FEW MINUTES LATER “Nasa gate ako ng school niyo, nasaan ka?” bungad niya pagkasagot ko ng tawag. “C-cr, pakibigay na lang sa guar_” hindi ko na naman naituloy ang sasabihin dahil sa pagsingit niya. “I’ll be there,” sabay patay ng tawag. Napayakap na lang ako sa tuhod ko, ilang sandal pa ay narinig ko na ang hiyawan mula sa labas. May kung anong nagkakagulo hanggang bumukas ang pinto. “Pat,” tawag ni Tomothy sa pangalan ko. Agad akong sumagot para mahanap niya kung nasaan akong cubicle at inabot niya sa akin ang isang plastic. Medyo napangiti ako noong makitang kasya yung damit sa akin kahit papaano. Agad kong pinalabas si Timothy dahil bawal ang lalaki sa cubicle ng babae. Mukha namang umalis na siya pero hindi pa rin nawawala ang ingay. Hindi ko na pinansin pa at agad nagbihis. Pagl

