Najee:
“Pakitunguhan mo lang ang batang 'yon sa abot ng makakaya mo para wala tayong problema sa isa't-isa. I have nothing to ask of you regarding her. I know she's not your type, but you can't do anything about it now that it's happened, Nair. You need to do this to save our reputation and the reputation you're trying to protect.” Seryosong paliwanag sa akin ni Dad nang kamustahin niya ang tungkol sa amin ni Jahzara. Hindi ako sang-ayon sa gusto niya pero ano pa ba ang magagawa ko? Nangyari na ito!
“I know nothing happened between us, but why are you still insisting that something did? I'm old enough to consider those messes as dare, Dad. Hindi ako stupido para maniwala sa sinasabi niyang ginalaw ko siya dahil alam kong hindi yun totoo!” Gigil kong depensa kaso nakakamatay na tingin lamang ang ipinataw sa akin ni Dad! Matanda na ako para malinlang ng isang dise-otso anyos na bata. At ano ang gusto niya paniniwalaan ko siya? Hell no! Kahit lasing na lasing ako alam ko parin kung ano ang ginagawa ko, at ano pa kung hindi ako lasing? Lalo kong giniit na walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Jahzara kaso parang sarado na ang tenga ni Dad para pakinggan ang paliwanag ko!
Bullshīt! Kung bakit ba pumunta pa siya dito sa opisina ko para lamang ipamukha na naman sa akin kung gaano ako ka tanga para maging sunod-sunuran niya. Because of his damn reputation kaya niya ito ginagawa! Wala naman akong ikakahiya kahit malaman ng sambayanan ang sekretong iyon! Matagal na akong kilala bilang isang suplado, arogante at walang pakialam sa mundo kaya bakit ko pa tatakpan ang reputasyon ko kung sa mga mata ng tao wala lang ako! I'm a mess in our family!
“Kailangan ko ng apo na papasahan ko ng yaman ko balang-araw! Tapos ang diskusyon na ito, Nair Jeeve! Impregnate her as long as you want. Wala akong paki-alam kung hindi mo siya gusto! Wala akong paki-alam kung nasusuka ka sa kanya. Anakan mo siya ng anakan hanggang sa makarami ka ng anak, gago! That's all!” Bulyaw ni Dad bago marahas na sinipa ang paahan ng silya na plastik at tuluyan nang lumabas! Nasundan ko na lamang ang anino ng isa niyang taohan na nakabuntot sa kanya.
He is unbelievable! At lumabas din ang totoo! Ang tanging gusto niya ay apo na galing sa akin. Pero hindi niya ako maloloko na iyon lang ang dahilan niya. Nandiyan pa si Rain na mas mahal niya kaysa sa akin. Pwedi niyang hilingin sa mahal niyang anak ang hinihiling sa akin pero hindi niya magawa! Dahil ano? Wala itong silbi? Dahil puro yabang lamang ito? Eh ano pa kaya ako? Diba't parang mas malala pa ako kay Rain? Galit si Dad sa akin dahil mas inuna kong gampanan ang pagiging isang may-ari ng sarili kong bar kaysa ang gampanan ang pagiging CEO ng kumpanya namin. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang ipunto!
Yamot ako na napasandal sa aking kina-uupan habang matiim na naka-monitor sa tv ang aking mga mata. Parang hindi ko na tuloy alam kung saan ako mag-uumpisa ng pag tingin. Sobrang dagsa ang mga costumer ngayon dahil Sabado. Kulang na kulang ako sa taohan kapag ganitong araw dahil karamihan ay puro naka-day off kaya lagi akong barino kapag araw ng Sabado. Isa din ito sa nagiging dahilan kung bakit hindi ako malimit umuwi ng condo. Pero inaamin ko na bukod dito ay isa pang rason si Jahzara kung bakit ayaw kong umuuwi sa unit ko.
Bukod sa hindi ako sanay na may ibang tao sa unit ko, galit na galit pa rin ako sa kanya! At kapag sumusubra ang galit ko hindi ko mapigilan ang sarili hanggang sa nakakasakit na ako ng tao! Stupidity always push me to make bad things!
Katulad nalang ng nangyari kaninang umaga. Hindi ko napigilan ang sarili at huli na rin nang makaramdam ako ng konsensya nang makita ang marka ng ginawa ko sa kanya! I'm too harsh for her! Hindi naman ako ganito pero bakit pagdating sa kanya palagi akong galit! Simply because of her also. Hindi naman ako palaging manggagalaite sa galit kung hindi niya ako inuunahan! She ruined my miserable life! Miserable na nga ang buhay ko mas lalo niya pang dinagdagan! Tangīna lang!
“Boss Naj, may naghahanap sa'yo sa labas.” imporma sa akin ni Dale. He is the bouncer who always assigned at the front door. Siguro hindi costumer dito kaya hindi nakapasok. We have a rules here. No MOC ID not allowed.
Mabilis kong nilock ang opisina ko bago nag lakad ng front door.
“Sir, Najee?!” Bulalas na bungad sa akin ng isang babae. She is wearing a denim skirt na halos umalpas na ang isang parte ng kayang pang-upo kapag umupo siya. Naka black leather jacket siya at saka pulang-pulang ang kanyang labi habang ngumunguya ng bubble gum. Umangat ang isa kong kilay nang maging pamilyar ang hitsura niya sa akin. I know her face but I don't know her name.
“May I know you?” Suplado kong tanong sa kanya. I crossed my arms while waiting for her answer. Pilya siyang napatawa bago pina-ikot-ikot sa isa niyang daliri ang nakalugay niyang buhok.
“Ako 'to si Katrina, Sir Naj!” Pakilala niya. Now I know her. Pero bakit parang ang layo naman ng narating niya? And if I'm not mistaken, kaibigan siya ni Jahzara. How did she know she could find me here? Umangat muli ang isa kong kilay.
“I see. Anong kailangan mo?” Tanong ko sa kanya na walang ka inte-interes. Lumiwanag bigla ang mukha niya. Lumapit siya sa akin kaso hinarangan siya ni Dale. Kitang-kita ko kung paano nangunot ang noo niya habang nakatingin kay Dale.
“Mag a-apply sana ako bilang server dito sa bar mo, Sir Naj. Baka pwedi mo akong ipasok diyan.” Ngumuso siya sa direksyon ng bar. Naningkit tuloy ang mga mata ko dahil sa pagtataka.
“Who told you that I'm here?” Senigundahan ko siya. Natigilan siya at pansamantalang nag-isip. I wonder who told her.
“Si Jahzara! Oo, si Jaz ang may sabi sa akin na may bar ka dito sa Maynila. Nagkita kasi kami nang mapaliga siya sa laundry shop na inalisan ko kanina.” Sunod-sunod niyang sagot na mas lalong ikinasingkit ng mga mata ko! Nagkita sila? Parang mas lalong uminit ang ulo ko. Hindi ko alam kung kelan siya lumabas! O baka kaninang umaga lang?
“Anong pina-laundry niya sa shop niyo?” Im curious about what she said. Wala akong balak na itanong iyon kaso dala ng kuryusidad kaya ko naitanong.
“Hindi ako ang nag-assist sa kanya pero nakita ko sa resibo ay isang pirasong dress lang ang isinalang niya.” Kuwento niya. Na abot agad ng isipan ko ang sagot sa tanong ko.
So she really cherish her wedding dress, huh?
“You're hired.” Sambit ko bago siya tinalikuran. Narinig ko ang tili niya pero hindi ko na siya binalingan. Tamang-tama naman dahil kulang ako sa tao ngayon.
Pagbalik ko sa loob ng opisina ko ay nakasunod naman sa akin si Trisha. She is my assistant. May dala siyang isang tray tapos may laman na pagkain.
“Hindi ka ba nagugutom?” Anang pamimilosopo niya sa akin nang mailapag sa table ko ang tray na dala.
“Busog pa ako. Kumain ako kanina bago umalis ng unit.” Tugon ko sa kanya bago ibinalik ang mga mata sa monitor. Nakikita ko pa rin na isa-isa niyang nilalapag sa lamesa ang mga nakalagay sa tray. Natatakam ako sa amoy ng pagkain kaso hindi ko makuhang tumikim dahil busog talaga ako.
“Hmmm--gano'n ba?” Nang-aasar niyang saad na ikinatingin ko sa kanya. Pigil na pigil ang pag-ngiti niya kaya umangat ang isa kong kilay to question her reaction.
“Stk. Hindi lang ako sanay na marinig kang kumain na kuno sa unit mo bago ka umalis. Sige na, kumain ka nalang diyan kapag gusto mo.” Paliwanag niya bago tuluyan nang umalis. She is weird.