Nag-impake na kami ng gamit, nasabi ko rin naman kila nanay na uuwi ako at sobra ang saya nila. Magluluto daw sila ng kakanin, swak dahil paborito ko talaga ang mga iyon. Si lolo ay walang kibo pero alam kong gagawin lang niya ito para sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya para mawala ang tension na kaniyang nararamdaman. Matapos ng ilang oras na byahe ay nakarating din kami. Ako ang unang bumaba at bigla sinalubong ako ng yakap ni Carmina. “Nayyyy! Andito na sila…” natigilan siya noong makita si lolo. “Sino siya ate?” nag-aalinlangan niyang tanong sa akin. Hindi na ako nakasagot pa dahil lumabas na rin sina nanay at tatay na gulat nopong makita ako, kasama si lolo. Akala ko ay may galit pa rin sila pero nagulat ako noong yakapin ni nanay si lolo habang umiiyak. “Papa, miss na miss kita

