Chapter 6

1415 Words
Jahzara: “Saan ka pupunta?” Istriktong bungad sa akin ni Sir Najee nang magkasalubong kami sa lobby ng condo niya. Feeling ko namutla agad ako kasabay ng panglalamig ng mga kamay ko dahil sa anyo niyang hindi ko mawari. “M-may bibilhin lang sana ako sa labas.” Kinakabahan kong sagot sa kanya kaso gano'n nalang ang pagkagulat ko nang basta niya ako hawakan sa palapulsuhan at saka tinangay na parang bagay lamang! Ang bilis niya akong naisama at naipasok sa elevator. Napangiwi ako nang bitawan niya ang kamay ko. “Diba sabi ko sa'yo hindi ka pweding lumabas? Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?” Iritado niyang paninermon sa akin. Kumakahog sa kaba ang dib-dib ko pero nagawa ko parin siyang tignan ng matapang. Mabuti nalang din at kaming dalawa lang ang sakay sa elevator. Dumistansya ako sa kanya ngunit hindi niya ako pinahintulutan na utuloy ang gagawin dahil mabilis niya akong hinapit palapit sa kanyang katawan! Namilog ng gano'n kabilis ang mga mata ko nang halos wala nang isang dangkal ang pagitan ng mga mata namin. Mas lalong kumabog ang dib-dib ko at nakakahiya kung marinig niya ang bawat tahip niyon kaya nilalabanan ko ang paghapit niya. “Where do you think you're slipping away to, huh?” Bakas sa boses niya ang pamimilyo. Kusa akong napapikit at hindi kaagad nakasagot dahil tumama sa mukha ko ang mainit at amoy alak niyang hininga. Bahagya ko tuloy nakagat ang ibabang labi ko dahil sa labis na kaba. “M-may...bibilhin lang sana ako sa labas, Sir.” Nauutal kong sagot. Tumunog ang elevator hudyat na nasa second floor na kami at naging dahilan iyon ng pagbitaw niya sa akin. Marahan niya akong inayos sa pagkakatayo habang nakapulupot parin ang kamay niya sa bewang ko. Pagbukas ng elevator, bumungad sa amin ang ilang kababaihan na agad namang tumuon ang atensyon sa kanya ngunit dinidedma niya lang ang mga ito habang papalabas na kami ng elevator. Ang tahimik niya kaya hindi ko parin mapigilan na hindi kabahan! Ang bilis naming makarating sa unit. Wala siyang imik nang parehas na kaming nasa sala. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Para siyang lasing dahil sa amoy niyang hininga o baka dala narin ng antok kung kaya't nababarino siya. Hinagis niya sa sofa ang hoodie niyang suot bago matiim na tumitig sa akin. Napayuko ako at saka nakagat ang aking ibabang labi. “Kabibilin ko lang na huwag kang lumabas, diba?” May diin niyang sabi. Naalala ko naman ang bilin niya pero kasi- “Talk to me, Lady.” Segunda niya na ikinagitla ko. Napahinga pa ako ng malalim bago siya sinagot. “Sa sunod na buwan ay dise-nuebe na po ako, Sir. Hindi na ako bata para tawagin niyo ng gano'n. At saka tungkol sa ibinilin niyo, hindi naman ako ulyanin para makalimutan ang sinabi niyo. Bibili lang talaga ako ng napkin kaya lumabas ako.” Matapang at walang takot ko na pananagot sa kanya. Sa huli parang bigla akong nanlamig at kaagad na umurong ang mga paa ko nang mapagtanto ang pagiging kabulgaran ko. Nadulas ako ng sasabihin kaya nang pilit kong tignan ang hitsura niya, sobrang may pagtataka ako na nakita sa reaksyon niya! “Sorry.” Bawi ko nang makabawi saka inihakbang ang aking mga paa. Akmang lalampasan ko na siya nang bigla niya akong haklitin sa palapulsuhan ko. Namilog ang mga mata ko nang halos magdikit na ang mga labi namin nang mapaharap sa ako sa kanya. Lalo niya akong hinapit hanggang sa pulgada nalang ang pagitan ng aming mga labi! Nagwawala ang puso ko! Buwesit na pakiramdaman dahil sobrang lakas ng pagtambol nito! “So, hindi ka buntis?” Pag kumpirma niya na ikina-umid ko! Hindi dahil sa tanong niya kundi dahil mabango at mainit niyang hininga na nalalanghap ko. Naikuyom ko nalang mga kamay ko dahil sa pag pipigil para hindi bumigay. At sa tanong niya, he caught me off guard! Wala na, bistado na yata ako! “H-hindi ko naman sinasabi na buntis ako. May... nangyari lang--sa atin pero hindi ako buntis.” Sunod-sunod kong despensa. Hindi ko na tuloy alam kung saan ba ako humuhugot ng tapang para harapan-harapan kong masabi 'yon sa kanya. Nahigit ko ang aking paghinga nang bigla niya akong hapitin! Sobrang lapit ko na sa kanya kaya agaran kong itinukod sa dib-dib niya ang dalawa kong kamay. “So ano ang ibig mong sabihin? Na mahina ang sperm ko dahil hindi kita nabuntis? Is that what you mean?” Balik tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi ikuyom ang aking mga kamay. Parang hinahamon niya ang karupukan ko. Tinig niya palang mukhang mapapa-amin na niya ako pero dahil nagsisinungaling nalang din naman ako kaya lubuslubusin ko na! As if naman na may nangyari talaga sa amin. Ni hindi nga ako marunong humalik 'yon pa kaya ang mag pagamit? Nakakapanindig balahibo talaga kapag naiisip ko ang mga bagay na 'yon! Aminado naman ako na desperada ako pero hindi sa gano'ng bagay. May rason ang lahat kung bakit ko'to ginagawa pero wala akong choice kundi ang gawin 'to. Bahala na kapag nabisto niya ako. Ipakukong niya nalang ako! “Wala akong sinabi na gano'n.” Baliwala kong tugon. Lumuwag ng konte ang pagkakahawak niya sa akin. Nabawasan ang kaba ko pero kaagad din bumalik at doble pa nang basta niya sapuhin ang mukha ko at saka ako mariin na hinalikan! Hindi ako nakagalaw at basta nalang din sumuko at pumikit. Minumura ko nalang ang sarili ko dahil sa pagpapatangay. Pakiramdam ko tuloy parang papel lang ako nang igiya niya ako palapit ng ding-ding. Umunti-unting gumalaw ang bibig niya at gustong pumasok ng dila niya sa loob ng bibig ko kaso hindi ko alam kung paano ang gagawin! Hindi ko alam kung paano aayunan ang ginagawa niya sa akin. Nakakapanglambot ng sistema. Nakakadarang at nakakawala ng pag-iisip ang bawat halik niya sa akin. Ibang-iba sa halik na ginawa namin no'ng araw ng kasal namin. “Damn it, Jahzara. Kiss..me, back.” Usal niya bago muli ako siniil ng halik! Parang natutupok ako dahil sa paos niyang boses. Minanduan niya ang isang babaeng walang karanasan pagdating sa panghahalik! Pero dahil nabigyan niya ako ng kaunting ideya kung kaya't naglakas loob ako na ibalik ang halik na ibinibigay niya sa akin. Hindi niya pweding isipin na wala akong karanasan. Dapat nakatatak sa isipan niya na magaling ako kahit hula-hula lang. Wala akong sinayang na oras. Kung ano ang ginagawa niya sa mga labi ko ay siyang ginagawa ko rin. Nadadarang na ako sa taglay niyang galing. Sinapo niya ang batok ko para mas lalo akong mapadiin sa kanya. Sa oras na 'yon pinipilit kong mag protesta kaso walang silbi ang pag pigil ng mga kamay ko sa dib-dib niya nang basta niya hawakan ang mga kamay ko at dalhin sa paikot sa kanyang leeg. Nagpatangay ako habang dinadama ang bawat nakakadarang na ginagawa niya sa akin kaso parang binuhusan din kaagad ako ng sobrang malamig na tubig nang basta siya tumigil at mariin ang tingin na pinapataw sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko pero nagawa ko namang yumuko bago niya pa makita ang pamumula ng aking mukha. “Get inside your room and lock your door.” Utos niya. Umangat bigla ang paningin ko dahil sa pagtataka kaso masakit niyang tingin ang nasalubong ko Kitang-kita ko rin kung paano niya madiin na pinupunasan ang bibig niya na nasa isip ko'y parang nandidiri siya sa laway kong naiwan sa mga labi niya. Dahil sa nakita, nag matapang din ako na gayahin ang ginawa niya. May diin ko ding pinunasan ang palibot ng aking bibig at umaktong mas nandidiri ako sa kanya! Bakit, ikaw lang ba ang kakayahan na gawin 'yan? Kaya ko rin! Bakas ang pagtataka sa hitsura niya nang makita ang ginawa ko. Parang naging iritado pa siya nang itigil niya ang ginagawa niyang pagpalandas ng hinalalaki sa bibig niya. Matapang ko pa rin na pinapakita sa kanya ang pagtutuyo ko sa paligid ng aking bibig. “Wala ka pa lang binatbat kumpara sa mga dati kong kahalikan, Sir.” May diin kong sabi bago siya tinalikuran at mabilis na nag lakad patungo sa akin kuwarto! Hindi ko na rin nagawang salubungin ang nagulantang niyang reaksyon dahil sa kaba dahil pagsalubong pa lang ng mga kilay niya, tumatambol na ang dib-dib ko! At sa tagpong iyon, halos matumba na ako dahil sa panginginig dulot ng aking ginawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD