Chapter 2

1219 Words
(Cara's Pov) After sa halos mahigit anim na oras na paghihintay sa interview ay sa wakas natapos na din ako.Kaagad na akong lumabas ng building na iyon.Grabe ang laki pala ng hotel na ito sa malapitan.Sana dito na ako swertehin!Iyon iyong panalangin ko kanina ng mapadaan ako ng simbahan. Malaya kung nilanghap ang hangin pagkalabas ko mismo.Para kasing may naamoy na akong panibagong pagbabago na magaganap sa buhay ko.Masyado ko kayang ginalingan kanina ang interview.Kahit na mas nakakatakot ang nag-iinterview sa amin kaysa sa ermat ko.Idadag mo pa iyong binigay nilang test na mas malupit pa sa isang board exam. "Pangit!,"tiling sigaw ni Annie.And speaking of her,siya lang naman po ang kaisa-isa kung kaibigan sa buong buhay ko.Annie Solis po ang buong pangalan niya at hindi naman siya mataba.Iyon iyong pinapaniwalaan niya.Kaya hinayaan ko na,ang sweet kung friend ano?Magkaibigan na kami simula noong nag-kinder kami hanggang ngayon.Kaya nga sa sobrang kapit-tuko naming dalawa na parang ayaw ng mawalay sa isat-isa ay lumipat din ito ng Cebu pagka-graduate niya mismo.Dito na siya naghanap ng trabaho kahit na tutol ang mga magulang niya. Hay ewan ko na lang sa biik na ito kung makatili akala mo naman ang tagal naming hindi nagkita,eh parang kanina lang magkasama kami.Tumatakbo pa ito papunta sa akin.Tsk! Parang hindi dalaga,mukhang katawan niya lang ang nagmamature ang isip hindi. Kung gaano man ako ka malas sa isang trabaho ganoon naman ito ka swerte.Siya iyong tipo ng tao na parang nagiging madali lang ang lahat sa kanya.Iyong parang nang umulan ng swerte natulog ako at siya nakasalo ng parte ko sana. Siguro isa din sa dahilan dahil mabait ito na bata sa mga magulang niya.Hindi ito sumasagot kagaya ko.Kaya siguro ako pinaparusahan.Ouch! "Kamusta ang interview?,"excited niyang tanong kaagad ng nasa harapan ko na siya.Pinulupot nito ang kamay niya sa braso ko saka sabay na kaming naglakad. "Okey lang naman,"walang gana kung sagot. "Anong okey lang?Ano pa ba iyong sinabi nila?,"pangungulit nito na niyuyugyog pa ang kabilang balikat ko. "Ano ba,"saway ko sa kanya dahil medyo nasasaktan na ako.At isa pa medyo nasa bad mood na ako ngayon,red tide kasi. Pinipilit ko lang na kalimutan muna dahil may interview ako.Kinakailangan kung magfocus dahil para ito sa future ng napaka-cute kung kapatid na si Randy. Sa lahat kasi ng araw na pwede akong madatnan bakit ngayon pa na may important event ako. "Tatawagan lang daw nila ako within this week,"sagot ko para na rin matigil na ang pangungulit niya. Tapos bigla akong napahinto sa paghakbang at paharap siyang tiningnan.Para kasing may tumutunog sa parte ng katawan ko. "Pangit na biik ko!Manglibre ka naman,"nakasimangot na ingos ko sabay hawak sa gutom kung tiyan.Sa sobrang inis kasi ni ermat sa akin kanina ni pamasahe ay hindi man lang ako binigyan.Mahal na mahal niya po kasi ako kaya ganoon siguro. "Tsk!,"biglang palatak niya. "Totoo ngang naghihirap ka na!Nag-away na naman ba kayo ni Tita?" "Malamang,kailan ba ako yumaman?,"pagbibiro ko. "At iyong kay ermatz?Naku,wala ng pag-asa na maging bff pa kami non.Hinding-hindi mauubos ang inis non sa akin." "Lambingin mo naman kasi minsan,"sabi niya sabay hila sa akin sa isang napakalapit na fast food chain.Pagkapasok namin ay kaagad na kaming pumila. "Sana matanggap kana kaagad para naman magkasama na tayo ulit,"paglalambing niya na hindi pa rin ina-alis ang nakapulupot niyang kamay sa braso ko. "Sana nga lang,para titigil na si erpat sa paglalako ng balot tuwing gabi,"malungkot kung sambit. "Pero kwentuhan mo naman ako tungkol sa hotel nyo."Pag-iiba ko ng topic. "Sureness my dear!,"excited niyang sagot na umigham muna bago magsalita muli. "Unang-una,plastic karamihan sa mga tao doon lalo na iyong mga mukhang bossy ang pagmumukha.Iyong makapal pa ang make-up nila sa taba ko.Kaya huwag na huwag kang magtitiwala sa isa sa mga iyon kung gusto mong magtagal.Lagi mo iyang tatandaan,nag-iisa ko iyang sandata kaya nakatagal ako doon." "Tungkol sa hotel ang tinatanong ko,hindi ang mga tao doon biik,"pagtutuwid ko sa kanya.Umigham ulit ito saka nagsalita ulit. "Sa totoo lang maganda naman magtrabaho sa hotel na iyon.Maganda ang sahod at may mga benefits ka namang makukuha.Pero isa lang iyong iingatan mo sa lahat,ang makasalubong ang may-ari." "At bakit naman?,"natatakot kung tanong. "Kumakain ba siya ng tao?" "Depende kung type ka niya beshie,"aniya na tila nang-aasar pa. "So,totoo nga?,"paglilinaw ko.Alam kung hindi iyon nag-eexist ang ganoong nilalang,naninigurado lang naman. "Sira!Iwasan mo iyong may-ari dahil kung takot na takot ka sa pagmumukha ni Voldemort,mas matatakot ka sa taong iyon.Ubod daw iyong ng suplado." "Bakit?Wala din ba siyang kilay at wierd din ang butas ng ilong niya?,"curious kung tanong. "Sira!Hindi iyon ang ibig kung sabihin,matanda na kasi iyon.Wala pang lovelife dahil maagang nawala ang asawa.Grabe kung makasigaw iyon lalo na kung galit na galit.Pakiramdam mo lumilindol ang buong building sa laki ng boses niya.Pero huwag kang mag-alala dahil once in the blue moon lang naman iyon kung pupunta dito sa Cebu.Mas mahal niya ang hotel niya doon sa Maynila." "Okey,"kibit balikat kung sabi.Pansamantala muna itong tumahimik dahil umu-order kami. "Pero mas dapat nating paghandaan ang pagdating ng nag-iisa niyang anak na galing sa america.Ayon sa sabi-sabi mas tyrant pa daw ang ugali non kaysa sa ama niya.Ni hindi marunong ngumiti at nakakatakot tumingin.Balita ko pa nga dito siya sa Cebu magstay dahil siya ang magmamanage dito.Kaya nga sila naghiring ngayon dahil paghandaan nila ang pagdating ng anak ng big boss." "Yah!Tao ba iyong may-ari ng Hotel na pinagtatrabahuan mo or mga halimaw?,"pabiro kung tanong saka naupo na kami sa isang bakanteng mesa. "Oo mga halimaw po sila,"pabiro niya ding sagot at nagtawanan lang kami. "Pero infairness doon sa anak ni big boss.Ang sabi-sabi ubod daw iyon ng gwapo kahit na medyo magaspang ang ugali." "Gwapo na suplado?,"anang isipan ko.Bigla ko na naman siya naalala.Whatever!Nailibing ko na siya kaya bawal ng hukayin! "Panakot ba iyang mga kinukwento mo sa akin or warning?" "Hindi ah,binabalaan na kita ngayon na mismo.Mas mabuti na iyong may idea ka sa lakaran ng trabaho doon.Lalo na't alam kung matatanggap ka naman." "Paano mo naman nasabi iyon?Huwag ka nga munang magbilang ng sisiw hanggat hindi pa nangingitlog ang manok." "Sigurado na ako doon noh!Hindi mo alam kung anong klaseng pagpapacute ang ginawa ko sa bakla naming HR para mapasok ka lang sa...."Natigilan ito bigla dahil parang nadulas ang dila nito.Biglang napa-tutup ito sa bibig niya. Isang makahulugang titig naman ang binigay ko sa kanya.Isa talaga ito sa mga nagustuhan ko din sa kanya.Hindi ito magaling sa pagsisinungaling dahil laging nadudulas ang dila niya.Ganoon siguro pagmadaldal ang isang tao.Sa bibig laging nahuhuli. "Ganito kasi iyon beshie!Ayoko naman talaga sabihin sayo toh dahil baka mawalan na ng excitement ang pagkatanggap mo.Ang gusto ko lang naman ay magkasama na tayo habang nagtatrabaho kaya may kunting pandadaya lang akong ginawa para makapasok ka sa mga tatanggapin nila." Parang maamong tupa na paliwanag niya. "Magkakatrabaho nga ako pero magmumukhang dinaya ko ang lahat ng pinaghirapan ko kanina."Nakasimangot kung sabi sa kanya. "Pero ngumiti ka na diyan dahil hindi naman ako galit." Kaagad namang ngumiti ang loka-loka.Tsk! "Anong dinaya!Tumigil ka nga diyan kahit naman hindi ako tumulong alam kung makakapasok ka naman.Ang ginawa ko lang naman pinabilis ko lang na matanggap ka.Kaya huwag kang echusera diyan.Trabaho ang hanap natin kaya huwag na tayong magpakabanal." Seryosong sabi niya sabay abot sa akin ng tinidor para kumain na kami. Kunsabagay may point naman siya.Doblehin ko na lang sipag ko pagnatanggap na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD