CHAPTER 2

1762 Words
Panibagong araw, panibagong kalbaryo ang kailangan kong harapin sa delubyong paaralan na pinapasukan ko. Hindi na ako nakakain ng hapunan dahil sa daming asignatura ang ibinibigay ng aming mga guro. Nagluto na lang ako ng torta para ulam sa pananghalian, sandwich, at nagbaon ng tubig para makatipid. Kahit binibigyan ako ni Tiya Marie ng baon ay hindi ko kinukuha lahat, ayaw ko rin kasing maging pabigat sa kanila. Pagkasarado ko pa lamang ng gate, may anghel na agad ang sumalubong sa akin. “Tara na,” aya ni Timothy. May pag-uusap nga pala kami kahapon na sabay papasok. Hindi ko alam kung maniniwala ba akong sa kanya ang sasakyang nakaparada rito. Kakaiba at talaga namang pangmayamang kotse. Kung tutuusin, nasa itsura naman talaga niya kaya hindi na dapat akong magtaka. Binuksan na niya yung pinto ngunit nagdadalawang isip pa rin ako kung sasakay ba ‘ko talaga. Hinitak na lang niya ako noong mapansin na ayaw ko, hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Habang na sa sasakyan kami, walang kumikibo. Marahan akong pumikit para damhin ang musika kahit reggae pa ang tunog ay ayos lang, kinikilig pa rin ako. Hindi ko napansin nandito na pala kami kaya nagpaalam na rin ako sa kanya. Ngumiti ito bago umalis kaya pumasok na rin ako sa aming literal na hell academy. Pumunta muna ako ng library para ibalik ang mga librong nahiram ko. Bigla na lang umakbay sa akin si Akesha, isa siya sa mga palaging nagtatanggol sa akin dito. Naging magkaibigan kami dahil marami kaming pagkakamukha sa isa’t-isa. Kilala siya rito dahil siya ang isa sa mga hinahangaan. Hindi maiiwasan na kainisan siya ng mga feeling hari at reyna dito akala mo may-ari ng school. “Papasok ka na?” tanong niya. “Oo,” sagot ko at nagpaalam na. Sa totoo lang, siya lang ang kilala kong mabait dito. Bukod kasi sa pagiging mabait, maganda pa at syempre, matalino. Agad niya kinuha ang mga gamit niya at sabay na raw kaming pumasok. Nagkuwento siya sa mga nangyayari noong nakaraang araw sa kanyang buhay pag-ibig. Kung minsan, hindi ko rin maiwasang mainggit na sana maranasan ko rin maging katulad niya. Walang araw na hindi sa kanya napapatingin ang mga estudyante at napapayuko na lang ako, kapag kasi sa akin na sila natitingin ay tumataas na mga kilay nito. Pumasok na ako ng room. Tulad ng inaasahan, nandito na rin yung mga banal na aso kong mga kaklase sa pamumuno ni Thea. Asar pa rin ito sa akin kaya lang ay walang magawa dahil may guro na. Ayos na ang upuan kaya nakahinga ako ng maluwag at hindi ako sa sahig sasalampak. Nagsimula na magturo si Ms. Dela Cruz at may isang guro ang tinawag siya. Pagkalabas ay nagsimula na naman mag-ingay ang mga nandito. Hindi na ako magtataka dahil nagsimula na silang asarin ako. Hindi yata mabubuo ang araw nila ng hindi napapansin ang presensiya ko. Pagkapasok ni Ma’am ay gulat niya akong tinignan. Masyado talagang naging makalat ang room, ilang minuto pa lamang din siya nawala. Ang itsura ng mga nandito ay parang inosente at walang alam sa mundo. “Ms. Lorenzo, what happened?” nag-aalala niyang tanong. Siguradong ako ang sisihin dahil katabi ko lang ang basurahan na ngayon ay nagkalat na. Nagtaas ng kamay si Thea. “Ma’am nadulas po si Pat kaya natapon ang mga iyan,” Pailing-iling na lamang akong sumang-ayon para hindi pa magsimula ng gulo. Isa-isa ko na pinulot ang mga nagkalat dahil hindi ko rin kaya mag-aral ng napalilibutan ng basura rito. “By the way, you have a new classmate from Sagrada Coste Academy,” pag-iiba ni Ma’am Dela Cruz ng usapan. Maya-maya ay pumasok na ito. Kulang na lang ay mabingi ako sa mga kaklaseng nandito. Masyado kasi malakas ang hiyawan nila, akala mo naman ito na lang ang natitirang lalaki sa mundo. “Keep quiet!” pagsuyaw ni Ma’am sa mga higad na nandito. “Hi, I am Marco Cristobal. I am half American and half Filipino. I love reading books and I only play basketball, not women’s heart. Nice to meet you all,” pagpapakilala niya at kumindat pa ito na lalo pa nagpalakas ng ingay nila. “Ow my, Marco paaccept sa f*******:,” “Totoo ba ito? Pakigising ako please,” “Marco, sobrang fan mo ako,” Iyan lang naman ang isa sa mga sinasabi ng mga bibig nilang ayaw magpaawat. “Okay. Okay. Keep calm. Marco humanap ka na ng vacant seat,” utos ni Ma’am Dela Cruz. Ang lahat ay nag-offer na sa kanila na lang tumabi. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahong makinig sa kanila at baka hindi ako matapos ng paglilinis. Hindi nagtagal, natigil na rin ang hiyawan nila. Habang pinupulot ko ang mga papel, may paang nakatayo sa harap ko. Dahan-dahan kong tinignan kung sino iyon at tumalungko siya sa sahig para tulungan ako. Nakita kong na sa katabi kong upuan niya inilagay ang dala niyang bag. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Ma’am Dela Cruz at nagsimula na ulit magturo ngunit ang mga mata ng nandito ay galit pa ring nakatingin sa akin. Ngumiti naman sa akin si Marco. “Hi, just call me Marco. And you?” tanong niya at naglahad sa akin ng kamay. “P-patricia, Pat na lang,” sagot ko naman. Kung nakamamatay lang ang titig, baka kanina pa ako nakaburol dahil sa mga matang nilang ayaw maalis ng tingin. Pagkatapos maglinis ay bumalik na rin kami sa klase para humabol ng lesson. “That is all for today, my beloved students,” Lahat naman kami ay sumagot. “Thank you Ma’am,” Lumabas na rin siya para sa susunod niyang klase. Ito namang mga kakalase kong parang anghel ay bumabalik na naman ang sungay. Lumapit sila kay Marco at nagpapicture pa. Hindi ko maintindihan kung bakit kapag sa guwapo, kulang na lang ay maghubad sa harapan para lang mapansin. Nag-earphone na ako para hindi sila marinig. Akala ko ay makaliligtas na ako ngunit hindi pa rin. May librong ibinaba si Jessica. “Sagutan mo iyan lahat baboy,” utos niya at nagtawanan naman lahat. Labag man sa loob ko ay kailangan para matahimik na sila. Aabutin ko na sana ngunit may nag-alis ng kamay ko. Pag-angat ng ulo ko, si Marco.   CHAPTER 3 “Bakit niyo binibigay sa kanya?” tanong nito na naging dahilan para matahimik ang lahat. “ahh- eh kasi…” nauutal na sagot ni Jessica. Ngumiti naman si Marco bago iabot sa kanya ang mga libro. “Huwag kang umasa sa iba para lang makapasa, we are all students here,” suway niya at para naman itong napahiya dahil nagtawanan ang iba. Bumalik na ulit si Marco sa upuan niya at parang may binabasa siya sa phone. Dumating na ang susunod namin guro na si Mr. Fabian. Nakita ko si Marco na tahimik lang at mukhang seryoso siya sa pag-aaral na akala mo nagbabasa ng libro pero ang totoo, napaloob dito ang phone niya. Matapos ng mahabang discussion, tumunog na ang bell na simbolo ng lunch break. “Pat,” habol sa akin ni Marco. “Sabay na tayo,” dugtong pa niya at nandito na naman ang mga mapanghusgang mata. Ngumiti ako para asarin sila at tumango ako bilang sagot. Pumunta na muna kaming canteen. Sinabi niyang siya na bibili ng sa akin pero tumanggi ako dahil may baon naman na akong dala atsaka wala akong gano’n kalaking pera para bumili sa mga gintong paninda rito. Bumalik siya na may dalang isang tray ng mga large size na pagkain. Gulat ko siyang tinignan dahil sa dami niyang binili. Wala sa itsura niyang malakas kumain. 2 large burger, mukhang ito pinaka malaking size. 2 large size of fries, ice cream at mga chips. Tumawa ito. “Hati tayo,” wika niya. Agad akong tumanggi pero mapilit siya. Nahihiya tuloy akong ilabas ang baon ko lalo na at parating na naman ang mga halimaw kong kaklase kaya agad kong itinago yung sandwich at kinuha ko sa tray yung isang malaking burger na order ni Marco. Kumunot naman ang noo ni Marco sa ginawa ko. Pagkalagpas ng mga kaklase ko, agad ko rin ibinalik sa tray yung burger at humingi ako ng pasensiya sa aking inasal. “Matagal ka na ba nilang binubully?” tanong niya. Tumango na lamang ako. “Oo pero ayos lang, sanayan na lang,” saad ko. “Sa’yo talaga ang mga ito. Huwag kana mahiya,” abot niya sa akin ng mga order niya. Noong makita niyang ayaw kong kuhanin ay kinuha niya ang bag ko. “Mas gusto ko rin talaga baon mo, hati na lang din tayo,” aniya at kinuha na ang sandwich kong dala. Napatawa na lang ako sa reaksiyon ng mukha niya habang ninanamnam ang baon ko. “Nga pala, artista ka ba?” Nabulunan siya sa tanong ko kaya naghanap akong tubig ngunit wala pala siyang biniling inumin. Agad kong naalala na may baon ako, agad-agad kong hinanap sa bag at pinainom sa kanya. “Ano nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya. “Ano ba kasing tanong iyan?” natatawa naman niyang sagot. “Para kasing popular ka sa lahat,” saad ko at tinignan ang mga tao dito sa canteen. Tinignan din naman niya ang mga ito at muling humarap sa akin. “Player kasi ako ng basketball sa Sagrada Coste Academy,” paliwanag niya. Naalala ko bigla si Timothy na doon din nag-aaral. “Ah, may nakilala din kasi ako roon” iyon na lamang ang tangi kong nasabi at nagsimula na rin ako kumain. Gusto ko malasahan mabuti ang mga pagkaing nandito dahil talagang kakaiba kung ikukumpara sa mga nabibili sa labas. “Magkaroon tayo ng deal,” bigla niyang naisip. Taka ko naman siyang tinignan. “Anong deal?” Lumapit siya sa akin habang nakangiti. “Share tayo lagi sa baon,” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba? “Hindi na kasi ako nakakakain ng lutong bahay. Laging um-o-order na lang si daddy since wala na rin si mommy at ayaw ko nang may katulong na kasama sa bahay,” paliwanag niya na naging dahil para sa bandang huli, mapapayag ako. Wala na raw ang mommy niya dahil may sakit itong breast cancer at siya lang ang nag-iisang anak. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami ng room. Kahit papaano, nawala ang takot kong pumasok dahil may kaibigan akong kasama. Nakita ko pa si Akesha na abala sa pag-aayos ng mga libro sa library kaya hindi ko na lang inabala pa.                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD