMN you too asshole!,"ganting mura ko din sa kanya ngunit syempre pabulong lang iyon.I still need my job.
"What the heck are you talking about?"Biglang kumunot ang noo nito. "Bakit sino ka ba sa tingin mo na i-stalk ko.For your information your not that pretty para bigyan ko ng oras na tingnan ka.Ano naman tingin mo sa sarili mo?Kasing ganda ni Natalie Portman?The heck!" Humalaklak ito na tila nanunuya.
Lihim naman akong napasimangot.
"Bakit tinanong ko bang maganda ako?The heck rin!"Taas noo kung sagot.Bahala na talaga si Batman.
Mas lalo tuloy siyang nagalit sa pagsagot-sagot ko sa kanya.Pero kahit na may kunting kaba akong naramdaman na baka bigla na lang akong ipatanggal nito bukas ay pilit ko pa ring pinaninindigan ang nangyayari ngayon.Ayoko ko kayang magpatalo sa mismong araw ng day-off ko.Ngayong araw nga lang ako makapagsungit sa kanya,kakabahan pa ako.A big no way!
Huminga ito ng malalim na tila pinapakalma talaga ang sarili.Mukhang malaki talaga ang pangangailangan sa akin.Akalain mong nauna siyang sumuko.Woah!Sinuswerte ka pa rin Cara!
"Well,"mahinahon na nitong sabi."Una, hindi ako stalker mo.Second,wala naman talaga akong balak na puntahan ka or kahit makita ka man lang ngayong araw kung hindi lang dahil may kailangan ako sayo."Sabay ngiti nito ng sapilitan.
Mukhang tama nga na malaki nga ang panganga-ilangan nito sa akin.Pero teka nga,masakit iyong pangalawa niyang sinabi ha!
"Ano naman iyong kailangan mo sa akin?,"taas kilay ko pa ring tanong.
Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.
"Just be my Map!"
"Map?",malakas kung sambit na sinamahan pa ng malakas na tawa. "Sir naman,si Cara po ako hindi si Dora."
Tumawa naman ito ng pagak na kunwari ay natawa sa joke ko pero naging beast mode din naman kaagad.
"Last mo na lang iyan and your dead!"
Nakakatakot niyang banta kaya sumeryoso naman ako ng kunti.Mahirap na ano,nasa kanya pa naman nakasalalay ang future ko.
"Sorry!"Pabulong kung sagot at humugot naman siya ng isang malalim na hinga.
"Hindi ko kasi kabisado ang lugar na ito at hindi rin ako maka-intindi ng bisaya kaya mas ikaw ang kailangan ko kasya kay Eric."Kumibit balikat ito sabay pamulsa sa magkabilang bulsa sa likod ng pantalon nito.
"Bakit,saan ka naman pupunta?,"curious kung tanong ko sabay kamot sa batok ko.Sa totoo lang kasi hindi rin ako magaling sa direction baka maligaw ko pa siya.Kaya gagalingan ko na lang ang pagsisinungaling mamaya.
"Sa Carcar!"Tipid niyang sagot.
"Carcar?,"gulat na gulat kung sambit at hindi ko na namang napigilang tumawa ulit.Kaya isang nakakatakot na tingin tuloy ang ipinukol niya sa akin.
Ano naman kasi ang gagawin niya doon sa Carcar,bibili ng chicharon?
"May bibisitahin lang akong tao doon,"maikling paliwanag niya kaya tumigil na rin ako sa kakatawa.
Pero sino naman kaya ang dadalawin niya doon?Bago niyang girlfriend?Ayoko ko nga,anong naman binabalak niya?Gusto niya akong harap-harapang torturin?No way again!
Umigham muna ako ng mahina para mas kapani-paniwala ang gagawin kung pagsisinungaling sa kanya.Sabi kasi ni Biik ,best talent ko daw toh eh.Kaya patunayan natin.
"Gustong gusto talaga kitang samahan ngayon sir,kaya lang...hindi kasi ako papa-alisin ng tatay ko sa bahay kapag Sunday,"umpisa ng kasinungalingan ko na sana naman ay makalusot.
"Eh,di kakausapin ko iyong Tatay mo.Ako mismo ang magpapa-alam para sayo,"at aakma na sanang lalapit sa pinto namin kaya kaagad ko siyang hinila pabalik ulit.I drag him na sobrang malayo talaga sa pinto.Mukhang palpak ang napili kung palusot.Si biik talaga ang may kasalanan.
Ano na naman kaya ang isisinungaling ko sa kanya.Nagpapanic kung tanong sa isipan ko habang hila-hila pa rin siya palayo.Dahil wala akong maisip na kasinungalingan ay naisipan kung pumayag na lang.The end of the story.Wala naman kasi akong magagawa.Mukhang malabo naman kasing oobra ang inborn talent ko sa kanya.
"Sige na,sasamahan na kita.Basta dito ka lang maghihintay at huwag na huwag kang aalis.Maliligo lang ako at magpapa-alam, okey?,"parang bata na pinagbibilinan ko ito at ilang beses ko pa talagang inulit .Tapos bigla siyang napatingin sa kamay ko na nakahawak pa rin sa kamay niya.Nagholding hands pala kami kaya kaagad na binitiwan ko iyon na parang napaso.
At tuluyan ng iniwan siya,bigla kasing bumilis ang pintig ng puso ko sa nangyaring iyon.Umalis na ako baka madinig niya pa ang pagtambol nito.Mapapahiya na naman ako.
"Patz?Aalis nga pala ako ngayon.May lakad pala kami ni biik,importante." Mabilis na paalam ko sa tatay ko.
"Paano na si Bunso?"
Ay oo nga pala,ako pala ang magbabantay kay bunso ngayon dahil pupunta na sa tindahan niya mamaya si erpat.
"Dadalhin ko na lang po,"nagpapanic kung sabi.
"Okey!"Kibit balikat na sagot ni erpatz
"Ay hindi pala pwede!,"biglang sabi ko.
At tuluyan na akong tumakbo papasok sa banyo para maligo.Naiwan namang naguguluhan ang ama ko sa ikinikilos ko.Ni hindi na nito nagawa pang magtanong.Naguguluhang nakatingin lang ito sa akin na tila nagpapanic ang kilos.Iyong tila estudyanteng malapit nang ma-late sa flag ceremony.
After25 minutes pinuntahan ko na siya sa pinag-iwanan ko sa kanya.
"Ang tagal mo naman,"maktol niyang sabi pero hindi ko na lang pinansin.At tuloy lang ang lakad sa pinagparkingan ng kotse niya.