Isang umaga, nagising ako sa mundong kung saan ay nagbago na ang lahat. Ang dating mataba, tinitingala na ngayon ng karamihan. Bumangon na ako para gawin ang araw-araw kong routine na ginagawa. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si nanay na naghahanda ng almusal. Hindi na rin ako makakakain dahil may kailangan akong asikasuhin sa office na pagmamay-ari ni lolo. Matapos ang graduation, kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Business Administration, major in Finance para mas lumawak ang isip ko sa pagpapatakbo ng kumpanya pero hilig ko pa rin ang paggawa ng mga disenyo kaya nagdesisyon akong kumuha rin ng kurso para sa architect. Makalipas ang siyam na taon, nag-aral akong mabuti upang hindi masayang ang pinaghirapan ng pamilya Academia. Kasabay ng paglago, naging katuwang namin

