CHAPTER 09: VOICEMAIL Lakad lang ako ng lakad papunta sa cabin ko para umuwi pagkatapos ng announcement sa auditorium. Hindi ko alam kung ano ang irereak ko pagkatapos ng mga narinig doon. Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Why did they want us to believe that it's a suicide case when it was a murder case? Isa ako sa mga posibleng tao na huling nakasama ni Fatima bago nangyari ang krimen. Maliban sa'kin, hindi ko alam kung may nakabunggaan ba siya papunta sa library. Alam kong hindi magagawang magpakamatay ni Fatima kasi kitang-kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi bago niya ako iniwan non sa cafeteria! I can picture out right now in my mind how excited she was to bring his boyfriend's lunch. Pero, isang oras lang ang nakalipas ay nagpakamatay na agad siya? That's a ver

