CHAPTER 3

719 Words
“Bakit niyo binibigay sa kanya?” tanong nito na naging dahilan para matahimik ang lahat. “ahh- eh kasi…” nauutal na sagot ni Jessica. Ngumiti naman si Marco bago iabot sa kanya ang mga libro. “Huwag kang umasa sa iba para lang makapasa, we are all students here,” suway niya at para naman itong napahiya dahil nagtawanan ang iba. Bumalik na ulit si Marco sa upuan niya at parang may binabasa siya sa phone. Dumating na ang susunod na aming guro na si Mr. Fabian. Nakita ko si Marco na tahimik lang at mukhang seryoso siya sa pag-aaral na akala mo nagbabasa ng libro pero ang totoo, napaloob dito ang phone niya. Matapos ng mahabang discussion, tumunog na ang bell na simbolo ng lunch break. “Pat,” habol sa akin ni Marco. “Sabay na tayo,” dugtong pa niya at nandito na naman ang mga mapanghusgang mata. Ngumiti ako para asarin sila at tumango ako bilang sagot. Pumunta na muna kaming canteen. Sinabi niyang siya na bibili ng sa akin pero tumanggi ako dahil may baon naman na akong dala atsaka wala akong gano’n kalaking pera para bumili sa mga gintong paninda rito. Bumalik siya na may dalang isang tray ng mga large size na pagkain. Gulat ko siyang tinignan dahil sa dami niyang binili. Wala sa itsura niyang malakas kumain. 2 large burger, mukhang ito pinaka malaking size. 2 large size of fries, ice cream at mga chips. Tumawa ito. “Hati tayo,” wika niya. Agad akong tumanggi pero mapilit siya. Nahihiya tuloy akong ilabas ang baon ko lalo na at parating na naman ang mga halimaw kong kaklase kaya agad kong itinago yung sandwich at kinuha ko sa tray yung isang malaking burger na order ni Marco. Kumunot naman ang noo ni Marco sa ginawa ko. Pagkalagpas ng mga kaklase ko, agad ko rin ibinalik sa tray yung burger at humingi ako ng pasensiya sa aking inasal. “Matagal ka na ba nilang binublly?” tanong niya. Tumango na lamang ako. “Oo pero ayos lang, sanayan na lang,” saad ko. “Sa’yo talaga ang mga ito. Huwag kana mahiya,” abot niya sa akin ng mga order niya. Noong makita niyang ayaw kong kuhanin ay kinuha niya ang bag ko. “Mas gusto ko rin talaga baon mo, hati na lang din tayo,” aniya at kinuha na ang sandwich kong dala. Napatawa na lang ako sa reaksiyon ng mukha niya habang ninanamnam ang baon ko. “Nga pala, artista ka ba?” Nabulunan siya sa tanong ko kaya naghanap akong tubig ngunit wala pala siyang biniling inumin. Agad kong naalala na may baon ako, agad-agad kong hinanap sa bag at pinainom sa kanya. “Ano nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya. “Ano ba kasing tanong iyan?” natatawa naman niyang sagot. “Para kasing popular ka sa lahat,” saad ko at tinignan ang mga tao dito sa canteen. Tinignan din naman niya ang mga ito at muling humarap sa akin. “Player kasi ako ng basketball sa Sagrada Coste Academy,” paliwanag niya. Naalala ko bigla si Timothy na doon din nag-aaral. “Ah, may nakilala din kasi ako roon” iyon na lamang ang tangi kong nasabi at nagsimula na rin ako kumain. Gusto ko malasahan mabuti ang mga pagkaing nandito dahil talagang kakaiba kung ikukumpara sa mga nabibili sa labas. “Magkaroon tayo ng deal,” bigla niyang naisip. Taka ko naman siyang tinignan. “Anong deal?” Lumapit siya sa akin habang nakangiti. “Share tayo lagi sa baon,” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba? “Hindi na kasi ako nakakakain ng lutong bahay. Laging um-o-order na lang si daddy since wala na rin si mommy at ayaw ko ng may katulong na kasama sa bahay,” paliwanag niya na naging dahil para sa bandang huli, mapapayag ako. Wala na daw ang mommy niya dahil may sakit itong breast cancer at siya lang ang nag-iisang anak. Pagkatapos na aming kumain ay bumalik na kami ng room. Kahit papaano, nawala ang takot kong pumasok dahil may kaibigan akong kasama. Nakita ko pa si Akesha na abala sa pag-aayos ng mga libro sa library kaya hindi ko na lang inabala pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD