bc

My Grumpy Ex

book_age16+
4.6K
FOLLOW
13.1K
READ
pregnant
brave
self-improved
boss
comedy
sweet
city
first love
lies
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Cara Santos is a graduate of hotel and restaurant management pero sa tatlong taon niya after maka-graduate ay wala pa rin siyang mahanap na permanent na trabaho.Ilang hotels na rin ang napasukan niya pero lagi siyang napapa-alis dahil sa hindi rin niya malamang dahilan.

Until one day nagkaroon ng hiring sa isang sikat na hotel na pinagtatrabahuan ng bestfriend niyang si Annie at maswerte naman siyang nakuha.Knowing na ang hotel na pagtatrabahuan niya ay pag-aari pala ng ex niyang si Dylan Caleb Lopez.Isang mayaman at gwapo ngunit kinasusuklaman niyang ex.

Magkakaroon pa kaya sila ng second chance or they just both give up each other?

chap-preview
Free preview
My Grumpy Ex Chapter 1
Prologue (Cara's POV) "Let's break up!,"malamig niyang sabi na malinaw talaga sa pandinig ko kahit gaano man ka lakas ang buhos ng ulan sa labas ng kotse niya.Hindi ako naka-imik na tila namanhid ang dila ko."Are you deaf?,"singhal niya pa na tila naiinis dahil tahimik lang akong nakatingin sa labas.Nag-iisip kung panaginip ba itong nangyayari sa akin ngayon dahil gusto ko munang magising. "Why?,"kalmante kung tanong sa namamaos na tono. "Simple lang naman,ayoko na sayo.Hindi ka ganoon ka ganda para kabaliwan ng isang katulad ko.For me,isa ka lang naman doon sa mga babaeng humahangad sa akin na binigyan ko ng pagkakataon na mapansin ko.Dapat nga siguro magpasalamat ka pa sa akin,"mayabang nitong sabi saka tumawa na tila nang-uuyam. "I really dont need you anymore,babe!" Natawa ako ng mapakla sa narinig mula sa kanya hanggang sa hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas.Iyong tawa na tila nang-iinsulto rin sa kanya.Kaya tiim bagang nito akong tiningnan at matapang kung sinalubong iyon. "Are you crazy?,"parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.Nasanay siguro ito na pagkatapos niyang makipag-break magmamakaawa sa kanya ang babae.No way!Magkaroon man ng death penalty! "Im not,Mr. psychopath na playboy!Lalaking kulang sa pansin kaya lumaking magaspang ang ugali,"sabay ngisi para mas lalo lang itong mainis. "You b*tch!,"mura niya sa akin dala siguro ng matindi niyang galit pero hindi ako nagpatinag.Ito nga iyong gusto ko.Ang mas lalo lang siyang galitin.I wont just simply walk away without trying to fight back. "Of course,lahat naman ng mga babaeng madidikit sayo nagiging bitch.Nahawa sa katarantaduhan mo!,"nanunuya kung sabi.Pasensya na siya dahil labanan na ito ng dignidad kaya kahit anong mangyari hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya. Napangisi din ito saka tumingin sa akin na tila nang-iinsulto rin. "You really a b*tch!Not a high class b***h but a cheap one.Sa 20,000 na binayad ko sayo,nagawa mo nang makuntinto kaagad?Tsk!" Parang bigla akong nawalan ng tapang sa sinabi niyang iyon.Dahil mukhang tama naman siya,nasilaw kaagad ako sa maliit na halagang iyon para sa kanya. "Maliit nga sayo iyon pero hindi naman kasi ako ganoon ka swapang.To tell you honestly Mr. Playboy,hindi naman talaga kita minahal.Na curious lang ako kung ano meron sayo kung bakit halos lahat ng kababaihan ay gustong mapunta ka sa kanila.Kaya pasensya na dahil hindi ako magmamakaawa sayo sa pagmamahal mo.Hindi ko iyon kailangan lalo na kung galing sa iyo."Matigas kung sabi sabay bukas sa pinto ng kotse niya para lumabas. Hindi ko na inalintana ang malakas na buhos ng ulan.Ang nasa isip ko lang kasi ay ang makalayo na sa lalaking ito.Ang lalaking unang-una kung minahal at pinag-alayan ng lahat. Iyong lalaking akala ko espesyal ako sa kanya pero kagaya lang pala ako ng mga babaeng dumaan sa buhay niya.Tanging libangan niya sa tuwing nababagot siya sa buhay niya. Kaya isinusumpa ko ang araw na ito at ipagdadasal ko talaga na kahit anong mangyari ay sana hindi na kami pagtagpuin pa ng tadhana muli. Naramdaman kung lumabas din ito ng kotse niya at mabilis na naglakad palapit sa akin.Marahas nitong kinuha ang kamay ko at inilagay ang folding na payong. "Sayo na ito at huwag ka ng mag-abala pa na isa-uli sa akin." Tinanggap ko naman ang payong na iyon.Syempre,ayoko namang magkasakit.Wala akong pera para doon.Pero may dapat din akong ibalik sa kanya.Naisip ko ang singsing na ibinigay niya na sabi pa niya sa mama niya pa iyon.Ewan ko lang kung totoo. Humakbang ako palapit sa kanya para sana ibalik ang singsing na iyon ngunit biglang nagbago ang isip ko.Ano naman ang kinalaman ng singsing?Mukhang napakamahal pa naman nito.Hindi ako gagaya sa mga napapanood ko na ibabalik iyon sa nagbigay sa kanila.Dapat kasi doon sinasangla kaagad. Pak!Tunog iyon ng isang malakas na sampal ko sa napakagwapo niyang mukha.Hindi dapat mga gamit ang ibinabalik sa mga taong bigla ka na lang iniwan.Dapat isang masakit na sampal na katumbas ng sakit na pinaramdam niya sayo. Noong una hindi pa ito nakagalaw sa pagkabigla dahil sa sampal ko.Pero ilang segundo lang naman ang lumipas ay nakatingin na siya sa akin na may tumutulong dugo sa bibig niya.Nasobrahan yata sa lakas ang pagkasampal ko.Well,deserve naman niya iyon. Sinalubong ko ang galit na galit niyang titig na tila kung pwede niya akong lunukin sa mga oras na iyon ay malamang nalunok na niya ako kaagad.Pero kahit gaanong tapang pala ang gawin mo basta nasaktan ka.Mauubos rin pala at manghihina ka talaga. "Goodbye,my stupid, masochistic ex!"Hindi ko na napigilang maiyak.Mabilis ko na lang na binuklat ang payong na bigay niya at iniwan na siya without looking him back.Basta isa lang ang natutunan ko na balang araw kung magmamahal man ako ulit ay hindi na sa kagaya niya. Chapter 1 Cara's POV) "Ano?Natanggal ka na naman sa trabaho?Ano ba naman iyan Cara!,"maagang sermon sa akin ng maganda kung ermat(Mama).Mukhang nasira ko na naman ang umaga niya. "Ilang taon ka na bang ganyan palagi?Akala ko dahil naka-graduate ka na makakatulong kana sa mga gastusin dito sa bahay.Hanggang ngayon pala bubuhayin ka pa rin namin ng Papa mo.Ano ba namang buhay toh!" Isa siyang public school teacher sa secondary at Filipino subject ang tinuturuan niya.Dati nasa Maynila kami nakatira pero dahil sa isang malaking kontrobersiya na nangyari ay nalipat kami ng Cebu.Kaya dito na ako nakapagtapos ng college. Si ermat iyong taga-cebu talaga at si erpat naman iyong taga-Maynila. "Honeypie naman,ang puso mo!,"awat sa kanya ni Papa sabay kindat sa akin.Mabuti na lang hindi iyon nakita ni ermats dahil kung nagkataon.Siguradong may malaking giyera na naman na magaganap.Aawayin na naman nito si erpat dahil kaya daw lumalaki ang ulo ko dahil kinukunsinti niya ako.Well,talagang ganoon lang talaga ang erpats ko.Laging sa akin kumakampi kaya mas close ako sa kanya noon pa man kaysa kay mama. Isa lang man siyang simpleng tao at may simpleng pangarap sa buhay.Kaya nga sa sobrang simple niyang tao naging simple rin ang trabaho niya. Tagapag-alaga sa nag-iisa kung kapatid na si Randy ,apat na taon pa lang ang edad.Pero biro lang po iyon! May trabaho naman po siya maliban diyan.May maliit itong pwesto sa isang mercado na medyo may kalapitan din sa bahay namin.Nagtitinda ito ng mga gulay at prutas sa umaga at naglalako naman ng balot sa gabi.Ganoon po siya ka sipag. "Sinasabi ko naman kasi sayo noon pa na mag-teacher ka na lang.Pero iyang kurso mo pa rin talaga ang ipinilit mo na wala ka namang napala.Hanggang ngayon palipat-lipat ka pa rin.Parang kulang na lang ma-ubos mo na lahat ng hotel dito sa Pilipinas bago ka maging permanente."patuloy pa ring sermon niya na pilit ko ring pinapalabas sa kabila kung tenga. Hay ewan ko na lang ba sa ermat kung toh!Lagi pa ring binabalik ang mga lumang issue na nakabaon na 4 years ago pa.Lagi na lang pinag-iinitan ang kurso ko kasi dapat daw naging kagaya na lang niya ako.Pero wala talaga sa bukabularyo ko ang ganoon. Una kasing dahilan,hindi ako masipag mag-aral.Pangalawa,madaling uminit ang ulo ko kaya hindi ako pwede sa mga pasaway na estudyante.Makapatay pa ako pag-nagkataon.Pangatlo,ilang taon na akong nagkandakuba sa pag-aaral tapos sa paaralan pa rin ang bagsak ko.Pang-apat,kapag teacher ka hindi mo rin maiwasan na mapapabayaan mo ang pamilya mo.Dahil mas natuturuan mo pa ng mabuti ang mga estudyante mo kaysa sa sarili mong mga anak.Mas kilala mo pa sila kaysa sa mga anak mo pati nga favorite color nila alam mo.Pero iyong sa anak mo?May alam ka ba?Siguro iyong iba pero sa ermat ko,walang alam iyon tungkol sa akin.Ni minsan nga pati birthday ko makakalimutan na niya eh.Ang lungkot naman noh? "Huwag po kayong mag-alala,maghahanap na ako ng trabaho bukas mismo,"nakasimangot kung sabi.Mukhang tenga ko lang iyong mabubusog ngayong umaga,nawalan na ako ng ganang kumain eh. "Tapos?Pagkalipas ng ilang buwan,maghahanap ka na naman ulit,"supalpal na naman niya sa akin.Ayaw niya talaga akong tantanan. "Ma naman,"ingos ko na naiirita na rin. "Alam ko pong ampon ako kaya huwag nyo naman po akong i-down ng ganito,"hindi na ako nakapagtimpi ng inis ko.Nakaka-irita na kasi. "Aba'y empaktang anak toh!,"galit niyang singhal sabay batok sa ulo ko. "Kung ampon ka lang malamang matagal na kitang pinalayas.Pasalamat ka dahil galing ka mismo sa akin.Hay,ewan ko ba sayo kung saan ka nagmana." "Honeypie naman!,"awat ulit ni Papa. "Subukan muna kasi nating intindihin ang sitwasyon ng anak natin.Kahit naman sinong tao kung iinsultuhin ng ganoon.Malamang iinit din ang ulo at ipagtatanggol ang sarili." Pagtatanggol ni Papa sa akin na sinabayan pa ng kindat ulit.Gumanti naman ako ng thumbs up sa kanya saka ngumiti. Kung laging mainit ang ulo ni ermat sa akin kabaliktaran naman sa erpat ko.Siya iyong tinuturing kung superman ng buhay ko at my forever favorite bff.Siya iyong tipo ng tao na kaya mong sabihin ang lahat kahit gaano pa man iyon ka komplikado dahil susubukan niya pa rin iyon na intindihin. "I love you!,"mahina kung sabi sa kanya at nag-finger heart gesture.Nahuli ito ni ermat kaya mas lalong naga-laiti ito sa galit sa aming dalawa.Feeling kasi nito parang tinuturing na lang namin na joke ang mga sinasabi niya. "Iyan!Diyan kayong magaling na mag-ama.Ewan ko sa inyo,magsama nga kayo,"at padabog na nitong kinuha ang mga gamit niya sa pagtuturo at tuluyan ng umalis ng bahay. Ni hindi na nito nagawang magba-bye man lang kay Randy.Tiyak kawawa na naman ang mga estudyante niya sa kanya mamaya.Katakot-takot na surprise quiz na naman ang ibibigay niya dito. "Masanay ka na doon sa Mama mo,nak!,"ani ni erpat at naupo na sa katabi kung silya sa hapag kainan. "Ganoon lang talaga iyon kapag malapit na ang bayaran ng kuryente at tubig." Pagbibiro niya. "Sanay na po ako doon,"mahina kung tugon at itinuloy na din ang pagkain. "Tulog pa rin po ba si Randy?" "Malamang,mamaya pa iyon magigising kaya ikaw muna ang bahala sa kanya ngayong araw.Alam mo na,kakayod ng husto ang gwapo mong ama,"masigla niyang sabi habang binibilisan na ang pagkain. Minsannalulungkot din naman ako sa sitwasyon naming magpamilya.Para kaming mgamanok,isang kahig isang tuka.Kailangang magtrabaho ng husto para makakain.Niminsan din sa buhay ko hindi ko rin nakita na binagalan ng erpat ko ang pagkainniya.Lagi itong mabilis dahil may hinahabol na oras.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.9K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook