bc

She's my Fatty Girl

book_age18+
1.6K
FOLLOW
8.5K
READ
billionaire
heir/heiress
comedy
twisted
humorous
brilliant
friendship
chubby
passionate
like
intro-logo
Blurb

Gaano nga ba kahalaga ang pisikal na anyo ng tao upang irespeto at mahalin bilang tao?

Ako si Patricia, ang babaeng pinagkaitan ng mundo upang maging masaya. Mula ulo hanggang paa, itinuturing na salot sa mata ng mga mapanghusga.

Kaya't sa aking pagbabalik, sinisigurado ko na ang lahat ay magugulat sapagkat ang inaapi ay isang tagapagmana ng lupa na kanilang kinatatayuan— ang lugar na pagmamay-ari ng aming pamilya.

Ang swerte ay dumarating ngunit sa pag-ibig, hanggang saan ko kayang ibigay ang pusong kong may nagmamay-ari na ng iba?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PATRICIA POV   FOOD IS LIFE!   Sa lahat ng nababasa ko sa f******k, ito ang pinakamabenta sa akin. Yung tipong ang daming nagpopost ng mga pagkain at makikita ko na lang ang sarili kong nasa tapat ng restaurant para umorder sa lahat ng nasa menu nila.   Ako sa Patricia Lorenzo a.k.a Pat na talagang bagay sa katawan ko yung pangalang ibinigay sa akin. Bukod kasi sa tatlong patong na bilbil ay sumasabay din yung braso at binti kong ayaw magpahuli.   “Fatty!” tawag ng mga kaklase ko noong makita akong parating.   Literal na fatty ang tawag sa akin ng bastos nilang mga bibig. Hindi ko na lamang pinansin pa at nagtuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ng room.   Unang tapak ko pa lang papasok, parang pang-isang daang boses ko na sinusumpa ang lugar na ito.   Sino ba naman ang hindi sasama nag loob kung masyado nilang ipinamumukha sa akin na hindi ako kasya sa mga upuang nandito?   Alam ko namang mataba ako pero sana, konting respeto naman kasi naiistess na ang mga bilbil ko na ipagsiksikan sila sa upuang wala pa sa kalahati ang kasya.   “Opppss sorry fatty, hindi pa gawa yung upuang sinira mo kahapon,” Asar ni Thea na akala mo perpektong estudyante pero lahat ng lalaki ay nilalandi.   Lumapit ako sa kanya at tahasan siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Tumaas naman ang kilay nito dahil sa ginawa ko.   “Naging famous ka lang naman dahil sa scandal mo. Oppps! By the way, ang ganda ng performance mo doon,” balik kong asar sa kanya at sa sahig na lang ako naupo.   Umalingawngaw ang malakas na tawanan sa room at ako itong nag-earphone na lang para hindi sila marinig. Hindi nagtagal, nandito na naman si Thea sa harap ko para sumugod.   Hindi pa rin nagbabago ang emosyon ko at tinignan lang siya.   “A-anong sabi mong baboy ka?” gigil nitong bulyaw sa akin. Inis kong inalis yung earphone sa tainga ko at tumayo noong sinipa niya yung bag ko. “sorry ah, napanood ko scandal mo. Don’t worry walang video, pinanood ko lang kayo ng on live,” dagdag ko pa at isang sampal mula sa kanya ang nasalo ng mukha ko. Lumapit ang mga alagad niyang mukhang model ng make up, halos lahat yata ng uri ng inilalagay sa mukha ay mayroon sila kaya ayun, mukha sila make up artist ng funeral. Hindi ako makaganti sa kanila dahil isa lang akong ganap na scholar ng school. Walang pangtustos ang mga magulang ko sa probinsiya at pangararap ko talaga na makapag-aral dito sa sikat ng eskwelahan ng Academia National Academy kaya lumuwas akong Maynila at nakapasa ng exam. Kung alam ko lang na Zoo pala ang pinasukan ko edi sana, nagback out na lang ako agad. Nasa kontrata kasi ng pinirmahan ko, kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko rito hanggang tumungtong ng kolehiyo. Dati nababasa ko sa w*****d ang hell University kaya napaisip tuloy ako, hindi kaya ito yung tinutukoy nilang eskwelahan sa kuwento? Bago ko pa man suntukin ang mga namumulang nguso ng mga itong akala mo namamaga sa kapal ng lipstick ay dumating na si Sir Samaniego kaya binigyan pa ako ni Thea ng “hindi pa tayo tapos look” bago bumalik sa upuan nila. Mabuti na lamang at hindi ko sila kaklase sa huling subject dahil napunta ako sa irregular class. Bago pa man ako lumabas ng room, nagpabaon pa sila ng itlog at isa-isang hinagis sa akin. Sinaway sila ng kanilang susunod na gurong si Mrs. Villanueva kaya hindi na ako nakaganti pa. Hindi ako pwede pumasok sa susunod kong klase na malansa ang amoy dahil sa itlog. Wala pa man din akong baon na extrang damit. Habang naglalakad ako, bakas sa mukha ng mga estudyante na nandidiri sa itsura at amoy ko. Nakakainis lang talaga kung bakit paulit-ulit na nilang ginagawa, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay? Palagi ko na lamang nakikita ang sarili kong umiiyak dahil palaging talunan. Maya-maya pa ay may naramdaman na lamang akong may nagtalukbong sa akin ng payong. Parang tumigil ang mundo noong makita ko siya. Nananaginip ba ako? Parang siya na ang hinihintay kong prince charming. “Umuulan hindi ka pa umuuwi, baka magkasakit ka niyan,” nag-aalala niyang tanong. Tuluyan na lamang akong naestatwa dahil sa susunod niyang ginawa. Pinahawak niya sa akin yung payong at hinubad niya yung jacket na suot. “H-hindi na,” pagtanggi ko sa ginawa niya. Tumawa naman ito noong maintindihan ang ibig kong sabihin. Mukhang medium ang size niya at talagang hindi kasya dahil triple XL ang size ko. Tumayo na ako at ibinigay sa kanya yung payong bagamat ayaw naman niyang kuhanin. “Ihahatid na kita,” Hindi na ako nakatanggi pa at nagsimula na kaming maglakad. “Sa Academia ka pala nag-aaral,” pag-iiba niya ng usapan. “Ah-o-oo,” utal ko namang sagot. Sa Sagrada Coste Academy pala siya, hindi gano’n kalapit ang eskwelahan niya ngunit palagi raw siya nadadaan dito pauwi. “Ako nga pala si Timothy, Timothy Sebastian,” pagpapakilala niya at inilahad ang kamay. “Patricia Lorenzo, Pat na lang for short,” saad ko naman at inabot ang kamay niya. Sa haba ng kwentuhan namin, hindi ko na napansing nandito na pala kami sa bahay ni Tiya Marie, sa ngayon ay dito muna ako tumutuloy hangga't wala pa akong pambayad sa boarding house. “Salamat sa paghatid,” ani ko sa kanya at ngumiti naman ito. Nakita ko si Tiya Marie kaya’t agad ko na rin pinaalis si Timothy. Nagtanong pa siya kung puwede ba kaming sabay pumasok. Hindi naman siguro masama kaya pumayag ako dahil sa kakulitan na rin siguro niya. Hiningi niya yung number ko kaso lang ay nakakahiyang ilabas ang cellphone kong mukhang galing pa sa sinaunang panahon. Sinabi ko na lang na sira at hindi naman na siya nagtanong pa. Pumasok na ako sa loob noong makita siyang nakaalis. Pagbukas ko pa lamang ng pinto, si Tiya Marie na agad ang bumungad sa akin. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago pumasok ng kuwarto at magpalit ng damit. Sa tuwing umuuwi ako, bakas sa mukha ni Tiya ang pag-aalala dahil walang araw na hindi ako umuuwing hindi madumi ang damit at wala naman na bago roon, ang pinagkaiba lang ngayon ay masaya ako. ***** “Oh bakit tulala ka?” tanong ni Tiya Marie. Doon na lang ako nabalik sa ulirat, kanina ko pa pala tinititigan yung kutsara habang nakangiti. Umiling na lamang ako kay Tiya at nagsimula na akong kumain. Matapos namin ay tinulungan ko na siya magligpit at maghugas ng plato. Hindi nagka-anak si Tiya dahil may sakit ito sa matres at ang nag-iisa nilang anak ay natagpuan na kasamang nakitang bangkay noong masunog ang pagawaan ng makinarya malapit sa eskwelahan kaya nagdulot ito ng sobrang kalungkutan sa kanila. Si Tiyo Joselito naman ay na sa construction sa kabilang baryo kaya pagabi na rin kung makauwi. Noong malaman nilang luluwas ako rito sa Maynila, grabe ang saya nila dahil kahit papaano, may tao rito sa bahay na makakasama ni Tiya. “Tumawag nga pala ang mama mo,” wika ni Tiya habang gumagawa ng iyelo. Nawala ang sayang nararamdaman ko noong maalala ko ang pamilyang naiwanan ko sa probinsiya. Pitong buwan na kasi simula noong lumuwas ako at bihira ko na lang din sila kung makausap. Namimiss ko na talaga sila ngunit wala akong magagawa kung hindi ang magtiis para abutin ang pangarap kong mabigyan sila ng magandang buhay. Agad ko na tinapos ang inuurungan ko at dali-daling humiram ng cellphone kay Tiya para tawagan ang aming kapitbahay, dito nakikitawag sila nanay para makausap ako. “Hello Aling Konching, nandiyan ba si nanay?” paunang bungad ko noong sagutin niya ang tawag ko. “Oo nandito, teka lang at tatawagin ko,” sagot niya. Maya-maya pa, isang boses ang nagsalita at hindi ko na napigilan pang maiyak sa sobrang pananabik na mayakap siya ng personal. “Anak, nandito ka pa ba?” tanong niya. Hindi ako makapagsalita dahil ayaw kong maramdaman niyang umiiyak ako. Pinunasan ko na muna ang mga luhang ayaw magpaawat sa mga mata ko. “Kumusta na kayo riyan ni tatay? Sila Carmina at Angelo, kumusta pag-aaral?” sunod-sunod kong tanong. “Eto anak, ayos naman kami at nakakaraos. Si tatay mo ay hindi makapagsaka at tag-ulan, inaatake ng rayuma,” malungkot naman nitong kuwento. “Kapag nakahanap na ako rito ng trabaho, magpapadala ako riyan,” wika ko naman. Hindi lang naman kasi talaga pag-aaral ang pinunta ko dito. Masyado mahirap ang buhay sa probinsiya, gusto ko sabay-sabay kaming mag-aaral ng mga kapatid ko. “Basta mag-aral ka diyan, alam mo namang iyan lang ang bagay na maipapamana naming sa’yo ng iyong ama. Edukasyon para sa kinabukasan,” paalala niya. Narinig kong hinihingi na ni Aling Konching yung cellphone kaya agad na rin nagpaalam si nanay. Namatay na yung tawag at nakita ako ni Tiya Marie na umiiyak kaya agad niya akong niyakap. Kahit papaano, mahirap man ang buhay dito sa Maynila ay nararamdaman ko pa ring hindi ako nag- iisa.                        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
450.3K
bc

That Professor is my Husband

read
504.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.7K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.8K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook