JAHZARA: (THIRD PERSON POV) “Baka pweding sumama ako sa'yo sa bar mo.” Aniya na hindi man lang iniisip ang magiging reaksyon ni Najee. Nasa bandang pintuan na ito at pipihitin nalang ang seradura para tuluyang buksan ang pintuan kaso hindi natuloy dahil sa kanyang sinabi. May kuryusidad itong bumaling sa kanya. “Anong gagawin mo do'n?” Sa isip-isip niya baka iniisip nito na kaya siya sasama sa bar ay para mag liwalil. Walang paniniwala sa kanya si Najee even in the first place. Siya ang rason kung bakit nawawalan ito ng tiwala dahil sa mga kalokohan niyang ginawa. Hindi naman sila hahantong sa gano'ng sitwasyon kung hindi niya inipit si Najee. Siya ang unang gumawa ng mali so dapat, tanggapin niya na kahit kailan hindi mag tatanim ng tiwala sa kanya si Najee. Napaghinalaan nga siyan

