JAHZARA: (THIRD PERSON POV) Nanlumo siya ng bumungad sa kanya ang sala na wala man lang lalaking nakahiga. Sabik pa naman siyang bumangon at lumabas kahit hindi niya pa naiitali ang kanyang mga buhok dahil maaga siyang natulog kagabi kaya hindi niya nahintay ang pag-uwi ni Najee. “Sabi babalik din kaagad. Eh nasaan ka ngayon, ha?” Himaktol niya habang inaayos ang throw pillow na nahulog sa sahig. Kung bakit ba kasi nahuhulog pa ito kung hindi naman siya umupo o humiga doon. Mabigat siyang bumuntong-hininga bago niyakag ang sarili pabalik ulit sa kuwarto niya. Tulala siyang napatitig sa salamin nang makapasok sa banyo para maghilamos. Kahit medyo nalukumbay ay nagawa niya pa rin na ayusin ang sarili. Nag hilamos siya. Nag toothbrush at pinuyod ang mahaba at bagsak niyang mga buhok. Nag

